Heydar Alirza oglu Aliyev (Aseri: Heydər Əlirza oğlu Əliyev; 10 Mayo 1923 – 12 Disyembre 2003) — Politiko ng Unyong Sobyet. Pangulo ng Aserbayan (1993–2003). Ang pambansang lider ng Aserbayani tao.

Heydar Aliyev
Heydər Əliyev
3rd Pangulo ng Aserbayan
Nasa puwesto
24 Hunyo 1993 - 31 Oktubre 2003
Kumikilos: Hunyo 24 - Oktubre 10 1993
Punong MinistroSurat Huseynov
Fuad Guliyev
Artur Rasizade
Ilham Aliyev
Nakaraang sinundanAbulfaz Elchibey
Sinundan niIlham Aliyev
Speaker ng National Assembly
Nasa puwesto
15 Hunyo 1993 – 5 Nobyembre 1993
PanguloAbulfaz Elchibey
Mismo
Punong MinistroSurat Huseynov
Fuad Guliyev
Nakaraang sinundanIsa Gambar
Sinundan niRasul Guliyev
Unang Deputy Premier ng Unyong Sobyet
Nasa puwesto
24 Nobyembre 1982 – 23 Oktubre 1987
PanguloVasili Kuznetsov (kumikilos)
Yuri Andropov
Vasili Kuznetsov (kumikilos)
Konstantin Tšernenko
Vasili Kuznetsov (kumikilos)
Andrei Gromyko
PremierNikolai Tikhonov
Nikolai Ryzhkov
Nakaraang sinundanIvan Arkhipov
Sinundan niAndrei Gromyko
Ganap na miyembro ng 26th, 27th Politburo
Nasa puwesto
22 Nobyembre 1982 – 21 Oktubre 1987
Candidate miyembro ng 25th, 26th Politburo
Nasa puwesto
5 Marso 1976 – 22 Nobyembre 1982
Personal na detalye
Isinilang
Heydar Alirza oglu Aliyev

10 Mayo 1923(1923-05-10)
SRAS Nakhchivan, SRS Aserbayan, Unyong Sobyet
Yumao13 Disyembre 2003(2003-12-13) (edad 80)
Cleveland, Ohio, Estados Unidos
KabansaanAserbayani
Partidong pampolitikaPKUS
New Aserbayan Party
AsawaZarifa Aliyeva
Anak2 (1 anak na babae: Sevil Aliyeva, 1 anak: Ilham Aliyev)
Mga parangal
Pirma
Serbisyo sa militar
Katapatan Unyong Sobyet
Sangay/SerbisyoKGB ng SRS Aserbayan
Taon sa lingkod1941–1969
Ranggomayor-heneral
 
dulo ng 1920s - simula ng 1930s

Si Heydar Alirza oglu Aliyev ay ipinanganak noong 10 Mayo taong 1923 sa bayan ng Nakhchivan, Aserbayan.[1]

Noong 1939, pagkatapos makapagtapos ng pag-aaral mula sa Unibersidad ng Nackhchivan Pedagogical, siya ay nag-aral sa kagawaran ng arkitektura ng Industrial Institute ng Aserbayan. Ang digmaan ang siyang humadlang upang matapos niya ang kanyang pag-aaral.[1]

1940s-1950s

baguhin

Simula ng taong 1941, si Heydar Aliyev ay naging pinuno ng kagawaran ng People’s Commissariat of Internal Affairs at ng People’s Commissariat of Sobyet ng Sosyalistikong Republikang Awtonomong Soviet ng Nakhchivan at noong taong 1944 siya ay ipinadala upang pangasiwaan ang organisasyon ng estado ng seguridad.

 
Officer Heydar Aliyev

Simula noon, ang pangangasiwa sa organisasyon ng estado ng seguridad, si Heydar Aliyev ay ginampanan ang posisyon bilang representanteng tagapangulo ng State Committee of Security, at simula noong taong 1967 - siya ay naging tagapangulo. Siya ay nagawaran ng rango bilang tenyete heneral. At sa taon ding iyon, siya ay nakatanggap ng espesyal na mataas ng edukasyon sa Leningrad, at noong taong 1957 siya ay nakapagtapos mula sa kagawaran ng kasaysayan ng Aserbayan State University.[1]

1960s-1970s

baguhin

Noong taon 1969 ay hinalal si Heydar Aliyev bilang Unang Kalihim ng Central Committee ng Partido Komunista ng Aserbayan, at pinamunuan niya ang Republika. Noong Disyembre, taong 1982, siya ay hinalal bilang kahaliling miyebro ng Political Bureau of the Central Committee of the Partido Komunista ng Unyong Sobyet at itinalaga bilang unang kinatawang tagapangulo ng Gabinete ng mga Ministro ng USSR, samakatuwid siya ay naging isa sa mga pinuno ng USSR. Sa loob ng dalawampung taon, si Heydar Aliyev ay naging miyembro ng parlyamento ng Kataas-taasang Sobyet ng USSR at sa loob ng limang taon bilang representanteng tagapangulo ng Kataas-taasang Sobyet ng USSR.[1]

Noong Oktubre taong 1987, si Heydar Aliyev, bilang protesta laban sa patakarang isinusulong ng Political Bureau ng Central Committee ng Partido Komunista ng Unyong Sobyet at dahil na rin sa Heneral na Kalihim na si Mihail Gorbačëv, siya ay nag bitiw sa kanyang posisyon.[1]

Kaugnay din dito ang naganap na trahedya noong 20 Enero 1990 sa Baku ng hukbo ng sobyet, si Heydar Aliyev ay lumitaw sa Representasyon ng Aserbayan sa Mosku ng sumunod na araw at nag pahayag na kailangang maparusahan ang mga nag organisa at mga responsable sa krimeng naganap laban sa mga mamamayan ng Aserbayan. Bilang protesta laban sa pakunwaring patakaran sa pamumuno ng USSR, kaugnay nito ang kritikal na labanan sa Mabundok na Garabagh, noong Hulyo, taong 1991, iniwan niya ang kanyang posisyon sa Partido Komunista ng Unyong Sobyet.[1]

Pagkatapos ng kanyang pagbabalik noong Hulyo, taong 1990, sa Aserbayan ay nanirahan muna si Heydar Aliyev sa Baku, pagkatapos ay sa Nakhchivan, at sa parehong taon ay hinalal siya bilang representante sa Kataas-taasang Sobyet ng Aserbayan. Noong taong 1991 hanggang taong 1993 ginampanan niya ang posisyon bilang tagapangulo ng Kataas-taasang Sobyet ng Nagsasariling Republika ng Nakhchivan, at Representante Tagapangulo ng Kataas-taasang Sobyet ng Republika ng Aserbayan.[1]

 
Heydar Aliyev sa Azerbaijani mandirigma sa isang trinsera

Taong 1992, sa manghahalal na kongreso ng New Aserbayan Party, si Heydar Aliyev, ay nahalal bilang tagapangulo ng partido.[1]

Mula buwan ng Mayo hanggang buwan ng Hunyo, bilang resulta sa matinding tensyong nagaganap sa pangpamahalaang krisis, ang buong bansa ay nasa bingit ng napipintong digmaang sibil at ang pagkawala ng kalayaan, ang mga mamamayan ng Aserbayan ay nagnanais na maibalik si Heydar Aliyev sa kapangyarihan. Matapos nito, ang mga pinuno ng Aserbayan ay napilitang pormal na anyayahan si Heydar Aliyev sa Baku. Noong 15 Hunyo, si Heydar Aliyev ay hinalal bilang tagapangulo ng Kataas-taasang Sobyet ng Aserbayan, at noong 24 Hulyo - sa resolusyon ng parliyamento, siya ay nagsimulang ipatupad ang kanyang kapangyarihan bilang Pangulo ng Republika ng Aserbayan.[1] Nakita ni Heydar Aliyev ang kasawian ng kanyang bansa, tinanggap niya at ibinalik sa mahusay na pulitika ng Aserbayan.

15 Hulyo - Tinatanggap ng mga tao ang kanyang pagbabalik ng may pag-asa at kagalakan, at ang araw na ito ay naitala sa kasaysayan ng malayang Azerbaijan bilang Araw ng Nasyonal na Kaligtasan.[1][2]

Pangulo ng Aserbayan

baguhin

Noong 3 Oktubre 1993, si Heydar Aliyev ay hinalal bilang Pangulo ng Republika ng Aserbayan. Noong 11 Oktubre 1998, siya ay nakilahok sa halalan, na naganap sa mga kondison ng mahusay na gawain ng mga mga mamamayan, siya ay nanalo na may 76.1 porsiyento na boto at muling hinalal bilang Pangulo ng Republika ng Aserbayan.[1]

Siya ay binigyan ng pahintulot na maging kandidato sa halalan ng pagkapangulo noong 15 Oktubre taong, 2003, ngunit siya ay nagpasyang hindi tumakbo sa eleksyon, dahil na rin sa kanyang problemang pangkalusugan.[1]

Gantimpala

baguhin
 
at dalawang ulit bilang Bayani ng Sosyalistang Mangagawa

Si Heydar Aliyev ay pinarangalan sa bilang ng mga pandaigdigang mga parangal, ang mga titulo ng mga mataas na parangal na mula sa hindi mabilang na mga unibersidad, at sa iba pang matataas na parangal.[1]

Siya ay pinarangalan ng apat na beses sa Lenin Order, ang Order ng Krasnaya Zvesda at maraming pang mga medalya, at dalawang ulit bilang Bayani ng Sosyalistang Mangagawa, pinarangalan ng Orders at mga medalya mula sa maraming dayuhang estado.[1]

Pag-alaala

baguhin

Pagkolekta ng mga selyo

baguhin

Commemorative barya

baguhin

Mga kaugnay na artikulo

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 1.13 TALAMBUHAY Heydar Alirza oglu Aliyev. lib.aliyevheritage.org
  2. "Azərbaycan Respublikası Milli Məclisinin 27 iyun 1997 tarixli, 361-IQR nömrəli Qərarı". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-06-13. Nakuha noong 2015-09-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

baguhin