Ang kaluban, puki o kiki ay ang pisikal na pantukoy sa kasarian ng mga kababaihan sa ilang mga hayop kabilang ang mga tao. Dito lumalabas ang ihi at buwanang daloy at dito pinapasok ang titi o ari ng lalaki para sa reproduksiyon. Sa tao, ito ay may patayong butas at tinutubuan ng bulbol ang ibabaw. Sa butas na ito pinapasok ang titi para lumabas ang semilya ng lalaki.

Kaluban
Mga organo ng sistemang reproduktibong pambabae, na makikita ang kaluban sa gitna.
Bulva na kasama ang bukana ng kaluban
Mga detalye
Latin"kaluban", "suksukan", o "kaloban"
Tagapagpaunasinus na urohenital at mga duktong paramesonepriko
pang-itaas o superyor na bahagi ng arteryang uterino (arteryang pangbahay-bata), gitna at inperyor o pang-ilalim na mga bahagi ng arteryang bahinal (arteryang pangkaluban)
uterovaginal venous plexus, benang pangkaluban
Simpatetiko: lumbar splanchnic plexus
Parasimpatetiko: pelvic splanchnic plexus
pang-itaas na bahagi ng mga internal iliac lymph node, pang-ibabang bahagi ng mga superficial inguinal lymph node
Mga pagkakakilanlan
Anatomiya ni Grayp.1264
MeSHA05.360.319.779
Dorlands
/Elsevier
Vagina
TAA09.1.04.001
FMA19949

Sa Ingles, kilala ang kaluban bilang vagina, na nagmula sa Latin na vāgīna, literal na may kahulugang "sheath" o "scabbard", na may ibig sabihing "suksukan", "kaluban" o "kaloban".[1][2] Kilala rin sa tawag na puke, pekpek, buto, bilat, buday, pepe, puday, at putay sa ibang mga probinsiya sa Pilipinas. Ito ay ang reproduktibong bahagi ng babae. Ito rin ang daluyan ng ihi ng mga babae. Sa pagtatalik, dito ipinapasok ng lalaki ang kanyang titi o ari tuwing nagtatalik at sa sandaling lumabas ang tamod (o semilya) sa titi ay dumaraan ito sa loob ng kiki hanggang ang iilang selula ng isperma ay makarating sa obaryo para maging isang selulang itlog ng babae. Ito rin ang nagsisilbing daanan ng sanggol sa sandaling manganganak na ang isang babae.

Binigyan ng kahulugan nina Morton G. Harmatz at Melinda A. Novak sa kanilang aklat na Human Sexuality ang vagina bilang isang nababanat na kanal sa loob ng babae na umaabot mula sa cervix hanggang sa vulva, na tumatanggap sa titi habang nakikipagtalik at bumubuo ng isang lagusan para sa fetus kapag nagluluwal (kapag "nagluluwa" ng sanggol).[3]

Mga tungkulin

baguhin

Bilang isang pitak na parang tubo na pibromuskular (mahibla at mamasel o malaman), ang kaluban ay isang organong pampagtatalik na mayroong dalawang pangunahing tungkulin: isa itong kasangkapan para sa pakikipagtalik at sa panganganak. Bukod sa dalawang pangunahing tungkuling ito, mayroon pa itong ibang mga gampanin.

Paglalabas

baguhin

Ang kaluban ay naglalabas ng dugo at ng tisyung biyolohikal sa panahon ng pagreregla. Ang mga pasador o mga tampon ay maaaring gamitin upang sipsipin ang ilan sa mga dugong lumalabas sa panahon ng menstruasyon.[4]

Pagbubuntis

baguhin

Ang semilya o isperma ay kailangang mailagay sa ibaba ng kaluban na malapit sa sipit-sipitan (serbiks), o sa pabilog na buklod ng masel na nasa pasukan papunta sa bahay-bata, at mapertilisa (mapunlayan) ang itlugan upang magdalangtao ang isang babae. Sa normal na panganganak, ang mga sanggol ay lumalabas sa pamamagitan ng pagdaang lumalagos sa kaluban.

Panganganak

baguhin

Habang nanganganak ang isang babae, gumaganap ang kaluban bilang isang "lagusan" o "landas" upang makaraan ang sanggol. Habang nanganganak ang isang babae, nagbabanat at bumubuka ang kaluban nang mas malaki at mas maluwang kaysa sa karaniwang nitong diyametro (bantod).

Gawaing pampagtatalik

baguhin

Kapag ang babae ay napukaw na seksuwal, nakadarama siya ng mga sensasyon o damdaming kaaya-aya sa loob ng rehiyon ng kaniyang henitalya. Ang kaluban ay nagkaroon ng kalaparan o lumuluwag na umaabot sa 8.5 cm (4 na mga pulgada), subalit maaaring maging mas malaki kapag nadagdagan ng estimulasyon o pagpukaw.[5] Habang nagaganap ang pagtatalik, ang titi ng lalaki ay inilalagay sa loob ng kaluban ng babae. Ang kaluban ay mainit at malambot, at naglalagay ito ng presyon sa titi ng lalaki, na maaaring makapagbigay ng damdaming mabuti para sa kapwang magkapareha at karaniwang nakakagawa na ang lalaki ay magkaroon ng isang orgasmo pagkaraan ng paulit-ulit na mga pag-indayog at pag-ulos (pagduldol). Hinggil sa orgasmo sa kababaihan, ang kaluban ay mayroong mas malaking kakauntian ng mga dulo ng mga nerbiyo ("ugat" o nerb) kaysa sa tinggil, at dahil sa gayon ang paghagod o paglalagay ng hindi nagbabagong presyon o diin sa tinggil ay karaniwang kailangan upang matulungan ang babae upang makarating o makaabot sa orgasmo.[6][7][8] Habang nagaganap ang orgasmo ng lalaki, naglalabas siya ng tamod mula sa kaniyang titi na papasok sa loob ng kaluban. Ang tamod o semen ay naglalaman ng semilya (esperma), na maaaring maglakbay mula sa kaluban papasok sa bahay-bata upang pertilisahin ang obum (itlog ng babae) at gawing nagdadalangtao (buntis) ang isang babae. Ang lalaki ay maaari ring magkaroon ng isang orgasmo at magpakawala ng semen papaloob sa kiki ng babae kahit na hindi maaaring mabuntis ang babae, katulad ng kapag ang babae ay gumagamit ng pampigil sa pag-aanak, bagamang walang pampigil sa pag-aanak na talagang 100% ang pagiging mabisa.

Ang G-spot (literal na "dakong G" o "lugar ng G") ay nilalarawan o binibigyang kahulugan bilang isang napaka sensitibong pook na malapit sa pasukang nasa loob ng kaluban ng tao.[9] Kapag pinukaw o nilagyan ng estimulasyon, humahantong ito sa isang malakas na orgasmo o pagpapalabas ng babae sa ilang kababaihan.[10][11][12] Mayroong ilang mga manggagamot at mga mananaliksik na nagsasagawa ng espesyalisasyon sa anatomiya ng mga babae na naniniwala na ang G-spot ay hindi umiiral, at, kung umiiral man ito, isa itong dugtong ng tinggil.[13][14][15][16]

Mga sanggunian

baguhin
  1. vagina, kaluban, lingvozone.com
  2. vagina, kaluban Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., bansa.org
  3. Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 570. Kahulugan: "vagina [VUH-iy-NUH] Flexible canal in the female extending from the cervix to the vulva. Accepts the penis during intercourse and forms a passageway for the fetus at birth.
  4. "All about Menstruation". Nakuha noong 2010-05-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Does size matter". TheSite.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-21. Nakuha noong 2006-08-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Psychology Applied to Modern Life: Adjustment in the 21st Century. Cengage Learning. 2011. p. 386. ISBN 1-111-18663-4, 9781111186630. Nakuha noong 14 Nobyembre 2012. {{cite book}}: Check |isbn= value: invalid character (tulong); Unknown parameter |authors= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "I'm a woman who cannot feel pleasurable sensations during intercourse". Go Ask Alice!. 8 Oktubre 2004 (Huling Naisapanahon/Muling Nasuri noong 17 Oktubre 2008). Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-01-07. Nakuha noong 14 Nobyembre 2012. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  8. Sex and Society, Volume 2. Marshall Cavendish Corporation. 2009. pp. 960 pages. ISBN 0761479074, 9780761479079. Nakuha noong 14 Nobyembre 2012. {{cite book}}: Check |isbn= value: invalid character (tulong); Unknown parameter |authors= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Darling, CA; Davidson, JK; Conway-Welch, C. (1990). "Female ejaculation: perceived origins, the Grafenberg spot/area, and sexual responsiveness". Arch Sex Behav. 19: 29–47. doi:10.1007/BF01541824. ISSN 0004-0002.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  10. Crooks, R; Baur, K. Our Sexuality. California: Brooks/Cole.
  11. Jannini E, Simonelli C, Lenzi A (2002). "Sexological approach to ejaculatory dysfunction". Int J Androl. 25 (6): 317–23. doi:10.1046/j.1365-2605.2002.00371.x. PMID 12406363.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  12. Jannini E, Simonelli C, Lenzi A (2002). "Disorders of ejaculation". J Endocrinol Invest. 25 (11): 1006–19. PMID 12553564.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  13. Hines, T (2001). "The G-Spot: A modern gynecologic myth". Am J Obstet Gynecol. 185 (2): 359–62. doi:10.1067/mob.2001.115995. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. O'Connell HE, Sanjeevan KV, Hutson JM (2005). "Anatomy of the clitoris". The Journal of Urology. 174 (4 Pt 1): 1189–95. doi:10.1097/01.ju.0000173639.38898.cd. PMID 16145367. {{cite journal}}: Unknown parameter |laydate= ignored (tulong); Unknown parameter |laysource= ignored (tulong); Unknown parameter |laysummary= ignored (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  15. "Is the Female G-Spot Truly a Distinct Anatomic Entity?". The Journal of Sexual Medicine. 2011. 2012. doi:10.1111/j.1743-6109.2011.02623.x. PMID 22240236. {{cite journal}}: Unknown parameter |authors= ignored (tulong); Unknown parameter |laydate= ignored (tulong); Unknown parameter |laysource= ignored (tulong); Unknown parameter |laysummary= ignored (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Alexander, Brian (18 Enero 2012). "Does the G-spot really exist? Scientists can't find it". MSNBC.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-03. Nakuha noong 2 Marso 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)