Hilagang Kapatagang Europeo
Ang Hilagang Kapatagang Europeo (Aleman: Norddeutsches Tiefland – Hilagang Kapatagang Aleman; Mitteleuropäische Tiefebene; Polako: Nizina Środkowoeuropejska – Gitnang Kapatagang Europeo; Danes: Nordeuropæiske Lavland at Olandes: Noord-Europese Laagvlakte; Pranses: Ang Plaine d'Europe du Nord) ay isang heomorpolohikong rehiyon sa Europa, karamihan ay nasa Polonya, Dinamarka, Alemanya, Belhika, Olanda (Mabababang Bayan), kasama ang maliliit na bahagi ng hilagang Pransiya at Republikang Tseko.
Heograpiya
baguhinAng mga elevation ay nag-iiba sa pagitan ng 0 at 200 m (0 hanggang 650 talampakan). Bagama't kadalasang ginagamit bilang bukirin, ang rehiyon ay naglalaman din ng mga lusak, heath, at lawa. Ang Dagat Frisia, isang malaking katian, ay matatagpuan sa baybayin ng Dagat Hilaga.
Mga ilog
baguhinKabilang sa mga pangunahing ilog-drainage basin, mula kanluran hanggang silangan: ang Rin, Ems, Weser, Elba, Oder, at Vistula.