Horisontal na paglipat ng gene

Ang horisontal na paglipat ng gene (Ingles: horizontal gene transfer o HGT o lateral gene transfer o LGT) ay tumutukoy sa paglilipat ng henetikong materyal sa pagitan ng mga organismo kesa sa bertikal na paglilipat ng gene. Ang bertikal na paglilipat ay nangyayari kapag may pagpapalit ng gene mula sa pang-magulang na paglikha sa supling nito. Ang LGT ay isang pagpapalit ng gene na nangyayari na hindi nakabatay sa reproduksiyon.

Ang kasalukuyang puno ng buhay na nagpapaktia ng bertikal at horisontal na paglilipat ng gene.

Ang horisontal na paglilipat ng gene ang pangunahing dahilan ng hindi pagtalab ng antibiotiko sa bacteria[1][2][3][4] at sa ebolusyon ng bacteria na sumira sa mga compound gaya ng mga nilikha ng taong pestisidyo[5]. Ang horisontal na paglipat ng gene na ito ay kalimitang sumasangkot sa mga plasmid. [6] Ang mga gene na responsable sa resistansiya sa antibiotiko sa isang espesye ng bacteria ay maaaring mailipat sa ibang mga espesye ng bacteria sa pamamagitan ng iba't ibang mga mekanismo (e.g., sa pamamagitan ng F-pilus) na kalaunang nag-aarmas sa tumatanggap ng mga gene ng resistansiya sa antibiotiko laban sa mga antibiotiko na nagiging isang hamon pang-medikal. Ito ang mahalagang dahilan na ang mga antibiotiko ay hindi dapat inumin ng mga pasyente na walang angkop na reseta ng mga doktor.[7]

Karamihan sa mga pag-iisip sa henetika ay nakapokus sa bertikal na pagsasalin ng gene ngunit may lumalaking kamalayan na ang horisontal na paglilipat ng gene ay mataas na mahalagang phenomenon at sa mga isang-selulang organismo at marahil ang nangingibabaw na anyo ng pagsasali ng gene. [8][9]

Ang artipisyal na horisontal na paglilipat ng gene ay isang anyo ng inhenyeryang henetiko (genetic engineering).

Sanggunian

baguhin
  1. OECD, Safety Assessment of Transgenic Organisms, Volume 4: OECD Consensus Documents, 2010, pp.171-174
  2. Kay E, Vogel, T M, Bertolla F, Nalin R & Simonet, P, In situ transfer of antibiotic resistance genes from transgenic (transplastomic) tobacco plants to bacteria, Appl. Environ. Microbiol. 68, 2002, pp.3345-3351
  3. Koonin E V, Makarova K S & Aravind, L, Horizontal gene transfer in prokaryotes: quantification and classification, Ann Rev Microbiol, 55, 2001, pp.709-742
  4. Nielsen K M, Barriers to horizontal gene transfer by natural transformation in soil bacteria, APMIS Suppl 106, 1998, pp.77-84
  5. McGowan C, Fulthorpe R, Wright A, Tiedje JM, "Evidence for interspecies gene transfer in the evolution of 2,4-dichlorophenoxyacetic acid degraders." Appl Environ Microbiol. 1998 Oct;64(10):pp.4089-92.
  6. Naik G A, Bhat L N, Chpoade B A & Lynch J M, Transfer of broad-host-range antibiotic resistance plasmids in soil microcosms, Curr. Microbiol. 28, 1994, pp.209-215
  7. al.], Peter J. Russell ... [et (2009). Biology : exploring the diversity of life (ika-1st Canadian ed. (na) edisyon). Toronto: Nelson Education. ISBN 0-17-644094-1. {{cite book}}: |edition= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Lin Edwards (Oktubre 4, 2010). "Horizontal gene transfer in microbes much more frequent than previously thought". PhysOrg.com. Nakuha noong Enero 6, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Carrie Arnold (Abril 18, 2011). "To Share and Share Alike: Bacteria swap genes with their neighbors more frequently than researchers have realized". Scientific American. Nakuha noong Enero 6, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)