Ikonoklasmong Bisantino

(Idinirekta mula sa Ikonoklastiyang Bisantino)

Ang Ikonoklasmong Bisantino (Ingles: Byzantine Iconoclasm, Griyego: Εἰκονομαχία, Eikonomachía) ay tumutukoy sa dalawang panahon sa kasaysayan ng Imperyong Bisantino, kung saan ang paggamit ng mga relihiyosong imahen o mga ikono ay tinuligsa ng mga relihiyo't imperyal na awtoridad sa loob ng Silangang Simbahan at ang imperyal na herarkiyang temporal. Ang "Unang Ikonoklasmo", na minsang tinatawag dito, ay tumagal mula mga 726 hanggang 787. Ang "Ikalawang Ikonoklasmo" naman ay mula 814 hanggang 842. Ayon sa tradisyunal na pagtanaw, ang Ikonoklasmong Bisantino ay pagtatatag ni Emperador Leo III ng pagbabawal sa mga relihiyosong imahen na tumuloy-tuloy hanggang sa kaniyang mga kahalili. Kasabay nito ang malawakang pagsira ng mga imahen at pang-uusig sa mga nagtataguyod ng benerasyon ng mga imahen. Ang Kanluraning Simbahan ay matatag na nanatiling magtaguyod ng paggamit sa mga imahen sa buong itinahal ng panahong iyon, at and buong episodyo ay mas lalong nagpatindi sa umiigting na hidwaan sa pagitan ng mga Silanganan at Kanluraning tradisyon, sa isang pinag-isang Simbahan pa rin, gayon din ang pagpapadali ng pagpapahina o pagtanggal ng kapangyarihang politikal ng Bisantino sa iba't ibang bahagi ng Italya.

Isang payak na krus: halimbawa ng ikonoklastang sining sa Simabahang Hagia Irene sa Istanbul.

Pinagmulan

baguhin

Sa pagdaan ng ika-16 dantaon malinaw na nagkaroon ng paniniwala sa intersesyon ng mga santo ang pagsambang Kristiyano. Ang paniniwalang ito ay naimpluwensiyahan din ng konsepto ng herarkiya ng kabanalan, na ang Trinidad ang nasa tuktok, na sinusundan ng Birheng Maria , na sa Wikang Griyego ay tinatawag na Theotokos (Ingles: God-bearer) o Meter Theou (Tagalog: Ina ng Diyos), ang mga santo, mga banal na laláking nabubuhay, mga babae, at mga nakatatandang espiritwal, na sinusundan naman ng by the rest of humanity. Kung gayon, upang makatanggap ng mga pagbabasbas o dibinong pabor, ang mga sinaunang Kristiyano ay kadalasang nagdarasal o nagtatanong sa mga tagapamagitan (intermedyaryo), tulad ng mga santo o sa Theotokos, o mga buháy na kasámang Kristiyano na pinaniniwalaang banal, upang mamagitan kay Kristo para sa kanila. Isang matinding sakramentalidad at paniniwala sa kahalagahan ng pisikal na presensiya ay napabilang din sa paniniwala sa intersesyon ng mga santo sa pamamagitan ng mga relikiya at mga banal na imahen (ikono) sa mga sinaunang kaugaliang Kristiyano.