Herodes ang Dakila

Si Dakilang Herodes (Hebreo: הוֹרְדוֹס‎, Horodos, Griyego: Ἡρῴδης, Hērōdēs), kilala rin bilang Herodes I, Herodes, ang Dakila, o Herodes na Dakila (ipinanganak noong 74 BCE – namatay noong 4 BCE sa Jerico), ay isang Romanong kliyenteng hari ng Hudea.[1] Malimit siyang ikinalilito sa kanyang anak na lalaking si Herodes Antipas, na kabilang din sa Dinastiyang Herodiano at pinuno ng Galilea (4 BCE - 39 CE) noong kapanahunan nina Juan Bautista at Hesus ng Nasaret. Kilala si Herodes ang Dakila dahil sa kanyang mga proyekto ng dambuhalang mga gusali at iba pang mga bahagi ng sinaunang mundo, kabilang ang muling pagtatayo ng Pangalawang Templo sa Herusalem, na paminsan-minsang tinatawag na Templo ni Herodes, na sinimulan noong 20 BCE at ginagawa pa noong kapanahunan ni Hesus. Nang mamatay si Dakilang Herodes noong 4 BCE, ang kanyang Kaharian ay nahati sa kanyangn tatlong anak na lalake:Sina Herodes Arquelao na etnarko ng Judea, Samaria at Idumea mula 4 BCE hanggang 6 CE, si Herod Felipe na tetrarko ng Iturea mula 4 BCE haggang 34 CE, at Herod Antipas na Tetrarka ng Galilea mula 4 BCE hanggang 39 CE.

Dakilang Herodes
Kliyente ng Republikang Romano sa Judea
Panahon 37–4 BCE Padron:Midsize
36–1 BCE Padron:Midsize[kailangan ng sanggunian]
Sinundan Antigonus II Mattathias (Hari ng Judea)
Sumunod
Asawa
Anak
Ama Antipater na Idumaean
Ina Cypros
Kapanganakan c. 72 BCE
Idumea, Dinastiyang Hasmoneo
Kamatayan Marso-Abril 4 BCE Padron:Midsize or January–April 1 BCE Padron:Midsize
Jericho, Judea
Libingan Malamang sa Herodium
Pananampalataya Ikalawang Templong Hudaismo
Mapa Dinastiyang Herodiano pagkatapos ng kamatayan ni Dakilang Herodes. Ang Judea at Samaria ay nasa ilalim ni Herodes Arquelao, Iturea sa ilalim ni Herod Felipe, at ang Galilea at Perea ay nasa sa ilalim ni Herodes Antipas.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Aryeh Kasher, Eliezer Witztum, Karen Gold (tagapagsalin), King Herod: a persecuted persecutor : a case study in psychohistory and psychobiography, Walter de Gruyter, 2007


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Roma at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.