Sa relihiyong Islam, si Hesus (Arabe: عيسى‎ `Īsā) ay tinutukoy bilang isang Mensahero ng Diyos na ipinadala para magbigay ng gabay sa mga Mga anak ng Israel (banī isrā'īl) na may bagong kasulatan, ang Injīl (ebanghelyo).[1] Ang Koran na pinaniniwalaan ng mga Muslim bilang ang huling rebelasyon ng Diyos ay binanggit si Hesus ng 25 na beses.[2] Isinasabi na si Hesus ay pinanganak kay Maria (Arabe: Maryam) bilang isang bunga ng pagbubuntis ng birhen na isang himalang naganap sa pamamagitan ng utos ng Diyos (Arabe: Allah). Para matulungan siya sa kanyang pakikipagsapalaran, nabigyan si Hesus ng kapangyarihang gumawa ng mga himala sa phintulot ng Diyos. Ayon sa mga kasulatang Arabe, si Hesus ay hindi napatay o napako sa krus bagkos siya ay inangat nang buhay sa langit.[3] Isinasaad ng mga Islamikong kinaugalian na siya ay babalik sa mundo sa paglapit ng araw ng paghahatol para maibalik ang katarungan at matalo ang al-Masīḥ ad-Dajjāl (literal na "huwad na mesiyas" na tinatawag din bilang ang Antikristo).[4][5] Gaya ng lahat ng mga propeta ng Islam, si Hesus ay issinasalang-alang bilang isang Muslim dahil sa kanyang pagtuturo sa mga tao na kupkupin ang tuwid na daanan sa pagsuko sa ayon ng Diyos. Hindi tinatanggap ng mga Muslim na si Hesus ay isang inkarnasyon ng Diyos o ang anak ng Diyos na tinutukoy siya bilang isang mortal na tao, na tulad ng ibang propeta ay napili lamang upang maikalat ang mensahe ng Diyos. Ipinagbabawal ng mga kasulatang Islamiko ang paglalagay ng mga kapareha o kasama ng Diyos (shirk) na nagbibigay tuon sa pagiging banal na iisa ang Diyos (tawhīd). May ilang mga titulo ang ibinigay kay Hesus sa Koran gaya ng al-Masīḥ ("ang mesiyas; ang naatasang isa" hal. sa pamamagitan ng mga biyaya) ngunit hindi siya tugmang-tugma sa kahulugang ibinigay ng paniniwalang Kristiyano. Si Hesus ay kinakikitaan ng mg Muslim bilang ang nauna kay Muhammad at pinaniniwalaan ng mga Muslim na nagsabi ng pagdating ng susunod.[5][6]

Si Hesus at Birheng Maria sa sining ng mga Persiyanong Muslim

Kapanganakan

baguhin

Naniniwala ang mga Muslim sa pagbubuntis ng birhen sa kapanganakan ni Hesus kay Maria (Arabe: Maryam) na sinasabi sa ilang mga pagbasa sa Koran. Ayon sa pagsasalaysay ng Koran, pumunta sa Maria sa templo at nabisita ng isang anghel na isang ahente ng banal na gawain o pakikipag-usap na karaniwang kinikilala sa Islam na si anghel Gabriel (Arabe: Jibreel) ngunit kasama rin ng ginawang kaluluwa ng Diyos na kung saan binuhay muli si Adan.[7][8] Ipinahayag niya ang pagbubuntis niya kay Hesus. Nagulat si Maria dahil sumumpa siya ng kanyang pagka-birhen sa Diyos at gusto niyang maging ganito.[9] Sinabi sa kanya ng anghel na ang isang pagbubuntis ay isang madaling gawain sa Diyos na gustong magkaroon ng isang tanda (āya) mula kay Maria at awa (raḥma) mula sa Kanya.[10] Inilarawan ng Koran ang pagbubuntis bilang isang utos na ginawa ng Diyos na katulad ng kanyang pagkakgawa kay Adan. Minumungkahi ng ilang mga nag-aaral ng Koran na ang pangyayari ng pagbubuntis ay ang paghinga ng anghel sa kapa ni Marian na kapag nailagay, nagbunga sa pagbubuntis ni Maria kay Hesus. matapos ng pangayari, si Maria ay pumunta "sa isang malayong lugar."[5]

Matapos na mapaanak ni Maria si Hesus, naramdaman ni Maria ng sakit ng panganganak at nagpahinga sa punong datiles (tamr) . tinawag siya ni Hesus sa duyan para maatasan siyang alogin ang puno para makuha ang mga bunga nito at para na rin tulungan si Maria sa takot niya tungkol sa iskandalo na umiikot sa kanyang pangnganak. Ipinakita niya ang bagong panganak sa kanyang angkan at sa katahimikan, sinabi niya: "Lo, ako ay isang lingkod ng Diyos; binigay sa akin ng Diyos ang Aklat at ginawa akong isang Propeta. Pagpalain Siya sa pagkakagawa niya sa akin nang ganito kung nasaan man ako at Siya ay sinamahan ako sa pagdadasal at sa pagbibigay ng mga palimos habang nabubuhay pa ako at gayon din man matuwa ang aking nanay.[5][11]

Ang iba pang sanggunian sa hadith ay:

“Bawat isang taong pinapanganak. hinahawakan siya ni Santanas sa magkabilang dako sa pamamagitan ng kanyang dalawang daliri maliban kay Hesus, ang anak ni Maria na sinubukan ni Santanas na hawakan ngunit hindi nagtagumpay dahil nahawakan niya lang ang balat ng sinapupukunan ni Maria.”[Bukhari 4:54:506]

Ayon kay al-Tabari, ito ay ang bunga ng pagdadasal ng nanay ni Maria: "ako ay naghahanap ng kaligtasan sa iyo para sa kanyang supling laban sa kinamumuhiang Santanas."[12]

Tungkulin

baguhin
 
Ang Ilog Hordan na kung saan isinasalaysay ng Koran na nagkita sina Hesus at Yahya ibn Zakariyya (kilala rin bilang si San Juan Bautista).[13]

Ayon sa mga Islamikong sulatin, si Hesus ay banal na pinili para magturo ng mensahe ng monoteismo ay pagsuko sa kagustuhan ng Diyos sa mga anak ng Israel (banī isrā'īl). Pinaniniwalaan ng mga Muslim na ang Diyos pagpapahayag kay Hesus ang bagong kasulatan, ang Injīl (ebanghelyo) habang ipinahahayag din ang mga katotohanan ng mga sinaunang rebelasyon - ang Tawrat (Torah) at ang Zabur (Salmo). Malabo o hindi alam kung pinahagay ni Hesus ang katotohanan ng isa pang banal na kasulatan ng Islam sa panahon na iyon, ang Suhuf Ibrahim. Isinulat 700 taon matapos ang buhay ni Hesus sa mundo, ikinikuwento ng Koran ang Injīl na inilalarawan bilang siang kasulatan na pumupuno sa puso ng mga tagasunod nito ng kababaang-loob at pagkamaawain. Pinaniniwalaan ng mga Muslim na ang ang mga Kasulatan sa Bibliya (parehong ang Torah at ang Injīl) ay iniba sa pagsulat, kahulugan o pareho.[14]

Ipinahihiwatig ng koran na si Hesus ay natulungan ng isang pangkat ng mga disipolo (hawāriyūn) na naniwala sa mga mensahe ni Hesus at pinangalanan nila ang kanilang mga sarili bilang mga ansār ("mga tagatulong") ng Diyos. Si Hesus ay natulungan at napalakas din ng parehong espiritu santo na bumisita rin sa kanyang inang Maria.[15] Isinilaysay rin siya sa Islam bilang isang taong nakagagawa ng mga himala bilang patubay ng kanyang tungkuling pangpropeta. Kasama rito ng mga himala na naganap dahil sa Diyos: nagsaalita habang maliit pa lang;[16] paghinga ng buhay sa mga luwad na ibon;[17] pagpapagaling sa may ketong at lalaking buong buhay ay bulag;[18] pagbuhay sa patay;[18] at paghingi ng hiling sa paghiling ng paglapag ng isang talahanayan na mula sa langit kung saan ay isang kapistahan, na petisyon ng kanyang mga alagad.[5][19] Ang ilang pagkukuwento ng mga Muslim ay nagsasabi rin na ang Islamikong propeta na si Yahya ibn Zakariyya (kilala rin bilang si San Juan Bautista) ay naglakbay sa Palestino at nakilala si Hesus sa Ilog Hordan.[13]

Pag-akyat

baguhin

Hindi tinatanggap at hindi sinasabi ng mga Islamikong kasulatan ang pagpapapako at pagkamatay ni Hesus sa mga kamay ng mga Hudyo.[5] Sinasabi ng Koran na hindi nila pinatay o pinako si Hesus ngunit isang kagustuhan ang nakitaan sa kanila. Pinaniniwalaan ng mga tradisyonalista na si Hesus ay hindi pinako bagkos siya ay inakyat sa langit. Ang pag-akyat na ito ay iniintindi nila bilang pag-akyat ng katawan ngunit sa ibang mga iskolar ng Koran tulad ni Muhammad Asad, sinasabi na ang umakyat ay ang dangal ni Hesus:[3]

“Na sinabi nila (sa pagmamayabang), "Pinatay namin si Kristo Hesus, anak ni Maria, ang mensahero ng Diyos;- ngunit hindi nila pinatay o ipinapako ngunit nagmukha lang ganito sa kanila at ang mga naiiba ay napupuno ng mga pagdududa na walang (tiyak na) kaalaman ngunit sumusunod lang sa mga haka-haka na hindi nila mapapatay siya:- the Messenger of God";- but they killed him not, nor crucified him, but so it was made to appear to them, and those who differ therein are full of doubts, with no (certain) knowledge, but only conjecture to follow, for of a surety they killed him not:-Inakyat mismo siya ng Diyos at inakayat niya sa kanyang sarili at umakyat ang kapangyarihan ng Diyos nang may talino.”[Qur'an 4:157–158]

Mga sanggunian

baguhin
  1. The Oxford Dictionary of Islam, p.158
  2. "Jesus, Son of Mary" in Oxford Islamic Studies Online
  3. 3.0 3.1 Neal Robinson, Crucifixion, Encyclopedia of the Qur'an
  4. Encyclopedia of the Qur'an, Jesus
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 "Isa", Encyclopedia of Islam
  6. Fasching, deChant (2001) p. 241
  7. Griffith, Sidney H. "Holy Spirit". Encyclopaedia of the Quran
  8. See:
    • Qur'an 19:17. “She placed a screen (to screen herself) from them; then We sent her our angel, and he appeared before her as a man in all respects.”
    • "Isa", Encyclopedia of Islam.
  9. Qur'an 21:91. “And (remember) her who guarded her chastity: We breathed into her of Our spirit and We made her and her son a sign for all peoples.”
  10. Qur'an 19:19–22. “He said: "Nay, I am only a messenger from thy Lord, (to announce) to thee the gift of a holy son"; She said: "How shall I have a son, seeing that no man has touched me and I am not unchaste?"; He said: "So (it will be): Thy Lord saith, 'that is easy for Me: and (We wish) to appoint him as a Sign unto men and a Mercy from Us':It is a matter (so) decreed."; So she conceived him, and she retired with him to a remote place.”
  11. Qur'an 19:30–31
  12. Mahmoud Ayoub (1992), p. 94
  13. 13.0 13.1 "Yahya b. Zakariyya", Encyclopedia of Islam.
  14. See:
    • "Isa", Encyclopedia of Islam.
    • Fasching, deChant (2001) p. 241
    • Qur'an 5:45–49.
  15. See:
    • Qur'an 2:87, Qur'an 2:253, Qur'an 5:110, cf. Griffith, Sidney H. "Holy Spirit". Encyclopaedia of the Quran
    • Wherry, Sale (2000) p. 21
    • Qur'an 3:52. “When Jesus found Unbelief on their part He said: "Who will be My helpers to (the work of) Allah?" Said the disciples: "We are Allah's helpers: We believe in Allah, and do thou bear witness that we are Muslims.”, ibid.
  16. Qur'an 19:30
  17. Qur'an 3:43
  18. 18.0 18.1 Qur'an 5:110
  19. Qur'an 5:111–114