Troya

(Idinirekta mula sa Troy)

Ang Troya (Sinaunang Griyego: Τροία, Troia at Ἴλιον, Ilion, o Ἴλιος, Ilios; Latin: Trōia at Īlium; Hitita: Wilusha o Truwisha;[1][2] Turko: Truva)[3] ay isang lungsod sa hilaga-kanluran ng Asya Menor. Ito ang sentro ng Digmaang Trohano, na isinasalaysay sa may walong habang mga tulang epiko, anim mula sa Siklong Epiko at dalawang isinulat ni Homer na tinawag na Iliada at ang Odisea.[4]

Ang maaalamat na mga pader ng Troya. Ang Troy na isinulat ni Homer ay pangkasalukuyang tinatawag bilang "Troy VII".
Ang pangunahing mga yugto sa pagbubuo ng Troya.
Mapa ng Gresyang Homeriko (Gresya noong panahon ni Homer).

Sa kasalukuyan, ito ang pangalan ng isang pook na pang-arkeolohiya, ang lokasyon ng Homerikong Troy (Troya ni Homer),[5] sa Hisarlik na nasa loob ng Anatolia, malapit sa dalampasigan na tinatawag sa ngayon bilang lalawigan ng Çanakkale sa hilaga-kanlurang Turkiya, na nasa timog-kanluran ng Dardanelles. Itinalaga ng UNESCO ang pook na pang-arkeolohiya bilang isang Pook na Pamana sa Mundo. [6]

Patungkol sa Troy

baguhin

Ang Troya ay isang makapangyarihang kaharian na nasa dagat na Mediteraneo, at umunlad sa ilalim ng matagal na pamumuno ni Haring Priam. Ang marami niyang mga anak na lalaki, na kinabibilangan ng magiting, malakas, at hindi matalong si Hektor, at ni Paris na isang mapanlikhang tauhan na hindi isang malakas na tagapaglaban subalit isang lalaking mapusok, ang pinakanakikilala mula sa mito ng Troya.

Sa loob ng Gresya ay nakahimlay ang isang kahariang tinatawag na Mycene, na pag-aari ng mga Mycenaean o mga taong Mykene, na pinamumunuan ni Haring Agamemnon. Nagsimula siya ng isang kampanya upang puwersahin at gipitin ang mga lungsod o mga kahariang Griyego at sumali sa kaniya sa pagsalakay sa Troya, upang makuha ang maraming mga yaman nito. Ang hari ng Ithaca na si Odysseus (na nakikilala rin bilang si Ulysses), na kapiling ang hari ng Creta na si Idomenous, na mayroong magpahanggang sa 22 pang mga kaharian at mga hari, ay gumugol ng sampung mga taon sa paglusob sa Troya. Sa lumaon, bumagsak ang Troya pagkaraang ang isang kudeta na naisip ni Odysseus, na gumagamit ng isang kabayong Troyano na yari mula sa kahoy upang maikubli ang mga sundalo sa loob nito, at upang maipasok nang palihim ang mga kawal papasok sa guhit ng tanggulan ng mga Troyano.

Bago bumagsak ang Troya, noong nagsisimula pa lamang ang digmaan, naghahangad si Haring Priam na makalikha ng isang alyansa sa piling ng malakas na Kaharian ng Isparta na nasa Hilagang Gresya, upang maipagtanggol ang Troya kapag nag-umpisa na ang digmaan. Si Haring Aeneas, na nakikilala rin bilang Haring Helikaon, na hari ng Dardanos, ay isang mabuting kaibigan ni Hektor at ni Haring Priam, at kumampi sa mga Troyano noong panahon ng pakikidigma. Sa kasawiang palad, sa paglalakbay na pabalik, pagkaraang magkaroon ng kasunduan ng pag-anib sina Hektor at Paris sa Isparta, kinuha ni Paris ang anak na babae ng hari ng Isparta na nagngangalang Prinsesa Helen, na hindi nagpapaalam sa hari sapagkat naging malalim ang pagmamahalan ng dalawa. Nagdulot ito ng pagkaputol ng pagkakampihan, at humantong sa pagsali ng Isparta sa layunin ng pakikipaglaban ni Haring Agammenon.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Korfmann, Manfred O. (2007). Winkler, Martin M (pat.). Troy: From Homer's Iliad to Hollywood Epic. Oxford, England: Blackwell Publishing Limited. p. 25. ISBN 1-4051-3183-7. Troy or Ilios (or Wilios) is most probably identical with Wilusa or Truwisa...mentioned in the Hittite sources{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Burney, Charles (2004). "Wilusa". Historical dictionary of the Hittites. Metuchen, N.J: Scarecrow Press. p. 311. ISBN 0-8108-4936-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Lewis, Charlton T.; Charles Short. "Ilium". A Latin Dictionary. Tufts University: The Perseus Digital Library. Nakuha noong 2008. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  4. March, Jenny (2008). The Penguin Book of Classical Myths. Penguin Books. p. 294. ISBN 978-0-141-02077-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Turkesa Truva
  6. Pagbanggit ng UNESCO