Orden (biyolohiya)

(Idinirekta mula sa Inpra-orden)

Sa pagtitipun-tipong maka-agham na ginagamit sa larangan ng biyolohiya, ang salitang sunudhay o orden[1] (Ingles: order; Latin: ordo [isahan], ordines [maramihan]) ay isang kahanayang pang-taksonomiya sa pagitan ng lipihay at angkanhay. Samantalang ang higsunday naman ay nasa gitna ng lipihay at sunudhay. Umaayon sa Kodigong ng Nomenklatura ang buong detalye ng opisyal na pagpapangalang ginagamit sa kasalukuyan.

LifeDomainKingdomPhylumClassOrderFamilyGenusSpecies
The hierarchy of biological classification's eight major taxonomic ranks. Padron:Biological classification/core Intermediate minor rankings are not shown.

Kasaysayan

baguhin

Ang sunudhay, bilang isang natatanging hanay sa pagtitipun-tipong pang-biyolohiya – na mayroong sarili niyang pangalan (na hindi lamang tinatawag na “mataas na sari” (Ingles: higher genus; Latin: genus summum), ay unang ipinakilala ni Augustus Quirinus Rivinus, isang Alemang botaniko, sa kaniyang mga pagpapangkat-pangkat ng mga halaman (mga sulatin na isinulat noong mga dekada ng 1690). Tahasang ginamit ito ni Carolus Linnaeus sa kahatian ng lahat ng tatlong mga kaharian sa Nature (Kalikasan) ng kaniyang akdang Systema Naturae (Paraang Likas, 1735, unang labas), na hinggil sa mga mineral, halaman, at hayop.

Sa mga lathalaing Pranses: mula sa Familles naturelles des plantes (Mga Likas na Pamilya ng mga Halaman, 1764) ni Michel Adanson hanggang sa katapusan ng ika-19 na dantaon, ang salitang famille at familles (“pamilya” at “mga pamilya” sa wikang Pranses) ay ginamit bilang katumbas ng “ordo” ng Latin. Tahasang ginamit ang katumbas na ito sa Lois de la nomenclature botanique (Batas sa Pagpapangalang maka-Botanika, 1868) ni Alphonse De Candolle, na naging ninunong-akda ng pangkasalukuyang Kodigong Internasyunal sa Pagpapangalang Pang-Botanika.

Sa mga unang “Patakaran” sa pagpapangalang pang-botanika ng 1906, ang salitang pamilya (familia) ay itinakda para sa mga hanay na nangangahulugang famille sa wikang Pranses, habang ang sunudhay (Ingles: order, Latin: ordo) naman ay nilaan para sa nasa mas mataas na ranggo, na noong mga kapanahunan ng ika-19 na dantaon ay kadalasang tinatawag na kohorta (Pranses: cohors [isahan] at cohortes [maramihan]).

Sa soolohiya

baguhin

Sa larangan ng soolohiya, mas gamitin ang mga pamamaraang pang-orden na pinasimulan ni Linnaeus, na kung saan ang mga sunudhay sa bahaging pang-soolohiya ng kaniyang Systema Naturae (Likas na Pamamaraan) ay tumutukoy sa mga grupong likas. Gamitin pa rin sa ngayon ang ilan sa mga pangalang pang-orden ni Linnaeus, katulad ng Lepidoptera para sa sunudhay ng mga gamu-gamo at paru-paro, o Diptera para naman sa mga langaw, lamok, midge, at gnat).

Hierarka ng mga ranggo

baguhin
Pangalan Latin prefix Halimbawa 1 Halimbawa 2
Magnorden magnus, 'large, great, important' Boreoeutheria
Superorden super, 'above' Euarchontoglires Parareptilia
Grandorden grand, 'large' Euarchonta
Mirorden mirus, 'wonderful, strange' Primatomorpha
Orden Primates Procolophonomorpha
Suborden sub, 'under' Haplorrhini Procolophonia
Impraorden infra, 'below' Simiiformes Hallucicrania
Parvorden parvus, 'small, unimportant' Catarrhini

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Orden, bilang 1 at 3, pahina 950: pagkakaayos o pagkakasunud-sunod, na angkop sa salin na ito dahil ang lathalaing ito ay tungkol sa kahanayan ng pagpapangkat-pangkat". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Tingnan din

baguhin