Imogen
Ang Imogen, o Imogene ay isang bigay o unang pangalang pambabae, na maaaring nilikha ni William Shakespeare para sa isang tauhan sa kaniyang dulang Cymbeline. Maaaring ibig gamitin ni Shakespeare ang pangalan Innogen, isang katauhang maalamat na hango mula sa salitang Seltikong inghean na nangangahulugang dalaga o binibini, subalit nagbunga ang isang kamalian sa pagkakalimbag na hindi naitama upang mailathala ito bilang Imogen. Tumataas ang antas ng kasikatan ng pangalang ito sa Inglatera at Gales, kung saan ito ang ika-34 na pinakagamiting pangalan para sa mga babaeng sanggol noong 2007, at maging sa Bagong Timog Gales, Australia, kung saan ika-35 naman ang pangalan sa pagiging sikat na pangalan ibinibigay para sa mga babaeng sanggol noon ding 2007. Inihanay ito sa ika-86 na mga sikat na pangalang pangkababaihang sanggol sa Scotland noong 2007.[1]
Imogen | |
---|---|
Bigkas | Im-uh-jen, Im-uh-dyen |
Kasarian | Babae |
Pinagmulan | |
Salita/Pangalan | Seltiko |
Kahulugan | "dalaga", "binibini" |
Rehiyon ng pinagmulan | Inglatera, Irelanda, Scotland |
Iba pang mga pangalan | |
Mga kaugnay na pangalan | Imogene, Innogen |
Sanggunian
baguhinAng lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.