Kasarinlan

(Idinirekta mula sa Independence)

Ang kasarinlan ay isang katayuan o kalagayan ng isang tao, bansa, bayan, o estado kung saan ang mga naninirahan at mamamayan, o ilang bahagi nito, ay nagpapamalas ng pamamahala sa sarili, at kapangyarihan sa nasasakupang teritoryo nito. Ang kabaligtaran ng kasarinlan ay ang katayuan ng isang teritoryong dumedepende. Ang paggunita sa araw ng kalayaan o kasarinlan ng isang bansa o bayan ay pagdiriwang kapag ang isang bansa ay malaya sa lahat ng anyo ng padayuhang pananakop o kolonyalismo; malayang magtatag ang isang bansa o bayan nang walang panghihimasok ng ibang mga bansa.[1]

Mga balangkas-kalatas ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Pilipinas, sulat ni Ambrosio Rianzares Bautista na ipinapahayag ang kalayaan ng bansa mula sa Espanya, at opisyal na pinagtibay ni Heneral Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898.

Kahulugan ng Kasarinlan

baguhin

Kung ang pagkakamit ng kasarinlan ay iba sa panghihimagsik ay matagal nang pinagtatalunan, at madalas na pinagtatalunan sa usapin ng karahasan bilang mga lehitimong paraan sa pagkamit ng kasarinlan.[2] Sa pangkalahatan, ang mga himagsikan ay naglalayon lamang na baguhin ang pamamahagi ang kapangyarihan, mayroon man o walang salik ng pagpapalaya, tulad ng sa demokratisasyon sa loob ng isang estado, na dahil dito ay maaaring manatiling hindi magbabago. Halimbawa, ang Himagsikang Mehikano (1910) ay isang labanan ng mararaming pangkat na kalaunan ay humantong sa isang bagong saligang batas; ito ay bihirang ginagamit upang tumukoy sa armadong pakikibaka nito (1821) laban sa Espanya. Gayunpaman, ang ilang mga digmaanng pangkasarinlan ay inilarawan bilang mga himagsikan, tulad na lamang sa Estados Unidos (1783) at Indonesia (1949), habang ang ilang mga himagsikan na tungkol sa pagbabago sa istrukturang pampulitika ay nagresulta sa mga humiwalay na estado. Ang Mongolia at Finland, halimbawa, ay nakakuha ng kanilang kalayaan noong mga rebolusyong naganap sa Tsina (1911) at Rusya (1917) ayon sa pagkakabanggit. Ang mga dahilan para sa isang bansa o lalawigan na nagnanais na maghangad ng kalayaan ay marami, ngunit karamihan ay maaaring ibuod bilang isang pakiramdam ng hindi pagkakapantay-pantay kumpara sa nangingibabaw na kapangyarihan. Ang paraan para sa nilalayon ay maaaring mapapayapang mga demonstrasyon tulad ng sa naganap ng India (1947), o sa isang marahas na digmaan tulad ng sa kaso ng Algeria (1962). Sa ilang mga pangyayari, ang isang bansa ay maaari ring magpahayag ng kasarinlan, ngunit maaaring hindi ito kilalanin ng ibang mga bansa; tulad ng Kosovo (2008), na ang paghiwalay at paglaya mula sa Serbia ay hindi kinikilala.[3][4][5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Seputar Pengertian Kemerdekaan". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-11-24. Nakuha noong 2022-12-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Benjamin, Walter (1996) [1921]. Walter Benjamin: Selected Writings, Volume 1: 1913–1926. Cambridge: Harvard University Press. 236–252. ISBN 0-674-94585-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Kosovo MPs proclaim independence". BBC News. 17 Pebrero 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The world's newest state". The Economist. 21 Pebrero 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "International recognitions of the Republic of Kosovo". Ministry of Foreign Affairs. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Mayo 2021. Nakuha noong 6 Hulyo 2021. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.