Meme ng Internet

produkto, kampanya o kaganapan na pinalaganap sa pamamagitan ng Internet
(Idinirekta mula sa Internet meme)

Ang salitang Internet meme (ˈmiːm/ meem) o "meme o mema ng Internet" ay ginagamit upang ilarawan ang mga konseptong lumalaganap sa Internet. Ang terminolohiyang ito ay kaugnay ang konsepto ng meme, ngunit ang meme ay tumutukoy sa mas malawak na kategorya ng kultural na kaaalaman. Ang pinakaunang naitala na paggamit ng salitang meme ay sa libro ni Richard Dawkins na The Selfish Gene na nailimbag noong 1976.

Paglalarawan

baguhin
 
Makabagong Internet meme sa paksa ng Wikipedia at mga pahinang masisira kapag naalis ang ilang partikular na character. Ang mga meme sa internet kung minsan ay kumakatawan sa mga pang-araw-araw na problema.
 
Halimbawa ng isang "deep-fried" na meme nang walang anumang konteksto. Ang mga surrealist at walang katuturang tema ay tipikal ng mga modernong meme.

Ang Internet meme ay isang ideya na ipinapalagananap sa World Wide Web. Ito ay maaring maging isang hyperlink, bideyo, larawan, website, hashtag, o salita lang o parirala, tulad ng sadyang maling pagbaybay ng salita (ang "more" ay nagiging "moar" at ang "the" ay nagiging "teh"). Ang meme ay maaring kumalat sa pamamagitan ng mga social network, blog, e-liham, balita, at iba pang sistemang impormasyon na nakabase sa web. Ang Internet meme ay maaring mapanatili ang kaniyang orihinal na linalaman ngunit may potensiyal rin ito magbago sa paglipas ng oras dahil sa panggagaya, pagkrikritiko o nakakatawang imitasyon. Ang nilalaman ng pangkaraniwang tema ng mga Internet meme ay mga ugnayang tao (Rage comic o mga reaksiyon ng mukha), mga pagtukoy sa kulturang popular (Xzibit in "Yo Dawg") o Bear Grylls sa "Better drink my own piss", o mga sitwasyong karaniwang nararanasan ng mga tao (Socially Awkward Penguin o Futurama Fry/Not Sure if "x"). Maraming mga Internet meme ay nanggagaling din sa mga video games (ang "All your base are belong to us na nanggaling sa larong Zero Wing at ang "arrow to the knee" ng Elder Scrolls V: Skyrim). Mahirap maitukoy ang orihinal na pinanggalingan ng isang meme dahil sa 'viral' na katangian nito at sa bilis ng pagkalat nito.

Hindi lumampas ang napakabilis na paglaki at pagkalat ng mga Internet meme sa atensiyon ng mga iskolar at ng mga pangkalakalan (commercial) na industriya. Sa akademya, interes ng pag-aaral ang pagbabago ng mga meme at ang mahula kung anong mga meme ang mananaig at kakalat sa Web. Sa komersyo, ginagamit sila sa viral marketing, isang di-mamahaling pamamaraan ng malawakang pag-anunsiyo.

Paggamit

baguhin

Ginagamit ang mga meme sa mga larangan ng ugnayang pampubliko, pag-aanunsiyo at pamimili bilang pamamaraan ng viral marketing at guerilla marketing para makapagbigay pansin sa kanilang produkto o serbisyo. Ang tawag sa paggamit ng meme para sa pamimili ng mga produkto o serbisyo ay memetic marketing. Ikinakatwirang produktibo kaugnay sa paggugol ang paggamit ng mga meme dahil popular ang mga ito, at ginagamit sila paramakapagpakita ng imahe ng pagkamalikhain o pagiging uso.

Ang mga propesyonal sa pamimili ay gumagamit din ng mga Internet meme para gumawa ng interes sa mga pelikulang siguradong hindi makakakuha ng positbong rebyu sa mga kritiko. Isang halimbawa ng pelikulang gumamit ng pamamaraang ito ay ang 2006 na pelikulang Snakes on a Plane. Sa ugnayang pampubliko, ang ipapalaganap ay isang buzzword imbis na isang pormal na Internet meme pero taglay pa ng paggamit nito (para sa tribya at mababaw na katuwaan) ang mga katangian ng Internet meme.

Maling pagbibigkas

baguhin

Madalas nagkakamali sa pagbigkas ng salitang meme. Ito'y naibibigakas na meh-meh o mi-mi sa iba't-ibang plataporma tulad ng telebisyon, internet at sa pakikipag-usap sa iba. Ang salitang Pranses na même ay ang ginamit na batayan para sa maling pagbigkas ng salitang ito.