Hikaru Utada

Haponesang mang-aawit-kompositora

Si Hikaru Utada (宇多田 ヒカル, Utada Hikaru, 19 Enero 1983 –) ay isang mang-aawit at tagasulat ng kanta mula sa bansang Hapon. Siya ay pinanganak sa New York sa Estados Unidos noong ika-19 ng Enero, 1983. Tanyag din siya sa palayaw na Hikki.

Hikaru Utada
宇多田ヒカル
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakHikaru Utada
宇多田光
(surname, Utada)
Kilala rin bilangHikki, Utada, Cubic U (retiro)
Kapanganakan (1983-01-19) 19 Enero 1983 (edad 41)
PinagmulanEstados Unidos New York, Estados Unidos
GenreJ-pop, R&B, Ethereal Wave, Dance, Rock, Ambient, Instrumental, Hip Hop
Trabahomang-aawit, kompositor, record producer, arranger
InstrumentoVokal, guitar, piano
Taong aktibo1996 - 1999 (Cubic U)
1998 - kasalukuyan (Hikaru Utada)
2004 - kasalukuyan (Utada)
LabelEMI Music Japan (1997-2003)
Universal Music Japan (2013-kasalukuyan)
Universal Music (2004-2010, 2013-2017)
Sony Records (Epic Records) (2017-kasalukuyan)
WebsiteHikki's WEB SITE

Talambuhay

baguhin

Si Hikaru Utada ay anak nina Teruzane Utada, isang tagapangasiwa ng mga plaka...at Keiko Fuji, isang magaling na mang-aawit. Tinatag ng pamilya niya ang "U3MUSIC" sa ilalim ng kompanyang Toshiba-EMI. Ang "U3" ay patungkol sa pamilyang Utada na kinabibilangan ng 3 miyembro: sina Teruzane, Keiko at Hikaru. Unang naglabas ng plaka si Hikaru Utada na ginagamit ang pangalang "star" noong 1993. Noong 1997 ay ginamit ni Hikaru ang pangalang "Cubic U" na patungkol din sa pamilya Utada. Sa aritmetika, ang ibig sabihin ng "cubic" ay ang pagpaparami sa isang numero ng 3 beses. Noong 1996, naglabas ang U3MUSIC ng plakang "Reitai tsuki ~nakanaide~" sa ilalim ng pangalang "Keiko Fuji with Cubic U". Noong 1997, mag-isang naglabas si Hikaru Utada ng awit na "Close to You" at plakang pinamagatang "Precious" gamit ang pangalang "Cubic U". At noong 1998, unang lumabas siya sa telebisyon sa programa ng NHK na pinamagatang "Mayonaka no oukoku".

Noong taong rin iyon una siyang naglabas ng plaka na kung saan ginamit niya ang pangalang "Hikaru Utada". Ang plaka na iyon ay ang "single" na "Automatic / time will tell". At bagamat naipatalastas lang ito sa radyo, ang awit na "Automatic" ay nagawan ng magandang "music video" na may temang R & B. Ang "single" na ito ay bumenta ng milyong-milyong piraso at sumikat agad si Hikaru Utada.

Noong 1999, naglabas siya ng una niyang "album" na pinamagatang "First Love" na bumenta ng 8,600,000 na piraso sa bansang Hapon ayon sa talaan ng Oricon. Ito ay bumenta ng karangdagang 9,700,000 na piraso sa ibayong dagat. Dahil dito, ang plakang "First Love" ay tinaguriang "super mega-hit". Sa kasalukuyan ay wala pang plaka sa bansang Hapon ang bumenta ng mas maraming piraso kaysa sa "First Love" ni Hikaru Utada.

Noong taong din iyon ay nagtungo siya sa bansang Hapon na kung saan binalak niyang gumawa ng plaka. Naging panauhin siya sa programang pang-radyo na "Music Station" at sa mga programang pantelebisyon na "HEY!HEY!HEY!" at "SMAPxSMAP". Tumaas ang mga "rating" ng mga nasabing programa ng naging panauhin si Hikaru Utada.

Noong 2000 ay nag-umpisang magtanghal ng mga konsiyerto si Hikaru Utada. Ang mga konsiyertong ito ay pinamagatang "BOHEMIAN SUMMER ~Hikaru Utada Circuit Live 2000~" na kung saan nilibot niya ang buong bansang Hapon. Nag-umpisa ang kanyang konsyerto sa Yoyogi Stadium noong ika-1 ng Hulyo at nagtanghal siya ng konsiyerto sa sampu pang siyudad. Nagtapos ang serye ng pagtatanghal sa Chiba Marine Stadium sa Nagoya sa tatlong araw na konsiyerto. Ang mga tiket sa mga konsiyertong it ay tinaguriang "Platinum Ticket". Noong una ay maari itong ipareserba sa telepono ngunit nauwi ito sa pagsusubasta ng mga nasabing tiket sa Internet. Noong pangatlong araw ng konsiyerto sa Chiba Marine Stadium ay nakasama ni Hikaru Utada ang mga Amerikanong mang-aawit na sina "Jam & Lewis" nang bumisita ang dalawa sa bansang Hapon.

Noong 2001 ay naglabas ng pangalawang "album" si Hikaru Utada. Ito ay pinamagatang "Distance" at nailabas ito kasabay ng plaka ni Ayumi Hamasaki na pinamagatang "A BEST". Dito unang pinagtunggali ang dalawang sikat na mang-aawit at nanguna si Hikaru Utada sa tatlong malalaking talaan ng musika sa bansang Hapon. Tumala ang benta ng "Distance" ng 3,003,000 piraso sa Oricon noong unang linggo nitong labas. Tumala ito ng 2,629,000 sa talaang "Planet" at 2,443,000 sa "Sound Scan". Sa huli, ang "A BEST" ay bumenta ng 4,300,000 at ang "Distance" ay bumenta ng 4,500,000 ayon sa Oricon. At ayon sa talaang Oricon, ang "Distance" ang pinakamabentang plaka noong taong iyon.

Noong taong ring iyon ay napabilang si Hikaru Utada sa "Tezuka Osamu @ Cinema", isang "website" na nagpapalabas ng anime. Gumanap si Hikaru Utada bilang "Pinoko" sa anime na "Black Jack". Ito ang una niyang pagkakataon na mag-boses sa isang anime. Noong 2002 ay pumirma ng kontrata si Hikaru Utada sa "Island / Def Jam Group" ng Estados Unidos na kung saan ang ginamit niyang stage name ay "Utada" lamang.

Noong taon ring iyon ay napabalitang nagkaroon si Hikaru Utada ng tumor sa matres. Bagamat nalunasan ito agad, natigil ang paglabas sa telebisyon na kung saan magiging panauhin siya sana sa komedyang programang "Waratte ii te mo". Ang ama niya ang pumalit sa kanya bilang panauhin.

Matapos nito ay inilabas ni Hikaru Utada ang pangatlo niyang "album" na pinamagatang "DEEP RIVER". Bagamat hindi ito nailathala sa telebisyon at mga babasahin, naipatalastas ito sa radyo. At noong unang linggong labas ng "DEEP RIVER", nagtala ito ng 1,890,000 na benta sa "Planet" at 2,350,000 sa Oricon. Ayon sa talaang Oricon, ang "DEEP RIVER" ang pinakamabentang plaka noong taong iyon.

Sa taong din ito ginulantang ni Hikaru Utada ang mga tao nang bigla siyang magpakasal sa isang retratista at direktor na si Kazuaki Kiriya. Siya ang nangasiwa sa mga larawan sa mga plaka ni Hikaru Utada na "Distance" at ang mga video niya tulad ng "traveling", "Hikari", at "SAKURA drops".

Noon 2003 ay nagdiwang si Hikaru Utada ng kanyang kaarawan sa pamamagitan ng "live streaming event" sa Internet. Tinatayang 21,300,000 tao ang nakibahagi sa isinagawang programang iyon.

Noong 2004 ay naglabas si Hikaru Utada ng "compilation album" na pinamagatang "Utada Hikaru SINGLE COLLECTION VOL. 1". Ito ang kaunaunahang plaka na nanatili ng apat na linggo sa Oricon at ito ay nagtala ng 2,500,000 pirasong benta. Ang "Utada Hikaru SINGLE COLLECTION VOL. 1" ang pinakamabentang plaka noong taong iyon ayon sa Oricon.

Noong taong rin iyon ay nagtanghal si Hikaru Utada ng limang araw na konsiyerto at pinamagatang ang mga itong "Hikaru no 5". Ang mga ito ay ginanap noong Pebrero 3, 4, 7, 8 at 10 sa Budokan. Mahigit 1,000,000 na tao ang dumulog para sa "Platinum Ticket" kahit na ang 50,000 ang nakalaan nito.

Matapos nito ay naglabas so Hikaru Utada ng "single" na pinamagatang "Dare ka negai ga kanau koro". Ang awit na ito ay ginamit biang "theme song" ng pelikulang CASSHERN at ang kanyang asawa, ang direktor ng pelikulang ito, ay siya mismong nangasiwa ng "promotion" ng plakang "Dare ka negai ga kanau koro" kaya ito naging mabenta.

Ito ay sinundan ng "album" na "EXODUS"..ang sinasabing "major debut" ni Hikaru Utada sa Estados Unidos ngunit ito ay naipaliban ng maraming beses ngunit nailabas rin ito. Ang "Devil Inside" isang "remix single" na galing sa "EXODUS" ay naging "no.1" sa mga "dance charts". Ang "EXODUS" naman ay umakyat sa bilang na 160 sa Billboard Chart. Ito ang kauna-unahang plaka mula sa bansang Hapon na malawakang naipatalastas sa Estados Unidos. Ang "first-cut single" nito na "Easy Breezy" ay ginawan pa ng "promotional video".

Noong 2005 ay inilabas ang "Exodus" sa Inglatera na kung saan ang video na "You Make Me Want To Be A Man" ay umakyat sa bilang na 227 sa talaan ng musika doon. Pero sa bansang Hapon, daliang bumenta ito ng malaki at ito ay naging "million seller" kahit na Ingles ang salita sa mga awit dito. Ang "EXODUS" ang pinakamabentang plaka noong taong iyon ayon sa talaan ng Oricon.

Matapos nito ay naglabas ng "single" si Hikaru Utada na pinamagatang "Be My Last" at muli itong bumenta ng malaki sa bansang Hapon. Nang lumabas si Hikaru Utada sa telebisyon para ipatalastas ang kanyang "single", makikita na naghihina ito. Ipinagtapat ni Hikaru Utada na ito ay dahil sa operasyon na pinagdaanan niya para matangal ang tumor sa matres niya. Matapos nito ay inilabas ang sumunod niyang "single" na "Keep Tryin'" para i-"download" sa Internet. Mahigit 2,000,000 itong nag-"download" nito...ang pinakamaraming "download" sa bansang Hapon.

At matapos isulat ni Hikaru Utada ang mga awit na "Dare ka negai ga kanau koro", "Be My Last", "Passion", at "Keep Tryin'"; sinubukan niya ang pag-aareglo ng mga kanta para mapalawig niya ang kaniyang kaalaman sa larangan ng musika. Kaya noong naging panauhin siya sa programang pagtelebisyon ng NHK na "Top Runner", hindi siya pinakilala bilang "singer-songwriter". Siya ay pinakilala bilang "musikero".

Noong kalagitnaan ng taong 2006, naglabas si Hikaru Utada ng single na pinamagatang "This Is Love". Sinundan ito ng "ULTRA BLUE": ang ika-apat niyang "original album" (ang ibig saihin ay hindi ito "compilation" o "greatest hits" album). Nagtala ito ng mahigit na 500,000 na pirasong benta noong unang linggo nitong labas. Nalampasan nito ang benta ng unang album niya ng 50,000 na piraso. Ang "ULTRA BLUE" ang pinakamabentang plaka noong taong iyon ayon sa talaan ng Oricon.

Sinundan nito ng serye ng konsiyerto na pinamagatang "UTADA UNITED 2006". Nagsimula it sa Miyagi Gymnasium noong ika-1 ng Hulyo at nagtapos sa Yoyogi Stadium noong ika-10 ng Setyembre. Sa kabuuan, nagtanghal si Hikaru Utada ng konsiyerto sa 11 rehiyon na kinabibilangan ng 22 malalaking "arena" na ginamitan ng malalakas na ilaw. Sa mga konsiyertong ito ipinagbigay alam na gagamitin niya ang pangalang "Utada" para sa mga plakang ilalabas niya sa ibang bansa. Ipinagbigay alam din niya na gagawa din diya ng "compilation album" sa hinaharap.

Noong ika-28 Hulyo, nagtanhal si Hikaru Utada na lihim na konsiyerto sa ZEPP Osaka na pinamagatang "One Night Magic". Bagamat 10,000 lang ang naibentang tiket, kung aalahanin na ito ay binenta ng palihim sa agwat na 12 oras, ito ay maaaring taguriang mga "Platinum Ticket".

Noong ika-9 ng Setyembre, napabilang ang awit ni Hikaru Utada na "Boku wa kuma" sa programa ng NHK na "Minna no uta".

Matapos nito ay napabalitang mahilig si Hikaru Utada sa larong Tetris na kanyang nilalaro mula noong 5 na taong gulang pa lamang siya. Dahil dito, nagsagawa ang Nintendo ng paligsahan na pinamagatang "Utada Hikaru to Tetris taiketsu!!" na kung saan nakalaban niya ang mga bihasa sa larong Tetris. Nagtala siya ng 26 na panalo at apat na talo at noong nakalaban niya ang dalawang kawani ng Nintendo na bihasa sa Tetris at nagtala siya ng 1 panalo at 1 talo. (Bagamat ang larong Tetris ay walang "game over"; sa Nintendo DS, ang pinakamataas na puntos ay 99,999,999.)

Mga Plaka

baguhin

Single

baguhin
  • Musikang Hapon
  1. [1998.12.09] Automatic / time will tell
  2. [1999.02.17] Movin' on without you
  3. [1999.04.28] First Love
  4. [1999.11.10] Addicted To You
  5. [2000.04.19] Wait & See ~Risk~
  6. [2000.06.30] For You / Time Limit
  7. [2001.02.26] Can You Keep A Secret?
  8. [2001.07.25] FINAL DISTANCE
  9. [2001.11.28] traveling
  10. [2002.03.20] Hikari
  11. [2002.05.09] SAKURA DROPS / Letters
  12. [2003 01.29] COLORS
  13. [2004.04.21] Dareka no Negai ga Kanau Koro
  14. [2005.09.28] Be My Last
  15. [2005.12.14] Passion
  16. [2006.02.22] Keep Tryin
  17. [2006.11.22] Boku wa Kuma
  18. [2007.02.28] Flavor of Life
  19. [2007.08.29] Beautiful World/Kiss & Cry
  20. [2008.02.20] Heart Station/Stay Gold
  21. [2008.05.21] Prisoner of Love
  22. [2019.01.18] Face My Fears
  • Musikang Kanluran
  1. [2004.09.14] Devil Inside
  2. [2004.10.06] Easy Breezy
  3. [2005.06.21] Exodus '04
  4. [2005.10.17] You Make Me Want to Be a Man
  5. [2009.02.10] Come Back To Me
  6. [2009.07.22] Sanctuary (Opening / Ending)
  7. [2009.12.21] Dirty Desire

Digital / Limited Single

baguhin
  1. [2008.10.20] Eternally -Drama Mix-
  2. [2009.06.27] Beautiful World -PLANiTb Acoustica Mix-
  3. [2012.11.17] Sakura Nagashi
  4. [2016.04.15] Hanataba wo Kimi ni
  5. [2016.04.15] Manatsu no Tooriame
  6. [2017.07.10] Oozora de Dakishimete
  7. [2017.07.28] Forevermore
  8. [2017.12.08] Anata
  9. [2018.04.25] Play A Love Song
  • Sa Hapon
  1. [1999.03.10] First Love
  2. [2001.03.28] Distance
  3. [2002.06.19] Deep River
  4. [2006.06.14] Ultra Blue
  5. [2008.03.19] Heart Station
  6. [2016.09.28] Fantôme
  7. [2018.06.27] Hatsukoi
  • Sa Estados Unidos
  1. [2004.09.08] Exodus
  2. [2009.03.14] This is the one

Compilation Album

baguhin
  1. [2004.03.31] Utada Hikaru Single Collection v.1
  2. [2010.11.24] Utada Hikaru Single Collection v.2

Mga Ginanapang Palabas

baguhin

Telebisyon

baguhin
  • HERO (2001)
  • Tonneruzu no minasan no okage deshita (2004)
  • Bokura no ongaku (2005)
  • Top Runner (2006)
  • Fuji TV Next (2016)
  • Hikki's Sweet & Sour (1998-1999)
  • WARNING HIKKI ATTACK!! (1998-1999)
  • Utada Hikaru no Tres Bien · Bohemian (1999-2000)
  • Utada Hikaru no Tres Bien · Bohemian Special ~FROM NY~ (2001)
  • Utada Hikaru no Tres Bien · Bohemian Summer Special From Tokyo (2001)
  • Utada Hikaru no Tres Bien Bohemian Special from Tokyo (2003)
  • Utada Hikaru no Tres Bien Bohemian Special (2003)
  • Utada Hikaru no Tres Bien Bohemian Special (2009)
  • KUMA POWER HOUR with Utada Hikaru (2013-2014)
  • Suntory Tennensui presents Utada Hikaru's Fantôme Hour (2016)

Patalastas

baguhin
  • Sony "Red Hot Campaign" (1999)
  • NTT DoCoMo "FOMA" (2001-2002)
  • Nintendo "Nintendo DS" (2004)
  • KDDI "au LISTEN MOBIILE SERVICE" (2006)
  • Nissin Shokuhin "FREEDOM-PROJECT" (2006)
  • Suntory Foods "Pepsi Nex" (2010)
  • Suntory Foods International "Tennensui" (2016)

Trivia

baguhin
  • Si Hikaru Utada ay may taas na 5'2" at ang kanyang "blood type" ay "A".
  • Si Hikaru Utada ay bihasa sa larong Tetris sa kanyang mga fans. Inimbita siya sa isang Tetris DS tournament na ini-sponsor ng Nintendo. Sa 30 na kalahok, 26 ang natalo niya, kasama ang isa sa mga dalawang Tetris "assassins," mga eksperto sa laro mula sa Tetris DS Research & Development. Sa kanyang personal bog, nakaabot siya ng 99,999,999 points sa Tetris DS, ang pinakamataas na posibleng score pagkatapos maglaro ng 17 na oras.

Mga Pahinang Pag-uugnay

baguhin