Inskripsyon sa Đông Yên Châu

(Idinirekta mula sa Inskripsyong Dong Yen Chau)

Ang inskripsyon sa Đông Yên Châu[1] ay isang inskripsyong Cham[2] na nakasulat sa sulatang Lumang Timog Brahmi, na nakita noong 1936 sa Đông Yên Châu, sa hilagang-kanluran ng Trà Kiệu malapit sa kabisera ng Champa na Indrapura, sa bansang Vietnam. Ang inskripsyon ay nakasulat sa tuluyan, at ang pinakalumang dokumento ng wikang Cham, at inilalahad ang pag-iiral ng mga sinaunang paniniwala ng mga Cham ng kahariang Champa.

Ang wikang nasa inskripsyon ay mayroong mga pagkakatulad na balarila at bokabularyo sa Malay, ngunit may pagtatalo patungkol dito kung ang wikang ginamit ay Lumang Cham o Lumang Malay. Ang pagkakatulad ay hindi nakakagulat sapagkat ang dalawang wikang ito ay magkakaugnay sa loob ng pamilyang Awstronesyo.

Teksto

baguhin

Ang wika ng inskripsyon ay hindi malayo sa modernong Cham o Malay sa balarila o bokabularyo. Ang mga pagkakatulad nila ay ang pagkakagamit ng yang at ya, maging ang dengan at di, maging ang impluwensiyang Indiyano sa mga salitang Siddham, isang salitang nagbibigay kahulugan sa swerte; naga "dragon, ahas, naga"; svarggah "langit", paribhu "mang-insulto", naraka "impiyerno", at kulo "pamilya".

Transliterasyon[3] at mga salin

baguhin
Siddham! Ni yang nāga punya putauv.
Ya urāng sepuy di ko, kurun ko jemā labuh nari svarggah.
Ya urāng paribhū di ko, kurun saribu thun davam di naraka, dengan tijuh kulo ko.

Literal na salin sa Ingles[4]

baguhin
Fortune this that serpent possess king.
O person respect in him, for him jewels fall from heaven.
O person insult in him, for one thousand years remain in hell, with seven family he.

Salin sa Ingles[5]

baguhin
Fortune! this is the divine serpent of the king.
Whoever respects him, for him jewels fall from heaven.
Whoever insults him, he will remain for a thousand years in hell, with seven generations of his family.

Salin sa Malay

baguhin
Sejahtera! Inilah naga suci kepunyaan Raja.
Orang yang menghormatinya, turun kepadanya permata dari syurga.
Orang yang menghinanya, akan seribu tahun diam di neraka, dengan tujuh keturunan keluarganya.

Salin sa Kanlurang Cham

baguhin
Nabuwah! Ni kung nāga milik patao.
Hây urāng adab tuei nyu, ka pak nyu mâh priak yeh hu plêk mâng syurga mai.
Hâi urāng papndik harakat pak nyu, ka ye saribau thun tram di naraka, hong tajuh mangawom nyu.

Salin sa Filipino / Tagalog

baguhin
Kapalaran! Ito ang banal na ahas ng hari.
Sinumang taong gumalang sa kanya, mahuhulog sa kanya ang mga hiyas mula sa langit.
Sinumang taong humamak sa kanya, mananatili siya sa impiyerno sa loob ng isang libong taon, kasama ang pitong salinlahi ng kanyang mag-anak.
Dong Yen Chau Proto-Chamic Malay Kahulugan Mga nota
ni inĭ, inɛy ini ito Maikling anyo ng ni ang nanatili. Mula sa Proto-Awstronesyo na *i-ni.
nāga naga dragon/naga/ahas Mula sa Sanskrit na नाग (nāga).
punya punya pag-aari
putauv pataw,

pɔtaw

hari
urāng ʔuraːŋ orang tao
labuh labuh labuh mahulog Sa makabagong Malay, nangangahulugan ang labuh bilang ang paghulog ng isang bagay habang nakakabit pa rin ito (halimbawa: layag, angkla, tabing, palda)
nari dari mula sa
svarggah syurga langit Mula sa Sanskrit na स्वर्ग (svarga).
saribu saribɔw seribu isang libo
thun thu tahun taon Mula sa Proto-Malayo-Polynesiyano na *taqun.
davam diam maiwan
di di sa
naraka neraka impiyerno Mula sa Sanskrit na नरक (naraka).
dengan dəŋan dengan kasama Mula sa Proto-Malayo-Polynesiyano na *deŋan.
tijuh tujuh tujuh pito
kulo keluarga mag-anak Mula sa Sanskrit na कुल (kulo).

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ngọc Chừ Mai: Văn hóa Đông Nam Á. Đại học quốc gia Hà Nội, 1999, p. 121; Anne-Valérie Schweyer: Viêt Nam: histoire, arts, archéologie. Olizane, 2011, p. 424. (sa wikang Biyetnames)
  2. Griffiths, Arlo. "Early Indic Inscriptions of Southeast Asia" (sa wikang Ingles). Academia.edu. Nakuha noong 20 Enero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Thurgood 1999, p. 3
  4. Thurgood 1999, p. 3
  5. Thurgood 1999, p. 3