John F. Kennedy

(Idinirekta mula sa JFK)

Si John Fitzgerald Kennedy (29 Mayo 1917 – 22 Nobyembre 1963) o mas kilala bilang JFK, ay ang ika-35 pangulo ng Estados Unidos mula 1961 hanggang sa kanyang pagkamatay noong 1963.

John F. Kennedy
Ika-35 Pangulo ng Estados Unidos
Nasa puwesto
20 Enero 1961 – 22 Nobyembre 1963
Pangalawang PanguloLyndon B. Johnson
Nakaraang sinundanDwight D. Eisenhower
Sinundan niLyndon B. Johnson
Senador ng Estados Unidos
mula Massachusetts
Nasa puwesto
3 Enero 1953 – 22 Disyembre 1960
Nakaraang sinundanHenry Cabot Lodge
Sinundan niBenjamin Smith
Kasapi ng Estados Unidos na Kapulungan ng mga Kinatawan
mula sa Massachusetts na 11th (na) distrito
Nasa puwesto
3 Enero 1947 – 3 Enero 1953
Nakaraang sinundanJames Curler
Sinundan niTip O'Neill
Personal na detalye
Isinilang
John Fitzgerald Kennedy

29 Mayo 1917
Brookline, Massachusetts, Estados Unidos
Yumao22 Nobyembre 1963
Dallas, Texas, Estados Unidos
Dahilan ng pagkamatayPinatay ni Lee Harvey Oswald
Partidong pampolitikaDemokrata
AsawaJacqueline Bouvier
AnakArabella (1956-1956)
Caroline (1957)
John Jr. (1960-1999)
Patrick (1963-1963)
Alma materKolehiyo ng Harvard
Propesyonpolitiko
Pirma

Matapos manilbihan sa militar bilang komander ng Motor Torpedo Boats PT-109 at PT-59 noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa timog Pasipiko, siya ay nahalal bilang kongresman sa ika-11 distrito ng Massachusetts sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos ng Partido Demokrata mula 1947 hanggang 1953. Pagkatapos ay naging senador mula naman noong 1953 hanggang 1960. Tinalo naman niya sa pagkapangulo ang kasalukuyang pangalawang pangulo na si Richard Nixon noong 1960. Siya ang pinakabatang nahalal sa naturang posisyon. Siya rin ang ikalawang pinakabatang naging pangulo ng Estados Unidos (pagkatapos ni Theodore Roosevelt). At ang unang taong isinilang sa ika-20 siglo na naging Pangulo. Siya lamang ang Katolikong pangulo at tanging pangulo na nanalo sa Pulitzer Prize.

Pinatay siya sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo noong 22 Nobyembre 1963 sa Dallas, Texas ni Lee Harvey Oswald. Makalipas ang dalawang araw binaril ni Jack Ruby si Oswald na siyang naging dahilan ng pagkamatay nito. Sa kasalukuyan, si Kennedy ay patuloy na napapabilang sa mataas na ranggo sa mga opinyon ng publico tungkol sa kung sino ang pinakagusto nila sa dating mga Pangulo ng Estados Unidos.

Personal na Buhay

baguhin

Ang kanyang mga magulang ay sina Joseph Kennedy, Sr. at Rose Fitzgerald. Ikalawa siya sa siyam na magkakapatid. Ikinasal siya kay Jacqueline Bouvier noong 1939. Mayroon silang apat na anak na may ngalang Arabella, Caroline, John Jr. at Patrick.

Kabataan at Edukasyon

baguhin

Si John Fitzgerald Kennedy ay isinilang sa 83 Kalye Beals, Brookline, Massachusetts noong 29 Mayo 1917, siya ay ang ikalawang anak ni Joseph Kennedy, Sr. at Rose Fitzgerald. Ang kanyang ina ay ang panganay na anak ni John "Honey Fitz" Fitzgerald na naging mayor ng Boston at tatlong beses nahalal sa Kongreso. Nanirahan siya sa Brookline sa loob ng sampung taon at nag-aral sa Paaralan ng Edward Devotion, Mababang Paaralan ng Noble at Greenough, at Paaralan ng Dexter hannggang sa ikaapat na baitang. Noong 1927, ay lumipat sila ng tirahan sa 5040 Abenida ng Kalayaan sa Riverdale, Bronx, New York, makalipas ang dalawang taon ay lumipat naman sila sa 294 Pondfield Road sa Bronx din. Kung saan naging miyembro siya ng Scout Troop 2.

Pagkamatay

baguhin

Binaril siya ni Lee Harvey Oswald sa Dallas, Texas habang nakasakay sa motorkeyd noong Nobyember 18, 1963 at namatay sa edad na 46. Kasama niya ang kanyang asawa na si Jacqueline, Gobernador John Conally ng Texas, at ang asawa na si Conally. Si Oswald naman binaril ni Jack Ruby, ang may-ari ng isang night club sa Dallas makalipas ang dalawang araw. Kinasuhan si Ruby ng murder. Inilibing siya sa Arlington Cemetery sa Virginia.


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.