Hudyong Kristiyano

(Idinirekta mula sa Hudyo Kristiyano)

Ang mga Hudyong Kristiyano o Hudeo-Kristiyano o Hudyong Kristiyanismo ang mga orihinal na kasapi ng kilusang repormang Hudyo na kalaunang naging Kristiyanismo. [1] Sa pinakamaagang yugto nito, ang pamayanang Hudyo Kristiyano ay binubuo ng mga Hudyo na tumanggap kay Hesus bilang isang kapitapitagang tao o kahit ang mesiyas.[1] Habang lumalago ang Kristiyanismo, ang mga Hudyong Kristiyano ay naging isa lamang sekta ng pamayang Kristiyano. Ang Hudyong Kristiyano ay inilalarawan ng paghayag ng mga ito kay Hesus bilang mesiyas at patuloy na pagsunod sa mga kautusang Hudyo at mga kustombreng Hudyo gaya ng pagmamasid ng Sabbath at mga banal na araw ng Hudaismo. [1]

Ang katagang "Hudyong Kristiyano" ay lumitaw sa mga historikal na kasalutang nagsasalungat ng mga Kristiyanong may lahing Hudyo mula sa mga Kristiyanong hentil sa talakayan ng Iglesia sa Bagong Tipan[2][3] sa mga simulang siglo nito.[4] Ayon sa dating propesor ng Historikal na Teolohiya Oxford University na si Alister McGrath, ang unang siglong mga "Hudyong Kristiyano" ay buong matapat na mga relihiyosong Hudyo. Sila ay iba mula sa mga ibang Hudyo sa kanilang panahon sa kanilang pagtanggap kay Hesus bilang mesiyas na itinakwil at hanggang sa kasalukuyan ay itinatakwil ng mga Hudyo na mesiyas. [5]

Habang ang Kristiyanismo ay lumalago sa buong daigdig na hentil noong mga simulang siglo CE, ang mga Hudyong Kristiyano ay humiwalay mula sa kanilang mga pinagmulang Hudyo.[6][7] Sa simula ay nanatili silang malakas sa kabila ng mga pag-uusig mula sa mga opisyal ng Templo sa Herusalem at bumagsak sa bilang noong Mga digmaang Hudyo-Romano (66-135 CE) at papataas na anti-Hudaismo na marahil ay mahusay na kinakatawan ni Marcion (c. 150 CE). Dahil sa pag-uusig ng sektang Ortodoksiyang Kristiyano mula sa panahon ni Emperador Constantino I noong ika-4 siglo CE, ang mga Hudyong Kristiyano ay tumakas sa mga labas na hangganan ng Imperyo Romano.[8] Sa loob ng Imperyo Romano, ang sektang Ortodoksiyang Kristiyano ay nanaig at pinanaigan ng mga hentil(hindi Hudyo). Ang Ortodoksiyang Kristiyanismo ang bersiyon ng Kristiyanismo na naging opisyal na relihiyon ng Imperyo Romano. Ang katagang "Mga Hudyong Kristiyano" ay maaaring tumukoy sa mga Mga Ebionita, Nazareno at iba pang mga pangkat. Nauugnay sa mga pangkat na ito ang mga pragmento ng mga sipi mula sa mga ebanghelyong hindi naging bahagi ng Kanon na katoliko na tinutukoy bilang mga Ebanghelyong Hudyong Kristiyano.

Mga sektang Hudyong Kristiyano

baguhin

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Freeddman & Myers 2000, p. 709.
  2. Theological dictionary of the New Testament 1972 p568 Gerhard Kittel, Geoffrey William Bromiley, Gerhard Friedrich "When the Jewish Christians whom James sent from Jerusalem arrived at Antioch, Cephas withdrew from table-fellowship with the Gentile Christians:"
  3. Cynthia White The emergence of Christianity 2007 p36 "In these early days of the church in Jerusalem there was a growing antagonism between the Greek-speaking Hellenized Jewish Christians and the Aramaic-speaking Jewish Christians"
  4. Michele Murray Playing a Jewish game: Gentile Christian Judaizing in the first and Second Centuries CE, Canadian Corporation for Studies in Religion - 2004 p97 "Justin is obviously frustrated by continued law observance by Gentile Christians; to impede the spread of the phenomenon, he declares that he does not approve of Jewish Christians who attempt to influence Gentile Christians “to be.. "
  5. McGrath, Alister E., Christianity: An Introduction. Blackwell Publishing (2006). ISBN 1-4051-0899-1. Page 174: "In effect, they [Jewish Christians] seemed to regard Christianity as an affirmation of every aspect of contemporary Judaism, with the addition of one extra belief — that Jesus was the Messiah. Unless males were circumcised, they could not be saved (Acts 15:1)."
  6. Keith Akers, The lost religion of Jesus: simple living and nonviolence in early Christianity, Lantern Books, 2000 p. 21
  7. Wylen, Stephen M., The Jews in the Time of Jesus: An Introduction, Paulist Press (1995), ISBN 0-8091-3610-4, Pp 190-192.; Dunn, James D.G., Jews and Christians: The Parting of the Ways, A.D. 70 to 135, Wm. B. Eerdmans Publishing (1999), ISBN 0-8028-4498-7, Pp 33–34.; Boatwright, Mary Taliaferro & Gargola, Daniel J & Talbert, Richard John Alexander, The Romans: From Village to Empire, Oxford University Press (2004), ISBN 0-19-511875-8, p. 426.;
  8. Küng, Hans (2008), "Islam: Past, Present and Future" (One World Publications)