Iglesia ng Dios na Buhay kay Cristo Jesus

Isang pang-Kristiyanong denominasyon sa Pilipinas.

Ang Iglesia ng Dios na Buhay kay Cristo Jesus (pinaikli bilang IDBCJ; Ingles: Church of the Living God in Christ Jesus) ay isang malayang pangkristiyanong denominasyon na itinayo at nagmula sa Pilipinas. Ito ay naipatala sa Komisyon sa mga Panagot at Palitan (Pilipinas) noong 1954 ni Avelino Santiago, ang unang ministro ng denominasyon.

Iglesia ng Dios na Buhay kay Cristo Jesus
Sagisag ng Iglesia ng Dios na Buhay kay Cristo Jesus
Klasipikasyon Nagsasarili
Pamumuno May hiyarkiya
Pinuno Ruel B. Santiago Sr. (Kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan)

Danilo M. Santiago Sr. (Tagapamahalang Pangkalahatan 1992-2020)

Avelino C. Santiago (Tagapamahalang Pangkalahatan 1954-1992)

Lugar na sakop 31 lugar sa Pilipinas
Nagtatag Avelino C. Santiago(nagpatala sa Pamahalaang Pilipinas)
Lugar ng Pagtatag Marso 13, 1954(pagkakatala sa Pamahalaang Pilipinas)
Humiwalay sa Iglesia ng Dios kay Cristo Jesus Haligi at Suhay ng Katotohanan
Mga Simbahan 31 lokal sa Pilipinas
Bilang ng Kasapi walang opisyal na bilang
Opisyal na Websayt http://www.iglesiangdiosnabuhaykaycristojesus.org www.idbcjangbuhay.com

Kasaysayan

baguhin

Panimula

baguhin

Noong 1931, nagtayo ng panibagong denominasyon si Nicolas Perez kasama si Avelino Santiago nang si Perez ay humiwalay sa grupo ni Teofilo Ora, isa sa mga noo'y kasapi ng Iglesia ni Kristo. Tinawag nila Perez at Santiago ang kanilang bagong samahan bilang Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Suhay ng Katotohanan (Ingles: Church of God in Christ Jesus, The Pillar and Ground of the Truth), batay sa nakasulat sa 1 Tesalonica 2:14 at I Timoteo 3:15.

Pagkatatag ng IDBKH/IDBCJ

baguhin

Noong 1954, tumiwalag si Avelino Santiago sa denominasyong itinayo nila ni Nicholas Perez at tinayo niya ang kaniyang denominasyon na pinangalanan niyang Iglesia ng Diyos na Buhay kay Kristo Hesus (Ingles: Church of the Living God in Christ Jesus). Sa pagkatatag ng bagong denominasyon, nagkaroon ng lupon ng manggagawa si Santiago na kinabibilangan nila Melencio, Bernardo, Guillermo Burcena, Lucio Santiago at Abelardo Santiago. Sa panahon ng pangunguna ni Santiago, naitatag ang mga lokal ng Bailen sa Cavite, Sampiro at Buhaynasapa sa Batangas, at Halang, Sta. Maria, at Sampaloc sa Bulacan. Ilan sa mga naging mangangaral sa mga lokal na ito ay sina Felissa Sebuc at Juan Maguling. Nang maiparehistro ang IDBHK noong 1958 sa Komisyon sa mga Panagot at Palitan, nabago ang pangalan ng denominasyon. Ang Iglesia ng Diyos na Buhay kay Kristo Hesus ay nabago't naging Iglesia ng Dios na Buhay kay Cristo Jesus.

Pagsasalin ng Pamumuno

baguhin

Noong ika-23 ng Oktubre, 1992, binawian ng buhay si Avelino Santiago dahil sa sakit na hika. Bago pa man mangyari ito, isinalin ni Avelino ang kapangyarihan sa pamumuno ng denominasyon sa kaniyang anak na si Danilo.

Sa pasimulang pamumuno ni Danilo ay naitatag ang lokal ng San Isidro, Rosario, Batangas.

Nagkaroon ng Pulong Propaganda ang denominasyon para sa ikalalawig ng paniniwala ng iglesia na ginanap sa Tejero, Balayan, Batangas na pinangunahan ni Pepito Bugtong.

Pangunahing Tanggapan

baguhin

Itinayo ang pangunahing tanggapan ng IDBCJ na tinatawag na Iglesia ng Dios na Buhay Central Worship Center sa Pinacpinacan Rd, Sampaloc, San Rafael, Bulacan.

Matatagpuan sa Worship Center ang opisina ng punong ministro, ang punong gusaling panambahan, at isang malawak na Activity Center.

Opisina

baguhin

Matatagpuan sa opisina ang silid ng Punong Ministro na naglalaman ng lahat ng mga dokumento at mga bibliya na ginagamit ng mga mangangaral sa kanilang pagpapahayag. Dito rin isinasagawa ang talakayan o tinatawag na "Klase Ministeryal" ng mga mangangaral.

Punong Gusaling Panambahan

baguhin

Ginaganap din dito ang pananambahan ng mga tagalokal ng Sampaloc at ang ilang mga kasal ng mga kaanib sa IDBCJ.

Dito rin isinagawa ang Talakayang Pangkabataan (Ingles: Youth Forum) na dinaluhan ng mga kabataang kasapi ng ilang lokal ng sambahan.

Activity Center

baguhin

Sa Activity Center ginaganap ang ilan sa malalaking aktibidades o gawain ng sambahan. Isa na rito ang Pagtitipong Pangkabataan (Ingles: Youth Gathering) na ginaganap tuwing sunod na taon.

Harana ng Pananampalataya

baguhin

Ang radio program ng IDBCJ na Harana ng Pananampalataya ay nagsimulang umere sa radyo sa Pilipinas noong ika-25 ng Enero, 2014 sa Kiss FM at mapakikinggan tuwing sabado mula 9:00 NG (ng gabi) hanggang 10:30 NG (ng gabi). Naging punong-abala si Ruben Sebuc Sr. at ngayon ay pinangungunahan ng isang ministro ng simbahan.

Paniniwala

baguhin

Naniniwala ang IDBCJ na ito ang totoong simbahan na itinayo ni Hesukristo sa panahon na ito na nakasaad sa Banal na Aklat.

Banal na Aklat

baguhin

Naniniwala ang IDBCJ sa aral o turo ng Banal na Aklat na nagsasaad na si Hesukristo ang Anak ng Panginoon na bumababa mula sa langit upang mangaral sa mga tao tungkol sa aral ng Panginoon, ang Dios na makapangyarihan sa lahat.

Bawtismo at Paghahandog

baguhin

Naniniwala ang simbahan na ang pagbabawtismo sa mga tunay Kristiyano ay sa pamamagitan ng paglubog ng buong katawan sa isang dakong may tubig at kinakailangan upang maging tunay na bawtisado ang kagustuhang maging tunay na Kristiyano.

Hindi naniniwala ang simbahan sa pagbabawtismo sa sanggol, na ginagawa ng Romano Katoliko, bagkus ay "inihahandog" ang sanggol sa Panginoon bilang panimulang bisa ng aral.

Bago maging bawtisado ang isang kasapi, kailangan muna niyang matutuhan ang totoong turo ng Panginoon. Ang gustong maging kasapi ng denominasyon ay dapat na hindi bababa sa labindalawang taong gulang o kung siya ay nagkusang loob na maging kasapi nito.

Ang mga ministro ng bawat lokal ng simbahan ang magtuturo sa mga miyembro nito ng mga aral sa Bibliya, mula kay Hesukristo at mula sa Panginoong Dakila sa lahat. Sa oras ng pagbabawtismo, tinatanong ng punong-abala ang kasapi ng iba't ibang tanong tungkol sa doktrina at turo ng simbahan.

Pagtitiwalag

baguhin

Ang mga kasapi na hindi sumusunod na turo ng bibliya at lumalabag sa kautusan ng simbahan ay itinitiwalag mula sa simbahan. Bago itiwalag, binibigyan ng panahong magbago ang kasapi, maliban na lang kung may suliraning lumalabag sa kautusan ng bibliya (tulad ng pakikiapid) kasama ang taong hindi kapatid sa pananampalataya. Ang mga kasaping malalamang kumakain ng dugo, nakikipagtanan at lumalabag sa utos ng simbahan ay pinapatawan ng hindi pagsunod at kapag lahat ng ministro ng simbahan ang sumang-ayon sa pasya na itiwalag ang kasapi, ang parusa ay ipapataw.

Muling Pagkakatawang-tao

baguhin

Ang simbahan ay naniniwala na sa ikalawang pagbabalik ni Cristo, ang lahat ng hindi tumiwalag sa utos at aral ng Panginoon, ang kanilang kaluluwa at katawan ay mananatili hanggang sa dumating ang takdang panahon. Ang lahat ng sumasampalataya sa Panginoon at ang mga namatay na sumasampalataya sa Panginoon ay muling magsasakatawang tao o bubuhaying muli at makasasama ang Panginoon sa langit. Igagawad sa kanila ang Banal na Lugar (Bagong Herusalem o ang Bagong Gaia [Earth]) at makasasama nila ang Panginoon at si Hesukristo at mabubuhay ng payapa.

Naniniwala din ang simbahan na magtatakda ng araw ang Panginoon para sa paghuhukom (kilala rin bilang Ikalawang Pagbabalik ni Cristo).

Lokal / Distrito

baguhin

Ang Iglesia ng Dios na Buhay kay Cristo Jesus ay nahahati sa iba't ibang lokal o distrito sa buong Pilipinas.

Pangalan ng Lokal Address Rehiyon Pinagkuhanan
Lokal ng Makati City Brgy. Rizal, Makati City National Capital Region [1] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Pasay Roxas Boulevard, Pasay City National Capital Region [2] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Talanay Talanay, Batasan Hills, Quezon City National Capital Region [3] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Baguio City Loakan Rd, Baguio, Benguet Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera (CAR) [4] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Bataan Bataan, San Juan, Batangas Rehiyon 4A (CALABARZON) [5] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Sampaloc Pinacpinacan Road, Sampaloc, San Rafael, Bulacan Rehiyon 3 (Gitnang Luzon) [6] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng San Vicente San Vicente, Sta. Maria, Bulacan Rehiyon 3 (Gitnang Luzon) [7] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Tungkong Mangga Tungkong Mangga, San Jose Del Monte, Bulacan Rehiyon 3 (Gitnang Luzon) [8] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Cabanatuan Cabanatuan, Nueva Rehiyon 3 (Gitnang Luzon) [9] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Tarlac Tarlac Rehiyon 3 (Gitnang Luzon) [10] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Rajal Centro Rajal Centro, Sta. Rosa, Nueva Ecija Rehiyon 3 (Gitnang Luzon) [11] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng San Mariano San Mariano, Sta. Rosa, Nueva Ecija Rehiyon 3 (Gitnang Luzon) [12] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Subic Subic, Zambales Rehiyon 3 (Gitnang Luzon) [13] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Buhaynasapa Brgy. Buhaynasapa, San Juan, Batangas Rehiyon 4A (CALABARZON) [14] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Sampiro Sitio Iglesia, Brgy. Sampiro, San Juan, Batangas Rehiyon 4A (CALABARZON) [15] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Tinggalaba Tinggalaba, Batangas City, Batangas Rehiyon 4A (CALABARZON) [16] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Calamba Calamba, Laguna Rehiyon 4A (CALABARZON) [17] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Nasugbu Brgy. Looc, Nasugbu, Batangas Rehiyon 4A (CALABARZON) [18] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Sta. Teresita Sta. Teresita, Sto. Tomas, Batangas Rehiyon 4A (CALABARZON) [19] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Sabang Sabang, Tuy, Batangas Rehiyon 4A (CALABARZON) [20] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Bayudbod Bayudbod, Batangas Rehiyon 4A (CALABARZON) [21] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Tejero Tejero, Balayan, Batangas Rehiyon 4A (CALABARZON) [22] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng San Isidro San Isidro, Rosario, Batangas Rehiyon 4A (CALABARZON) [23] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Kaylangis Kaylangis, Maragondon, Cavite Rehiyon 4A (CALABARZON) [24] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Guyong-Guyong Guyong-Guyong, Gen. Emilio Aguinaldo (dating Bailen), Cavite Rehiyon 4A (CALABARZON) [25] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Bailen Gen. Emilio Aguinaldo (dating Bailen), Cavite Rehiyon 4A (CALABARZON) [26] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Tapia Tapia, Generial Trias, Cavite Rehiyon 4A (CALABARZON) [27] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Mulanay Mulanay, Quezon Province Rehiyon 4A (CALABARZON) [28] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng San Narciso San Narciso, Quezon Province Rehiyon 4A (CALABARZON) [29] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.
Lokal ng Lumbang Lumbang, Batangas Rehiyon 4A (CALABARZON) [30] Naka-arkibo 2017-12-03 sa Wayback Machine.

Mga Programa

baguhin

Taunang Pasasalamat

baguhin

Taun-taon, ipinagdiriwang ng simbahan ang kanilang Taunang Pasasalamat tuwing unang araw ng Enero na tumatagal hanggang sa sumunod na araw. Sa oras ng pasalamatan, ang bawat miyembro ng simbahan ay pupunta sa isang nakaatas na Distritong Pang-ebanghelyo (Ingles: Evangelical District) na kanilang napili at magkakaroon ng mga gawaing pangungunahan ng simbahan tulad ng pagkanta ng mga awit ng simbahan at maramihang pananalangin.

Pagtitipong Kabataan

baguhin

Isang programa ang binuo ng mga kaanib ng simbahan para sa mga kabataan na tinatawag na Pagtitipong Kabataan (Ingles: Youth Gathering) na naglalayong tipunin ang mga kabataan na miyembro ng simbahan upang lumahok sa mga gawain na isinaayos ng mga kaanib nito at ito ay kadalasang tumatagal nang isa hanggang dalawang araw batay sa mga napagkasunduan ng mga kalihim at opisyales nito.

Talakayang Pangkabataan

baguhin

Ang Talakayang Pangkabataan (ingles: Youth Forum) ay programa na tumatalakay sa mga isyu sa panahon ngayon. Tinatalakay rito ang mga isyu na sasagutin naman ng bibliya.

Tungkulin

baguhin

Ang bawat miyembro o kasapi ng Iglesia ng Dios na Buhay kay Cristo Jesus ay kailangang:

  1. Sumunod at mahalin ang Panginoon ng buong puso, ng buong kaluluwa, at ng buong isip;
  2. Malaman at kilalanin ang mga matatanda/sugo/ministro ng simbahan;
  3. Tulungan ang mga sugo/ministro para sa kaayusan ng banal na pagkakaisa;
  4. Ibahagi ng bukal sa loob ang gawa ng pagsasalba sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pagtulong at abuloy at boluntaryong donasyon.;
  5. Magboluntaryo sa paggawa ng bahay-panambahan.

Kinuhanan

baguhin