Hukbong-kati

(Idinirekta mula sa Hukbong Katihan)

Ang isang hukbong-kati, hukbong katihan, o pinasimple bilang hukbo, ay isang puwersang nakikipaglaban na sa lupain ang pangunahing operasyon. Sa mas malawak na kahulugan, ito ang sangay ng militar, sangay ng serbisyo, o armadong sangay ng isang bansa o estado na nakabase sa kalupaan. Maaring mayroon din itong mga ari-ariang abyasyon sa pamamagitan ng posessyon ng isang abyasyong bahagi ng hukbo. Sa loob ng isang pambansang puwesang militar, maaring nangangahulugan ang salitang hukbong-kati o hukbo bilang isang field army o hukbo sa pook ng labanan.

Ang pangkat ng Rehimyentong Sikh ng Hukbong Indiyano na nagmamartsa sa isang parada, noong 2015

Sa ilang mga bansa, tulad ng Pransya at Tsina, ang katawagang "hukbong-kati" o "hukbo," lalo na sa anyong maramihan, ay mayroong mas malawak na kahulugan sa sandatahang lakas bilang isang kabuuan, habang pinapanatili ang kolokyal na kahulugan ng hukbong-kati o hukbo bilang puwersang panlupa. Upang mapagkaiba ang kolokyal na hukbong-kati o hukbo mula sa pormal na konsepto ng puwersang militar, inaangkop ang katawagan. /Halimbawa, tinatawag sa Pransya ang puwersang panlupa bilang Armée de terre, nangangahuluhang Hukbong Panlupa, at tinatawag ang panghimpapawid at pangkalawakang puwersa bilang Armée de l'Air et de l’Espace, nangangahulugang Hukbong Panghimpapawid at Pangkalawakan. Ang puwersang pandagat, bagaman hindi ginagamit ang katawagang "hukbo," ay kabilang din sa mas malawak na kahulugan ng katawagang "mga hukbo" — sa gayon, ang Hukbong Pandagat ng Pransya ay isang mahalagang bahagi ng kolektibong Hukbong Pranses (Sandatahang Lakas ng Pransya) sa ilalim ng Ministeryo ng mga Hukbo. Nakikita din ang isang katulad na huwaran sa Tsina, na puwersang panlupa ang People's Liberation Army (PLA), puwersang panghimpapawid ang PLA Air Force, puwersang pandagat ang PLA Navy, at gayon din sa iba pang mga sangay.

Ang kasalukuyang pinakamalaking hukbong katihan sa buong mundo, sa bilang ng aktibong tropa, ay ang PLA Ground Force ng Tsina na may 1,600,000 aktibong tropa at 510,000 nakareserbang tauhan na sinundan ng Hukbong Indiyano na may 1,237,117 aktibong tropa at 960,000 nakareserbang tauhan.

Ang mga hukbo sa Indya ay kabilang sa mga una sa mundo. Nangyari ang unang natalang labanan, ang Labanan ng Sampung Hari, nang tinalo ng isang Aryong Hindu na hari na nagngangalang Sudas ang isang alyansa ng sampung hari at ang kanilang suportadong pinuno. Noong Panahon ng Bakal, nagkaroon ng pinakamalaking mga hukbo sa mundo ang mga Imperyo ng Nanda at Maurya na natamo ang rurok sa tinatayang 600,000 impanterya, 30,000 kabalyeriya, 8,000 karwaheng-pandigma 9,000 elepanteng pandigma na hindi kabilang ang mga tributaryong estadong kakampi.[1][2][3][4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Majumdar, Ramesh Chandra (2003) [1952], Ancient India (sa wikang Ingles), Motilal Banarsidass, p. 107, ISBN 81-208-0436-8{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. History of India ni Dr Malti Malik, p.84 (sa Ingles)
  3. The Great Armies of Antiquity ni Richard A. Gabriel p.218 (sa Ingles)
  4. Roy, Kaushik (2004-01-01). India's Historic Battles: From Alexander the Great to Kargil (sa wikang Ingles). Orient Blackswan. pp. 28–31. ISBN 9788178241098.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)