Intelihensiyang pangmilitar

(Idinirekta mula sa Intelihensiyang militar)

Ang intelihensiyang pangmilitar o kaalamang pangmilitar ay isang disiplinang pangmilitar na kumakasangkapan o gumagamit at nakikinabang sa pagtitipon at pagsusuri ng mga pagharap sa pagbibigay ng gabay at kaatasan sa mga kumander ng militar para sa mga pagpapasya ng mga ito. Nakakamit ito sa pamamagitan ng pagtantiya ng nakukuhang dato o kabatiran (impormasyon) mamgula sa isang malawak na sakop na mga napagkukunan, na nakatuon sa mga pangangailang pangmisyon o pagtugon sa mga katanungang pinagtutuonan bilang kabahagi ng gawain na pang-operasyong militar o pagpaplano ng kampanyang militar. Upang makapagbigay ng isang pagsusuring may kaalaman, ang mga pangangailangan na pangkabatiran ng kumander ay inaalam muna. Pagkaraan, ang mga pangangailangang ito na pang-impormasyon ay isinasama sa isang proseso ng pagtitipon, pagsusuri at pagpapamudmod ng kaalaman o intelihensiya.

Ang mga pook ng pag-aaral ay maaring kasangkutan ng kapaligirang pang-operasyon o panggawaing militar, ng mga puwersang walang pinapanigan, mga puwersa ng kalaban, at mga puwersa ng hindi kaaway, ng populasyon ng mga sibilyano sa loob ng isang pook ng gawaing pangkombat, at iba pang mas malalawak na mga pook na pinagtutuonan.[1] Ang mga gawaing pangkaalaman o pang-intelihensiya ay isinasagawa sa lahat ng mga antas, magmula sa pangtaktika hanggang sa pang-estratehiya, sa panahon ng kapayapaan, sa kapanahunan ng pagpapalit papunta sa pagkakaroon ng digmaan, at habang mayroon nang digmaan.

Karamihan sa mga pamahalaan ang nagpapanatili ng isang kakayanan na pang-intelihensiyang pangmilitar upang makapagbigay ng mga tauhang mapanuri at pang-impormasyon sa mga yunit na espesyalista at magmula sa iba pang mga serbisyo at mga sandatahang lakas. Ang mga tauhan ng militar na mayroong kakayahang pang-intelihensiya nakikihalubilo sa mga tauhang sibilyano na mayroong katumbas na kakayahang pangkaalaman upang makapagbigay ng kaalaman na may kaugnayan sa mga gawaing pampolitika at pangmilitar.

Ang mga tauhang napili sa mga tungkuling pang-intelihensiya ay maaaring piliin ayon sa kanilang mga kakayahan sa pagsusuri at karunungan bago makatanggap ng pormal na pagsasanay. Ang mga gawaing pang-intelihensiya ay isinasakatuparan sa kabuoan ng hirarkiya na panggawaing pampolitika at pangmilitar.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "University Catalog 2011/2012, Master Courses: pp.99, size: 17MB" (PDF). US National Intelligence University. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-01-23. Nakuha noong 28 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Militar at Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.