Isabel Allende
- Tungkol ito sa isang babaeng manunulat, para sa Tsilenong politiko at anak na babae ni Salvador Allende, puntahan ang Isabel Allende Bussi.
Si Isabel Allende Llona, (ipinanganak sa Lima, Peru; 2 Agosto 1942), ay isang Tsilena-Amerikanang manunulat. Isa siya sa unang mga matatagumpay na mga kababaihang manunulat sa Amerikang Latina. Minsang naglalaman ang kanyang mga akda ng mga aspeto ng tradisyong realismong masalamangka.[1] Malawakang kilala siya para sa kanyang kontribusyon sa panitikang Latino-Amerikano, katulad ng mga nobelang The House of the Spirits (La casa de los espíritus) o "Ang Bahay ng mga Espiritu" (1982) at City of the Beasts (La ciudad de las bestias o "Ang Lungsod ng mga Halimaw") (2002), na naging mga matatagumpay. Nagsulat siya ng mga nobelang nakabatay ang bahagi sa kanyang sariling mga karanasan, kalimitang nakatuon sa mga karanasan ng mga kababaihan, na nagsasanib ng mito at realismo. Nagsagawa siya ng mga pagtalakay o lektura at nakagawa ng maraming mga paglalakbay kaugnay ng kanyang mga aklat. Nagturo rin siya ng panitikan sa sampung mga dalubhasaan sa Estados Unidos.[1] Naging mamamayan siya ng Estados Unidos noong 2003, at kasalukuyang naninirahan sa California na kasama ang kanyang asawa. Maihahambing ang kanyang mga sulatin sa mga akda nina Gail Anderson-Dargatz, Louise Erdrich at Laura Esquivel. May pinagmulang lahing Basque si Allende.[2]
Isabel Allende | |
---|---|
Kapanganakan | Lima, Peru | 2 Agosto 1942
Trabaho | Manunulat |
Nasyonalidad | Tsilena Amerikana |
Kilusang pampanitikan | realismong mahikal |
(Mga) kilalang gawa | The House of the Spirits |
(Mga) nakaimpluwensiya
| |
isabelallende.com |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 The list of 101 top leaders of the Latino community in the U.S; Cover story. Allen, Kerri; Miller, Corina; Socorro, Dalia; Stewart, Graeme. Latino Leaders, pahina 24(27), bolyum 8, bilang 4, ISSN: 1529-3998. 1 Hunyo 2007.
- ↑ Aphrodite: A Memoir of the Senses ni Isabel Allende, Ero's Menu, MetroActive.com