Ilog Amasona
Ang Ilog Amasona (Portuges: Rio Amazonas; Kastila: Río Amazonas) ng Timog Amerika ay ang pinakamalaking ilog sa buong mundo sa dami ng bolyum nito. Ang Amasona, na may pinakamalaking paagusang palanggana sa buong mundo, ay tinatayang may 20 bahagdan ng kabuuang pag-agos ng ilog ng mundo. Sa panahon ng tag-ulan, nasa 120 km - 130 km ang lapad. Dahil sa kanyang napakalawak na dimensiyon, tinatawag ito minsan na Ang Ilog na Dagat. Wala itong mga tulay kahit sa anumang lugar nito.[1] Hindi lamang dahil ito sa napalaking dimensiyon. Sa katunayan, hindi naman ganoong kahaba na hindi kakayanin ng makabagong tulay ang karamihan ng haba ng Amazon, kung hindi mas dahil, sa karamihan ng haba nito, umaagos ang ilog sa tropikal na ulan-gubat (rainforest), kung saan may iilang mga daan at mas iilang mga lungsod.
Pagdaloy
baguhinPinanggagalingan
baguhinPinaniwalaan na ang pinakalayong pinanggagalingan ng Ilog Amasona ay nasa pag-agos ng Ilog Apurímac nang halos isang siglo. Inilathala pa rin ang ganitong mga pag-aaral hanggang kamakailan, tulad noong 1996,[2] 2001,[3] 2007,[4] at 2008,[5] kung saan natukoy ng iba't-ibang mga may-akda ang snowcapped na tuktok na 5,597 m (18,363 tal) ng Nevado Mismi, na humigit-kumulang na 160 km (99 mi) sa kanluran ng Lawa ng Titicaca at 700 km (430 mi) sa timog-silangan ng Lima, bilang ang pinakamalayong pinanggagalingan ng ilog. Mula roon, lumilitaw ang Quebrada Carhuasanta mula sa Nevado Mismi, sumasama sa Quebrada Apacheta, at di-magtagal ay bumubuo sa Río Lloqueta na nagiging Río Hornillos at pagkatapos, magsasanib sa Río Apurimac.
Subalit, itinutukoy ng isang pag-aaral noong 2014 ng mga Amerikano na sina James Contos at Nicolas Tripcevich sa Area, isang peer-reviewed na journal ng Royal Geographical Society, na ang pinakamalayong pinanggagalingan ng Amasona ay totoong nasa pag-agos ng Río Mantaro.[6] Iba't-ibang mga paraan ang ginamit upang ihambing ang mga haba ng Ilog Mantaro vs. ang Ilog Apurímac mula sa pinakamalayong punto ng pinanggagalingan hanggang sa pagsasama ng mga ito, at ipinapakita ang mas mahabang haba ng Mantaro. Pagkatapos, isinukat ang mga layo mula sa Lago Junín hanggang sa iba't-ibang maaaring maging mga punto ng pinanggalingan sa pinakamataas na bahagi ng Ilog Mantaro, na nagbigay ng kakayahan sa kanila na itukoy na ang Cordillera Rumi Cruz ay ang pinakamalayong pinanggagalingan ng tubig sa basin ng Mantaro (at sa gayon, sa buong basin ng Amasona). Ang pinakatumpak na paraan ng pagsukat ay ang pagsusukat nang direkta gamit ang GPS na kinuha sa pagbaba sa bawat ilog gamit ang isang kayak mula sa punto ng pinanggagalingan ng mga ito hanggang sa pagsasanib ng mga ito (na isinagawa ni Contos). Naging mahirap ang pagkuha ng mga sukat na ito buhat ng pagiging class IV–V ng bawat ilog na mga ito, lalo sa mga mas mababang seksyong "Abyss" ng mga ito. Sa huli, natukoy nila na ang pinakamalayong punto sa pag-agos ng Mantaro ay mas malayo nang upstream nang halos 80 km kumpara sa Bundok Mismi sa pag-agos ng Apurímac, at sa gayon, ang maximum na haba ng Ilog Amasona ay mas mahaba nang halos 80 km kaysa sa pinaniniwalaan dati. Nagpatuloy si Contos nang downstream patungong karagatan at natapos ang kauna-unahang kumpletong pagbaba ng Amasona mula sa bagong natukoy na pinanggagalingan (natapos noong Nobyembre 2012), isang paglalakbay na inulit ng dalawang mga grupo pagkatapos lumaganap ang balita.[7]
Pagkatapos ng halos 700 km (430 mi), sumasanib ang Apurímac sa Río Mantaro sa pagbuo ng Ene, na sumasanib sa Perene sa pagbuo ng Tambo, na sumasanib sa Ilog Urubamba sa pagbuo ng Ucayali. Pagkatapos ng pagsanib ng Apurímac at Ucayail, lumalayas ang ilog mula sa terrain na Andean at napapaligiran ng floodplain. Mula rito hanggang sa pagsasanib ng Ucayali at ng Marañón, na mahigit-kumulang na 1,600 km (990 mi), mas mataas nang kaunti lamang ang mga pampang na may gubat at binabaha na nang matagal bago pa maabot ng ilog ang maximum na yugto nito ng pagbabaha.[8] Hinihinto ang mga mabababang pampang ng kaunting mga burol lamang, at pumapasok ang ilog sa napakalaking Amazon rainforest.
Mga protektadong pook
baguhinPangalan | Bansa | Mga koordenado | Larawan | Karagdagang ulat |
---|---|---|---|---|
Pambansang Reserba ng Allpahuayo-Mishana | Peru | 3°56′S 73°33′W / 3.933°S 73.550°W | ||
Pambansang Liwasan ng Amacayacu | Colombia | 3°29′S 72°12′W / 3.483°S 72.200°W | ||
Pambansang Liwasan ng Amazônia | Brazil | 4°26′S 56°50′W / 4.433°S 56.833°W | ||
Pambansang Liwasan ng Anavilhanas | Brazil | 2°23′S 60°55′W / 2.383°S 60.917°W |
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Amazon (river)" (ika-2007 (na) edisyon). Microsoft Encarta Online Encyclopedia. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-31. Nakuha noong 2007-08-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Source of the Amazon River Identificated (Jacek Palkiewicz)". Palkiewicz.com. 19 Nobyembre 1999. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Marso 2007. Nakuha noong 13 Pebrero 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Smith, Donald (21 Disyembre 2000). "Explorers Pinpoint Source of the Amazon (National Geographic News)". National Geographic. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Nobyembre 2017. Nakuha noong 15 Hulyo 2017.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Amazon river 'longer than Nile'". BBC News. 16 Hunyo 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Setyembre 2010. Nakuha noong 3 Agosto 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Studies from INPE indicate that the Amazon River is 140 km longer than the Nile". Brazilian National Institute for Space Research. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Abril 2011. Nakuha noong 3 Agosto 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ James Contos; Nicholas Tripcevich (Marso 2014). "Correct placement of the most distant source of the Amazon River in the Mantaro River drainage" (PDF). Area. 46 (1): 27–39. doi:10.1111/area.12069.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Contos, James (Rocky) (3 Abril 2014). "Redefining the Upper Amazon River". Geography Directions. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Marso 2017. Nakuha noong 15 Hulyo 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Church 1911, p. 789.
- ↑ "Allpahuayo Mishana" (sa wikang Kastila). Servicio Nacional de Áreas Naturales Protegidas por el Estado. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Setyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Parque Nacional Natural Amacayacu" (sa wikang Kastila). Parques Nacionales Naturales de Colombia. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Pebrero 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Parna da Amazônia". Instituto Socioambiental (ISA). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Oktubre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Parna de Anavilhanas". Instituto Socioambiental (ISA). Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Mayo 2016.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.