Si Jeffrey Alan Samardzija (ipinanganak noong Enero 23, 1985 sa Merrillville, Indiana) ay isang Amerikanong baseball player na naglalaro para sa koponan ng Tennessee Smokies bilang isang pitcher. Ang Tennessee Smokies ay isang koponan na kaanib sa koponan ng Chicago Cubs para sa Double-A. Siya ay dati ring manlalaro ng American footbal kung saan siya ay wide receiver para sa University of Notre Dame, kung saan siya ay dating nagaaral bilang senior sa kursong Marketing.

Jeff Samardzija
Chicago Cubs — No. 50
Pitcher
Bats: Right Throws: Right
Major League Baseball debut
[[]], [[]] for the
Record    0-0
ERA    0.00
Strikeouts    0

Maagang Buhay

baguhin

Si Samardzija ay lmaki sa Valparaiso, Indiana kung saan siya ay nag-aral sa Valparaiso High School, kung saan siya ay isang letterman sa larangan ng mga palakasan gaya ng football, basketball, and baseball. Sa larangan ng football, siya ay tatlong beses naging first team All-State honoree at dalawang beses pinarangalan ng Most Valuable Player. Pagtapos ng kanyang senior, siya ay naimbitahan na maglaro ng sa Indiana football All-Star game. Sa larangan naman ng Baseball, si Samardzija ay tumanggap at nakilalang first team All-State honoree. Si Samardzija ay nagtapos sa Valparaiso High School noong 2003 na may gradong 3.40 GPA. Ang pagiging atleta ay talagang likas para kay Samardzija. Ang kanyang ama na si Sam Samardzija ay dating semi-pro hockey player, habang ang nakaktanda naman nitong kapatrid na si Sam Jr. ay dating All-State football and baseball player at nakapaglaro din para sa koponan ng Indiana University.

Kolehiyo

baguhin

Si Jeff a y gumawa ng malaking pangalan sa larangan ng baseball sa Notre Dame bilng kananeteng pitcher na nagtapos na pumapangalawa sa Big East Conference sa parehong panahon (2.95) at may batting average na (.209). Siya ay ginawaran ng Freshman All-American ng Collegiate Baseball Magazine. Bagamat si Jeff ay parehong magling sa kanan at kaliwang kamay bilang pitcher, siya ay nakilala bilang kananete. Siya ay nagpatuloy na maglaro ng ng baseball sa Noter Dame hanggang siya ay mapili ng koponan ng Chicago Cubs sa 5th round (149th overall) ng Major League Baseball Draft. Mas nakilala din si Jeff sa larangan ng football.

Sa football, siya ay naging reserba ng dalawang season, kung saan may catching total siya ng 24 na pasa, habang di siya nakapagsimula hanggang 2005 Insight Bowl sa katapusan ng kanyang sophomore. Siya ay nakilala bilang magaling na manlalaro sa 2005 regular na season, kung saan siya ay gumawa ng 77 catches, 15 sa mag ito ay touchdown sa 1215 yards.

Siya ay gumawa ng single-season school records sa receiving yardage at touchdown receptions. Si Samardzija ay may touchdown pass sa walong unang laro sa Notre Dame's noong 2005, nagbigay sa kanya ito ng school record para sa magkakasunod na laro at touchdown reception. Si Samardzija ay gumawa ng 78 catches sa 1,017 yards at 12 touchdowns sa 13 laro ng 2006 season at nagtapos bilang all-time Fighting Irish leader para sa reception yards na may sukat na 2,593.[1]

Ang anak nila Sam Sr. at ng yumaong si Debora Samardzija na si Jeff ay napili bilang tatlo sa mga finalist para sa Fred Biletnikoff Award, na ibinibigay kada taon sa pinakamagaling na wide receiver ng bansa. Bagamat siya ay nagplano na maglalaro ng sabay sa NFL at MLB, matapos ang pagdraft niya sa baseball, inihayag niya na aalisin na niya ang kanyang pangalan sa NFL draft at magcoconcentrate na lang sa paglalaro ng baseball.

Propesyunal na karera

baguhin

Noong Enero 19, 2007, si Samardzija ay nagapahayag ng pagbitiw sa National Football League Draft at ituon ang sarili sa kanyang karera sa baseball.Si Samardzija ay pumirma na ng limang taong kontrata para sa paglalaro ng full-time sa baseball at starting para sa koponan ng Chicago Cubs. Ang pagpirma sa kontrata ay nagkakahalaga ng kabuuang $16.5 milyon. [1] Si Samardzija ay inanasahang magiging first round prospect para sa 2007 NFL Draft ni Guru Mel Kiper, Jr. Subalit ayon kay Peter Gammons ng ESPN, mas may potensiyal si Samardzija bilabng starting pitcher sa baseball.[kailangan ng sanggunian]

Si Samardzija ay nagsimulang maglaro bilang pitcher para sa Chicago Cubs organization sa Daytona Cubs single-A team. Ang kanyang unang laro ay nagtagal ng 5 innings at nagbigay sa koponan ng isang earned run. Siya ay pinatawag noong ikatlo ng Agosto matapos gumawa ng record na may 3-8 kasama ang 4.95.[2].

Bagamat maraming haka-haka sa pagtanggi ni Samardzija sa NFL, madami din ang nagsabi na mapapabilang siya sa 2007 NFL Draft. Subalit hindi siya napabilang sa nakaraang NFL draft at itinuturing ng NFL na free agent

Personal

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
baguhin