Si Honoré de Balzac (Pagbigkas sa Pranses: [ɔnɔʁe də balˈzak]) (20 Mayo 1799 – 18 Agosto 1850[5]) ay isang nobelista at mandudulang Pranses. Naging magnum opus niya ang sunuran ng halos 100 mga nobela at mga dulang pinamagatan, bilang isang katipunan, na La Comédie humaine ("Komedyang Pantao"), na nagpapakita ng isang panorama o tanawin ng buhay sa Pransiya sa loob ng mga taon pagkaraan ng pagbagsak ni Napoléon Bonaparte noong 1815.

Honoré de Balzac
Kapanganakan20 Mayo 1799[1]
    • Tours
  • (arrondissement of Tours, Indre-et-Loire, Centre-Val de Loire, Metropolitan France, Pransiya)
Kamatayan18 Agosto 1850[2]
LibinganSementeryo ng Père Lachaise
MamamayanPransiya
NagtaposUniversité de Paris
Lycée Charlemagne
Faculté de droit de Paris
Trabahonobelista, kritiko literaryo, manunulat,[3] prosista, mamamahayag, manunulat ng sanaysay, pabliser
AsawaEwelina Hańska (14 Marso 1850–)[4]
AnakMarie-Caroline Du Fresnay
Magulang
  • Bernard-François Balssa
  • Anne-Charlotte-Laure Sallambier
Pirma

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak si de Balzac sa Tours, Pransiya. Puno ang kanyang maagang bahagi ng buhay ng kahirapan at mahirap na trabaho. Nakamit niya ang tagumpay nang mailathala ang Le Derniers Chouans noong 1829, at agad na nalunsad ang kanyang kabantugan bilang pinuno ng makatotohanang kathang-isip na mga akda. Naging isa rin siyang dakilang manunulat na may kapangyarihan sa analisis ng kanyang mga tauhan. Isa sa pinakatanyag niyang nobela ang Eugénie Grandet, isang pag-aaral ng kasakiman, at nasulat noong 1833. Nalathala ito sa loob ng unang tomo ng Scenes of Provincial Life ("Mga Eksena ng Buhay sa Lalawigan") noong 1834. Noong 1843, napabilang ito sa Human Comedy ("Komedyang Pantao").[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://d-nb.info/gnd/118506358/about/lds; hinango: 9 Abril 2014.
  2. https://fr.wikisource.org/wiki/La_Mort_de_Balzac/3._La_mort_de_Balzac; hinango: 5 Hulyo 2017.
  3. https://cs.isabart.org/person/14404; hinango: 1 Abril 2021.
  4. "Honoré de Balzac Biography". Nakuha noong 18 Agosto 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Mee, Arthur; J.A. Hammerton. "Honoré de Balzac". The World's Greatest Books, Vol. I, Fiction. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 188.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Panitikan at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.