Birheng Mapagbigay-lunas

(Idinirekta mula sa Ina ng Mabuting Lunas)

Ang Birheng Mapagbigay-lunas[1] (Kastila: Virgen de los Remedios)[2] ay isang larawan, istatwa at pamagat para sa Birheng Maria na iniuugnay sa paghingi ng tulong ng mga Katoliko at iba pang Kristiyanong deboto kung may mga kahirapan sa paghahanap at pagkakamit ng kasagutan sa mga suliranin.

Larawan ng istatuwa ng Ina ng Mga Kalunasan. Inukit ito ni Fernando Estévez, c. 1817.

Ibang pangalan at istatuwa

baguhin

Mayroon maliit na istatwa ng Birheng Mariang tinatawag na Birhen ng mga Kalunasan, Birhen ng mga Remedyo, o Ina ng mga Kalunasan (Ingles: Virgin of Los Remedios, Our Lady of Los Remedios; (Kastila: La Virgen de los Remedios, Nuestra Señora de los Remedios), at pinaniniwalang dinala ito sa Mehiko ng mga konkistador na Kastila. Nagsimulang maging pintakasi ng Lungsod ng Mehiko ang Birhen ng mga Kalunasan noong 1574. Maraming mga lungsod ang nagtaguyod sa Birhen ng mga Remedyo bilang patron, at ipinamamahayag ng mga simbahan at templo ang pangalang ito.

Kasaysayan

baguhin

Noong mga 800 taon na ang nakararaan, dinarakip ng mga Muslim ang mga Kristiyano upang ipagbili bilang mga alipin. Noong 1198, itinatag ni San Juan ng Matha ang mga Trinitaryano o Trinitaryo para tunguhin ang mga pamilihan ng mga alipin at bilhin ang mga aliping Kristiyano para palayain. Kinailangan ng mga Trinitaryo ang sapat na bilang ng salapi para sa gawaing ito. Isinagawa nila ito sa ilalim ng pagpipintakasi sa Birheng Maria. Sapagkat naisakatuparan nila ang layuning ito, nagpasalamat si San Juan ng Matha sa Birheng Maria sa pamamagitan ng pagbibigay puri kay Santa Maria na binigyan niya ng pamagat na "Ina ng Mabuting Lunas". Lumaganap sa Europa at sa Latinong Amerika ang sinaunang pangalang ito ng Birheng Maria noong mga panahong iyon.[2]

Hinggil sa mga Trinitaryo, kilala rin ang samahang ito bilang Orden ng Santísima Trinidad o Samahan ng Banal na Tatlong Katauhan. Itinatag ito ni Juan ng Matha kasami si San Felix ng Valois, at pinayagan ni Inocencio III. Lumaganap ang samahan sa Europa at kontinente ng mga Amerika mula noong ika-14 na dantaon.

Pagdiriwang

baguhin

Ipinagdiriwang ang kapistahan ng Ina ng Mabuting Lunas tuwing Oktubre 8.[2]

Paglalarawan

baguhin

Karaniwang iginuguhit at ipinipinta ang larawan ng Ina ng Mabting Lunas na may inaabot na supot ng salapi kay San Juan ng Matha.[2]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

Talababa

baguhin
  1. "Ang Birhen Ng Remedios". TV Maria. Nakuha noong 29 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Polyetong dasalan para sa Our Lady of Good Remedy, TAN Books and Publishers, Inc., Illinois.

Bibliyograpiya

baguhin
Brading, D. A. (2001). Mexican Phoenix: Our Lady of Guadalupe: Image and Tradition Across Five Centuries. Cambridge: Palimbagan ng Pamantasang Cambridge. ISBN 0-521-80131-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Cisneros, Luys de (1621). Historia de el principio, y origen progressos venidas à Mexico, y milagros de la Santa Ymagen de nuestra Señora de los Remedios, extramuros de Mexico (sa wikang Kastila). Mehiko: Emprenta del Bachiller Iuan Blanco de Alcaçar.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)