Iphigenia at Aulis
Ang Iphigenia in Aulis (Sinaunang Griyego: Ἰφιγένεια ἐν Αὐλίδι, Iphigeneia en Aulidi; at iba't ibang isinalin kabilang ang Latin na Iphigenia in Aulide) ang huling umiiral na akda ni Euripides. Ito ay isinulat sa pagitan ng 408 pagkatapos ng Orestes at 406 BCE na taon ng kamatayan ni Euripides na ang dula ay unangnilikha sa sumunod na taon sa isang triolohiya kasama ng Ang Bacchae at Alcmaeon sa Corinto ng kanyang anak o pamangkin.[1] and won the first place at the Athenian city Dionysia.[2] Ang dula ay umiikot kay Agamemnon na pinuno ng koalisyong Griyego bago at noong Digmaang Trojan at ang kanyang desisyon na isakripisyo ang kanyang anak na babaeng si Iphigenia upang palubagin ang diyosang si Artemis at payagan ang kanyang mga hukbo na maglayag upang ingatan ang kanilang karangalan sa labanan laban sa Troy. Ang alitan sa pagitan nina Agamemnon at Achilles tungkol sa kapalaran ng batang babae ay nagbabala sa isang katulad na alitan sa pagitan ng dalawa sa pasimula ng Iliad. Sa kanyang depiksiyon ng mga karanas ng mga pangunahing karakter, si Euripides ay kadalasang gumagamit ng mga trahikong ironiya para sa dramatikong epekto.
Iphigenia in Aulis | |
---|---|
Isinulat ni | Euripides |
Koro | Mga babaeng Griyego |
Mga karakter | Agamemnon Menelaus Clytemnestra Iphigenia lingkod ni Achilles |
Unang itinanghal | 405 BCE |
Lugar na unang pinagtanghalan | Athens |
Orihinal na wika | Sinaunang Griyego |
Genre | Trahedya |
Kinalalagyan | Puerto ng Aulis |