Djibouti

(Idinirekta mula sa Hibuti)

Ang Djibouti (bigkas: /ji•bú•ti/; Arabe: جيبوتيJībūtī, Pranses: Djibouti, Somali: Jabuuti, Afar: Gabuuti), opisyal Republika ng Djibouti, ay isang bansa na matatagpuan sa Horn of Africa. Ito ay napapaligiran ng Eritrea sa hilaga, Ethiopia sa kanluran at timog, at Somalia sa timog-silangan. Ang natitirang bahagi ay napapaligiran ng Dagat Pula at ang Golpo ng Aden sa silangan. Ang Djibouti sumasakop ng 23,200 km2 (8,958 mi kuw).

Republika ng Djibouti
جمهورية جيبوتي
Jumhūriyyat Jībūtī
Jamhuuriyadda Jabuuti
République de Djibouti
Watawat ng Djibouti
Watawat
Coat of arms ng Djibouti
Coat of arms
Awiting Pambansa: Djibouti
Location of Djibouti
KabiseraDjibouti
Pinakamalaking lungsodcapital
Wikang opisyalArabic and Pranses
PamahalaanParliamentary democracy
• Pangulo
Ismail Omar Guelleh
Abdoulkader Kamil Mohamed
Kalayaan 
• Petsa
27 Hunyo 1977
Lawak
• Kabuuan
23,200 km2 (9,000 mi kuw) (ika-149)
• Katubigan (%)
0.09 (20 km² / 7.7 mi²)
Populasyon
• Pagtataya sa 2023
1,152,944
• Senso ng 2000
460,700
• Densidad
34/km2 (88.1/mi kuw) (ika-168)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2005
• Kabuuan
$1.641 billion (ika-164)
• Bawat kapita
$2,070 (ika-141)
TKP (2004)0.494
mababa · ika-148
SalapiFranc (DJF)
Sona ng orasUTC+3
• Tag-init (DST)
UTC+3 (-)
Kodigong pantelepono253
Kodigo sa ISO 3166DJ
Internet TLD.dj

Noong unang panahon, ang teritoryo ay bahagi ng Lupain ng Punt. Ang kalapit na Zeila (na ngayon ay nasa Somalia) ay ang kabesera ng medyebal na sulatanong Adal at Ifat. Sa huling bahagi ng ika-19 siglo, ang mga kolonyang French Somaliland ay itinatag kasunod ng nga pinirmahang kasunduan (treaty) ng mga sultang Somali at Afar sa mga Pranses[1][2][3] at ang riles ng tren nito na papuntang Dire Dawa (sumunod ang Addis Ababa) ang naging dahilan upang masapawan ang Zeila bilang daungan sa Ethiopia at ng Ogaden.[4] Pinangalanan itong French Territory of the Afars and the Issas (lit. Teritoryong Pranses ng mga Afar at Issa) noong 1967. Pagkatapos ng isang dekada, bumoto ang mga taga-Djibouti para sa pagsasarili. Ito ang tanda ng pagkakatatag ng Republika ng Djibouti na ipinangalan sa kabiserang lungsod. Lumahok ang Djibouti sa United Nations sa taon ding iyon, noong 20 Setyembre 1977.[5][6] Sa unang bahagi ng dekada 1990, tensiyon sa representasyon sa pamahaan ay humantong sa armadong bakbakan, na nagtapos sa isang kasunduan sa pagbabahagi ng kapangyarihan ng namumunong partido at ng oposisyon noong 2000.[7]

Ang Djibouti ay isang multietnikong bansa na may populasyong higit sa 828,324. Ang Arabic at Pranses ang bumubuo sa dalawang opisyal na wika ng bansa. Mga 94% ng mga residente ay tagasunod ng Islam,[7] ang relihiyong nangingibabaw sa rehiyon nang higit sa 1,000 taon. Ang Somali Issa at Afar ang bumubuo sa dalawang pinakamalaking pangkat-etniko. Ang mga ito kapuwa nagsasalita ng mga wikang Afroasiatic, na kinikilalang mga pambansang wika.

Ang Djibouti ay estratehikong matatagpuan malapit sa mga pinakaabalang shipping lane ng daigdig, na nagkokontrol ng daanan sa Dagat Pula at Karagatang Indian. Ito ay nagsisilbi bilang pangunahing sentro ng refueling at transshipment, at ito ay ang pangunahing daungang pandagat para sa pag-import papunta at pag-export ng kalapit na Ethiopia. Ito ay isang lumalagong sentro ng kalakalan; matatagpuan sa bansa ang iba't-ibang dayuhang base militar, kabilang ang Camp Lemonnier. Ang Intergovernmental Authority on Development (IGAD) na isang regional body na may punong-himpilan sa Djibouti City.[7]

Sanggunian

baguhin
  1. Raph Uwechue, Africa year book and who's who, (Africa Journal Ltd.: 1977), p.209.
  2. Hugh Chisholm (ed.
  3. A Political Chronology of Africa, (Taylor & Francis), p.132.
  4. "Zaila" in the Encyclopædia Britannica 11th ed. 1911.
  5. "Today in Djibouti History". Historyorb.com. Nakuha noong Abril 27, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "United Nations member states". Un.org. Nakuha noong 2011-04-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 "Djibouti" Naka-arkibo 2020-05-04 sa Wayback Machine..