Ang Hora, na nakikilala rin bilang horo, horah, at oro, ay isang uri ng paikot na sayaw na nagmula sa Kabalkanan subalit matatagpuan din sa iba pang mga bansa.

Etimolohiya

baguhin

Ang pangalan, na binabaybay nang paiba-iba sa ibang mga bansa, ay isang hinlog ng salitang Griyegong χορός: 'sayaw' na hinglog naman ng sinaunang Griyegong uri ng sining na χορεία; tingnan ang Chorea. Ang orihinal na kahulugan ng salitang Griyegong χορός ay maaaring 'bilog'. Gayundin, ang salita ay umiiral sa mga wikang Islabiko at ang "hora" at "oro" ay matatagpuan sa maraming mga wikang Islabiko at mayroong kahulugan na "[sayaw na] paikot" at ang pandiwang 'oriti' ay mayroong kahulugang "magsalita, tunog, umawit" na dating may kahulugang "magdiwang".

Ang Griyegong χορός ay kamag-anakan ng Bulgarong хоро ('horo'), ng Rumanong 'horǎ', ng Serbo/Kroato/Bosniyo/Montenegrin/Islobeno na 'kolo', ng Masedonyo/Montenegrin na 'oro', ng Turkong 'hora', na 'valle' sa Albanyano (Albano), at Hebreong הורה (Hora). Ang pangalan ng sayaw na Khorumi na nagmula sa dalampasigan ng Dagat na Itim ng Georgia ay maaaring may kaugnayan din sa salitang Griyego, pati na ang mga pangalan ng sayaw na Horon na nasa kanugnog na mga rehiyong Turko.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

Mga kawing na panlabas

baguhin