Lungsod ng Djibouti
Ang lungsod ng Djibouti (tinatawag din na Djibouti City sa maraming sinaunang tekstong Ingles at sa maraming sinaunang mapa, Jibuti; Arabe: مدينة جيبوتي, Pranses: Ville de Djibouti, Somali: Magaalada Jabuuti, Afar: Magaala Gabuuti) ay ang eponimong kabisera at pinakamalaking lungsod ng bansang Djibouti. Matatagpuan ito sa may baybayin ng Rehiyon ng Djibouti sa Gulpo ng Tadjoura.
Lungsod ng Djibouti Ville de Djibouti جيبوتي | ||
---|---|---|
lungsod, daungang lungsod, unang antas ng dibisyong pampangasiwaan ng bansa, big city | ||
| ||
Mga koordinado: 11°35′42″N 43°08′53″E / 11.595°N 43.1481°E | ||
Bansa | Djibouti | |
Lokasyon | Rehiyon ng Djibouti, Djibouti | |
Itinatag | 1888 | |
Populasyon (2018)[1] | ||
• Kabuuan | 603,900 | |
Kodigo ng ISO 3166 | DJ-DJ |
Mayroon ang Djibouti ng isang populasyon ng tinatayang 600,000 nananahanan,[2] na binubuo sa 54% ng populasyon ng bansa. Itinatag ang paninirahan noong 1888 ng mga Pranses, sa lupaing pinaupa mula sa namamayaning Somali at mga Sultang Afar. Sa sumunod na panahon, nagsilbi itong kapital ng Pranses na Somaliland at ang sumunod dito na Teritoryong Pranses ng mga Afar at Issa.
Kilala bilang Perlas ng Gulpo ng Tadjoura dahil sa lokasyon nito, estratehikong nakaposisyon ang Djibouti na malapit sa pinakaabalang linya ng mga bapor sa mundo at umakto ito bilang sentro ng muling pagkuha ng gasolina at paglipat ng mga kargamento. Pangunahing daungang tagatabing-dagat ang Daungan ng Djibouti para sa mga angkat at luwas mula sa mga katabing bansa na Ethiopia. Pangunahing domestikong paliparan ang Internasyunal na Paliraparan ng Djibouti-Ambouli, na kinokonekta ang kabisera sa iba't ibang pangunahing pandaigdigang patutunguhan. Ang Djibouti ay ang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa kahit anumang lungsod sa Sungay ng Aprika pagkatapos ng Addis Ababa.
Kasaysayan
baguhinMayroong katibayan ng paninirahan ng tao sa silanganing baybayin ng Djibouti na pinetsahan noong Panahon ng Tanso.
Mula 1862 hanggang 1894, tinatawag ang lupain sa hilaga ng Gulpo ng Tadjoura na Obock at pinamunuan ito ng mga Somali at mga Sultan na Afar, ang mga lokal na awtoridad na kung saan pinirmahan ng Pransya ang iba't ibang kasunduan sa pagitan ng 1883 at 1887 upang unang matamo ang ligtas na posisyon ng rehiyon.[3][4][5] Naitatag ng pagpalitan ng diplomatikong sulat ng Pranko-Britaniko noong Pebrero 2 at 8, 1888 ang hangganan ng teritoryo sa pagitan ng mga kolonya ng dalawang mga bansa; na tahasang iniiwan sa ilalim ng awtoridad ng Pranses ang katimugang baybayin ng Gulpo ng Tadjoura, kabilang ang isang tangway ng di-nalulubog na talampas, ang Ras Djibouti bilang isang mataas na estratehikong lokasyon, isang matibay na posisyon sa hinaharap para sa mga disenyong Pranses sa natitirang bahagi ng Aprika at Asya. Pagkatapos sa punto na ito, nagsimula itong gamitan bilang biyahe para sa mga karabana tungo sa Harar.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "The CIA World Factbook". 17 Oktubre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Djibouti". The World Factbook (sa wikang Ingles). CIA. Pebrero 5, 2013. Nakuha noong Pebrero 26, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Raph Uwechue, Africa year book and who's who, (Africa Journal Ltd.: 1977), p. 209 (sa Ingles)
- ↑ Chisholm, Hugh, pat. (1911). . Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. 25 (ika-11 (na) edisyon). Cambridge University Press. p. 383.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ A Political Chronology of Africa, (Taylor & Francis), p. 132 (sa Ingles)