Ang "Isang Di-pantay na Laban; o, Bakit Biyak ang Kuko ng Kalabaw" (Ingles: An Unequal Match; Or, Why the Carabao’s Hoof is Split) ay isang kwentong-bayan mula sa Pilipinas. Maari itong ituring na isang alamat  — isang uri ng kuwentong bayan na nagpapaliwanag o naglalaman ng mga kwento tungkol sa pinagmulan ng isang lugar, pangalan ng mga tao, hayop, halaman o bagay-bagay. Karaniwan, ang mga alamat ay naglalaman ng mga elementong mahika o di-karaniwan na tumutugma sa paniniwala at kultura ng isang lugar o grupo ng mga tao. Ito ay isang mahalagang bahagi ng mga tradisyonal na kwento ng isang kultura o bansa.

Nilalahad ng kwentong-bayang ito ang dahilan kung bakit biyak ang kuko ng kalabaw. Sa istoryang nasa anyong pabula na sinalaysay ng isang Tagalog mula sa Pagsanjan, Laguna kay Dean Fansler na sinali ang kwetong ito sa kanyang aklat na Filipino Popular Tales, naghamunan ang pagong at kalabaw sa isang karerahan, at sa katapusan ng karera, natalo ang kalabaw. Hindi tinanggap ng kalabaw ang kanyang pagkatalo at sinipa niya ang pagong na hindi nasugatan samantalang nabiyak ang kuko ng kalabaw dahil sa tigas ng talukab ng pagong.

Koleksyon

baguhin

Ang kwentong ito ay isa sa mga nilikom ni Dean S. Fansler, PhD sa kaniyang librong: Filipino Popular Tales.[1] Ang naturang aklat ay nailimbag ng American Folklore Society noong 1921 sa Lancaster, PA at sa New York. Bagamat ang kwento ay naisalin sa Tagalog at iba pang diyalekto, nailimbag ito sa Ingles. Sa kaniyang paliwanag, pampanitikan at hindi linggwista ang layunin ng kaniyang paglilimbag ng kwentong ito sa Ingles.[1] Bagamat muli, maaring ilimbag ang kwento sa Espanyol, minarapat ni Fansler na gamitin ang Ingles dahil ayon sa kaniya, ito ang mas umiiral na lengwahe noong mga panahong yaon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Fansler, Dean S. Filipino Popular Tales. 1921. Project Gutenberg, 2008, www.gutenberg.org/ebooks/8299.