Ang Honiara ( /ˌhniˈɑːrə/) ay ang kabiserang lungsod ng Kapuluang Solomon, na matatagpuan sa hilagang-kanluraning baybayin ng Guadalcanal. Noong 2017, mayroon itong populasyon na 84,520 katao. Sinisilbihan ang lungsod sa pamamagitan ng Internasyunal na Paliparan ng Honiara at ang daungang Punto Cruz, at nasa tabi ng Lansangang-bayan Kukum.

Ang lugar kung saan naroon ang paliparan na nasa silangan ng Honiara ay ang pook kung saan nangyari ang labanan sa pagitan ng Estados Unidos at Hapon noong Kampanyang Guadalcanal sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Labanan ng Bukid ng Henderson ng 1942, kung saan nagtagumpay ang Amerika.

KasaysayanBaguhin

Hinango ang pangalang Honiara mula sa nagho ni ara na halos naisasalin bilang "lugar ng silangang hangin" o "sa harap ng timog-silangang hangin" sa mga wikang Guadalcanal.[1] Hindi malawak na nadodokumento ang bayan at kakaunti lamang na detalyadong materyal ang mayroon.[2]

Mga sanggunianBaguhin

  1. Room 2006, p. 168.
  2. Kupiainen 2000, pp. 128–134.