Ang hypothalamus (mula sa Griyego ὑπό, "ilalim" at θάλαμος, thalamus) ay isang bahagi ng utak na naglalaman ng mga maliit na nuclei na may iba't ibang mga gawain. Isa sa pinakamahalagang gawain ng hypothalamus ay upang ikonekta ang sistemang nerbiyos sa sistemang endokrina sa pamamagitan ng glandulang pitwitaryo (hypophysis).

Utak: Hypothalamus
Lokasyon ng hypothalamus ng tao
Lokasyon ng hypothalamus, kapag titignan ang pituitaryo at ang buong utak
Latin hypothalamus
Gray's subject #189 812
NeuroNames hier-358
MeSH Hypothalamus
NeuroLex ID birnlex_734

Ang hypothalamus ay matatagpuan sa ibaba ng thalamus na nasa itaas ng brainstem at bahagi ng sistemang limbiko.[1] Sa terminolohiya ng neuroanatomiya, binubuo nito ang unahang bahagi ng diencephalon. Ang lahat ng utak ng bertebrado ay naglalaman ng isang hypothalamus. Sa tao, ito ay ang laki ng isang pili.

Responsable ang hypothalamus sa ilang mga prosesong metabolismo at iba pang mga gawain ng awtonomikong sistemang nerbiyos. Naggagawa at naglalabas ito ng ilang tiyak na neurohormone, na tinatawag na releasing hormone o hypothalamic hormone, at ang mga ito ay nagbubuhay o nagpipigil sa pagpapakawala ng pitiutaryong hormone. Ang hypothalamus ang nagkokontrol ng temperatura ng katawan, gutom, mahalagang aspeto ng pagiging magulang at mga pagkasamâ ng pag-uugali, uhaw,[2] pagkapagod, pagtulog, at ritmong sirkadiyan.

Estruktura

baguhin
 
hypothalamus ng Tao (ipinapakita ng pula)

Isang estruktura ng utak ang hypothalamus na binubuo ng mga natatanging nuclei pati na rin ang ilang mabababang lugar sa anatomiya. Natatagpuan ito sa lahat ng sistemang nerbiyos ng bertebrado. Sa mga mamalya, naglalabas ang magnocellular neurosecretory cell sa paraventricular nucleus at ang supraoptic nucleus ng hypothalamus ng neurohypophysial hormone, oxytocin at vasopressin. Inilalabas ang mga hormones sa dugo sa posterior pituitary.[3] Naglalabas naman ang ilang maliliit na parvocellular neurosecretory cell, mga neurons ng paraventricular nucleus, ng corticotropin-releasing hormone at iba pang mga hormones sa portadang sistema ng hypophyseal, na kung saan ang mga hormones ay humahalo sa anterior pituitary.

Nuclei

baguhin

Kasama sa nuclei ng hypothalamic nuclei ang mga sumusunod:[4][5][6]

Rehiyon Lugar Nucleus Gawain[7]
Anterior Preoptic Preoptic nucleus
Medial Medial preoptic nucleus
  • Nireregula ang pagpapalabas ng gonadotropic hormone mula sa adenohypophysis
  • Naglalaman ng sexually dimorphic nucleus, na kung saan naglalabas ng GnRH, ang pagbabagong pagunlad sa pagitan ng kasarian ay nakabatay sa level ng testosterone in utero
Supraoptic nucleus
  • Vasopressin release
  • Oxytocin release
Paraventricular nucleus
  • thyrotropin-releasing hormone release
  • corticotropin-releasing hormone release
  • oxytocin release
  • vasopressin release
  • somatostatin release
Anterior hypothalamic nucleus
  • thermoregulasiyon
  • panting
  • sweating
  • thyrotropin inhibition
Suprachiasmatic nucleus
  • Ritmong sirkadiyan
Lateral
Lateral nucleus Tignan ang Function – pangunahing pinagkukuhanan ng orexin neurons sa buong utak at spinal cord
Tuberal Medial Dorsomedial hypothalamic nucleus
Ventromedial nucleus
  • satiety
  • neuroendocrine control
Arcuate nucleus
  • Growth hormone-releasing hormone (GHRH)
  • pagkain
  • Dopamine-mediated prolactin inhibition
Lateral Lateral nucleus Tignan ang Function – pangunahing pinagkukuhanan ng orexin neurons sa buong utak at spinal cord
Lateral tuberal nuclei
Posterior Medial Mammillary nuclei (part of mammillary bodies)
Posterior nucleus
  • pinatataas ang pressure ng dugo
  • Dilasyong balintataw
  • shivering
  • pagpapalabas ng vasopressin
Lateral Lateral nucleus Tignan ang Function – pangunahing pinagkukuhanan ng orexin neurons sa buong utak at spinal cord
Tuberomammillary nucleus[8]
  • arousal (pagkagising at atensiyon)
  • pagkain at balanse ng enerhiya
  • pagkatuto
  • memorya
  • túlog

Talababa

baguhin
  1. Limbic system
  2. Definition of hypothalamus - NCI Dictionary of Cancer Terms
  3. Melmed, S; Polonsky, KS; Larsen, PR; Kronenberg, HM (2011). Williams Textbook of Endocrinology (ika-12th (na) edisyon). Saunders. p. 107. ISBN 978-1437703245.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Diagram of Nuclei (psycheducation.org)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2005-12-15. Nakuha noong 2016-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Diagram of Nuclei (universe-review.ca)
  6. Diagram of Nuclei (utdallas.edu)
  7. Unless else specified in table, then ref is: Guyton Twelfth Edition
  8. Malenka RC, Nestler EJ, Hyman SE (2009). "Chapter 6: Widely Projecting Systems: Monoamines, Acetylcholine, and Orexin". Sa Sydor A, Brown RY (pat.). Molecular Neuropharmacology: A Foundation for Clinical Neuroscience (ika-2nd (na) edisyon). New York: McGraw-Hill Medical. pp. 175–176. ISBN 9780071481274. Within the brain, histamine is synthesized exclusively by neurons with their cell bodies in the tuberomammillary nucleus (TMN) that lies within the posterior hypothalamus. There are approximately 64000 histaminergic neurons per side in humans. These cells project throughout the brain and spinal cord. Areas that receive especially dense projections include the cerebral cortex, hippocampus, neostriatum, nucleus accumbens, amygdala, and hypothalamus.  ... While the best characterized function of the histamine system in the brain is regulation of sleep and arousal, histamine is also involved in learning and memory ... It also appears that histamine is involved in the regulation of feeding and energy balance.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)

Malayuang pagbabasa

baguhin
  • de Vries, GJ, and Sodersten P (2009) Sex differences in the brain: the relation between structure and function. Hormones and Behavior 55:589-596.
baguhin