Heometriyang pangsolido

Sa larangan ng matematika, ang heometriyang pangsolido ay isang nakaugaliang katawagan para sa heometriya ng espasyong maka-Euclid na may tatlong dimensiyon — na para sa mga layuning praktikal na pang-espasyo na kinapapamuhayan o kinatitirahan ng mga tao. Napaunlad ito kasunod ng pagkakapaunlad sa heometriyang pangpatag at pantay na kaibabawan (heometriyang panglapya). Ang Istereometriya (Ingles: stereometry) ay humaharap sa mga kasukatan ng mga bolyum ng sari-saring mga solidong hugis na kabilang ang silinder, pabilog na balisungsong (kono), konong trunkado, espero, at mga prisma.

Ang mga Pitagoreano ay dati nang humarap sa mga solidong regular, subalit hindi nila pinag-aralan ang mga piramide, prism, cone at cylinder bago ang pagsapit ng mga Platonista. Itinatag ni Eudoxus ang pagsukat sa mga ito.[1]

Nakikilala rin bilang mensurasyong pangsolido, ang heometriyang pangsolido ay ang pag-aaral ng sari-saring mga solido o mga bagay na buo, pikpik o masinsin, at matigas. Ito ang pag-aaral ng sukat ng bolyum, area, taas, haba, at marami pang iba. Ito ay malawakang ginagamit sa larangan ng inhinyeriya at ang kaalaman mula rito ay isang pangangailangan ng mga inhinyero para sa anumang mga proyektong pangkonstruksiyon.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Hinango mula sa Encyclopædia Britannica na pang-1911.
  2. Verterra, Romel. Solid Geometry, Online Engineering Review Center, mathalino.com

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Heometriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.