Si Michael John "Jack" Roy Duavit (ipinanganak noong 20 Pebrero 1970) ay isang Pilipinong politiko na nagsisilbing kinatawan ng unang distrito ng Rizal mula noong 2016, at dati mula 2001 hanggang 2010.


Jack Duavit
Si Duavit ngayong 19th congress
Kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula sa Unang distrito ng Rizal
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
June 30, 2016
Nakaraang sinundanJoel Duavit
Nasa puwesto
June 30, 2001 – June 30, 2010
Nakaraang sinundanGilberto Duavit Sr.
Sinundan niJoel Duavit
Personal na detalye
Isinilang
Michael John Roy Duavit

(1970-02-20) 20 Pebrero 1970 (edad 54)
Partidong pampolitikaNationalist People's Coalition
AsawaMargaret Abary-Duavit
Anak3
AmaVilma Roy-Duavit
InaGilberto Duavit Sr.
TahananBatingan, Binangonan, Rizal
EdukasyonDe La Salle University
TrabahoPolitiko

Maagang buhay

baguhin

Si Duavit, karaniwang kilala bilang Jack Duavit, ay ipinanganak noong 20 Pebrero 1970. Siya ay ang bunsong anak nina dating Rizal 1st District representative Gilberto Duavit Sr. at Vilma Roy. Siya rin ay ang kapatid nina dating Rizal 1st District representative Joel Duavit, Gilberto Duavit Jr., at Judith Duavit-Vasquez. Si Duavit ay nagtapos ng kanyang pangunahing edukasyon sa Xavier School, at ang kanyang sekondaryang edukasyon mula sa Ateneo De Manila.[1]

Sa De La Salle University, nakuha niya ang kanyang Bachelor of Science and Commerce major in Marketing Management.[2] Naghawak din siya ng Recording Arts Engineering Degree sa Full Sail Center para sa Recording Arts Management Information Technology Program.[1]

Sa kanyang maagang karera, siya ang naging chairman, presidente at CEO ng MRD Holdings & Investments. Siya rin ang naging chairman at managing director ng Puresound Trading, Inc.

Si Duavit ay namahala bilang direktor para sa ilang pribadong institusyon, tulad ng GMA Network, Inc., Vigil Inc., Citynet Television, Inc., Rosmar Holdings, Inc. GMA New Media, Inc., at Social Investments Fund at Group Management & Development, Inc. Si Duavit ay naging katiwala rin ng GMA Foundation, Inc., at Guronasyon Foundation, Inc.[1][2]

Karera sa politika

baguhin

Noong halalang lokal sa taon na 2001, tumakbo si Duavit bilang kinatawan ng 1st District ng Rizal sa ilalim ng partidong Nationalist People's Coalition, kinalaunan siya ay nanalo sa tinatakbuhang pwesto.[2] Sa kanyang unang buong termino, nagsilbi siya bilang vice chairman ng House Committee on Economic Affairs, House Committee on Appropriations,at House Committee on Trade and Industry.[2][3]

Habang nasa pwesto, nakatanggap siya ng mga parangal tulad ng "Youngest Delegate to represent a Major Political Party (NPC) from the First Philippine Political Parties Conference" at ibinoto bilang isa sa "Top 20 New Congressman".[1]

Noong halalang lokal sa taon na 2016, muli siyang tumakbo bilang kinatawan para sa 1st District ng Rizal matapos maging term-limited. Naging matagumpay si Duavit na talunin sina dating Philippine Airlines president Avelino Zapanta at PDP-Laban candidate Willfrido Naval.[3][4]

Noong halalang lokal sa taon na 2019, tumakbo ulit siya para sa kanyang ikalimang termino, laban sa kandidato ng PDDS na si Catalino Dazo. Kinalaunan nanalo siya laban sa kanya.[5]

Noong 2020, matapos matalo si Alan Peter Cayetano sa speakership, pinalitan siya ni Jack Duavit bilang caretaker ng unang distrito ng Camarines Sur. Si Duavit ang pumalit sa puwesto na iniwan ng yumaong Camarines Sur congresswoman na si Marissa Andaya na namatay sa cancer noong Hulyo 2020.[6]

Noong 2021, si Duavit ay hiniling ng Nationalist People's Coalition na makipag-ugnayan sa kanyang mga kasama sa partido, hinggil na ang cha-cha initiative ay limitado lamang sa mga probisyon sa ekonomiya ng Konstitusyon.[7] Sinabi ni Duavit na ang limitasyon sa pagmamay-ari ng mass media sa ilalim ng cha-cha ay tatanggalin at sinabi na ang mga limitasyon ay luma na para sa modernong mundo. Idinagdag din ni Duavit na hahayaan din ng cha-cha ang mga dayuhan na magkaroon ng mga public utility companies. Bagama't nilinaw ni Duavit na hindi pinapayagang ganap na alisin ang mga mahigpit na probisyong pang-ekonomiya sa ilalim ng konstitusyon. Ang bersyong iyon ng cha-cha ay maglalagay lamang ng quote "unless otherwise provided by law" sa mga probisyon sa ekonomiya.[8]

Noong halalang lokal sa taon na 2022, tumakbo siya para sa kanyang ikaanim at huling termino. Isa siya sa dalawang kandidatong walang kalaban para sa pagka-kongresista sa buong lalawigan.[9] Pagkatapos ng halalan noong 2022, sinuportahan ni Duavit at ng kanyang mga kapwa miyembro ng partido ang pagiging speaker ni Martin Romualdez.[10]

Sa kanyang ikalawang buong termino, si Duavit ay isa sa mga vice chairmen ng House Committee on Appropriations at miyembro ng Ways and Means, Trade and Industry, Basic Education, Economic Affairs, Banks and Financial Intermediaries, Information and Communications Technology, Public Works at Highways at Southern Tagalog Development house committees.[1]

Personal na buhay

baguhin

Si Duavit ay ikinasal kay Margaret Abary. Magkasama silang nagkaroon ng tatlong anak, sila ay sina Ma. Sophia, Ma. Karina at Joaquin.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "About". Rizal One. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 27, 2022. Nakuha noong Setyembre 27, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Jack Duavit elected to GMA Network board". The Philippine Star. PressReader. Abril 9, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 27, 2022. Nakuha noong Setyembre 27, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Ex-PAL exec joins politics, to fight Jack Duavit in Rizal". POLITIKO South Luzon. Nobyembre 24, 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 27, 2022. Nakuha noong Setyembre 27, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Halalan 2016 - Partial and Unofficial Results". ABS-CBN News. Nakuha noong Setyembre 28, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Halalan 2019 RIZAL, REGION IV-A Election Results". ABS-CBN News. Mayo 22, 2019. Nakuha noong Setyembre 27, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Panti, Llanesca T. (Oktubre 16, 2020). "Cayetano replaced as CamSur district caretaker after losing Speakership". GMA News. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 27, 2022. Nakuha noong Setyembre 27, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Mercado, Neil Arwin (Enero 27, 2021). "Duavit: House won't 'corner' Senate on cha-cha talks". Philippine Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 27, 2021. Nakuha noong Setyembre 27, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Mondenar, MJ (Enero 27, 2021). "Limitasyon sa pagmamay-ari ng mass media, tatangalin sa isinusulong na economic Cha-cha". DZAR (sa wikang Filipino). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 30, 2021. Nakuha noong Setyembre 27, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "2 unopposed Rizal candidates bag House of Representative seats". ABS-CBN News. Mayo 12, 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 12, 2022. Nakuha noong Setyembre 27, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Cabanban, Seth (Mayo 22, 2022). "NPC officials solidify support for Romualdez's speakership bid". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 7, 2022. Nakuha noong Setyembre 27, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin
Mga tungkuling pampolitika
Sinundan:
Gilberto Duavit Sr.
Kinatawan ng Unang distrito ng Rizal
2001–2010
Susunod:
Joel Duavit
Sinundan:
Joel Duavit
Kinatawan ng Unang distrito ng Rizal
2016–kasalukuyan
Kasalukuyan