Jennylyn Mercado

Pilipinang aktres at mang-aawit

Si Jennylyn Mercado-Ho (ipinanganak 15 Mayo 1987) ay isang artista sa Pilipinas. Nakilala siya pagkatapos manalo sa unang season ng StarStruck, isang reality show ng GMA Network na naghahanap ng mga bagong artista sa Pilipinas.

Jennylyn Mercado
Kapanganakan
Jennylyn Anne Pineda Mercado

(1987-05-15) 15 Mayo 1987 (edad 37)
NasyonalidadPilipino
TrabahoAktres, mang-aawit
Aktibong taon2002–kasalukuyan
AsawaDennis Trillo (2021-kasalukuyan)
Anak1

Bago ang pagpasok sa show business

baguhin

Nagtrabaho ang nanay ni Mercado sa Dubai at iniwan sa pag-iingat ng kanyang amain. Ngunit naging biktima siya ng pag-aabuso noong bata siya sapagkat palagi siyang binubugbog ng kanyang amain. Naiulat pa nga ang pang-aabuso na ito sa mga pahayagan sa Pilipinas noong 4 Mayo 1991. Nabilanggo ang kanyang amain dahil dito, ngunit nakalabas din dahil sa pyansya ng kanyang ina.

Nanirahan na sa London ang kanyang ina at may sarili nang pamilya. Dahil dito, inampon siya ni Lydia Mercado, ang kanyang tiyahin. Naisa-drama ang bahaging ng kanyang buhay sa programang Magpakailanman, isang palabas ng GMA Network.

Dahil sa kanyang karanasan sa pagiging naaabusong bata, sinusubukan niyang magsimula ng isang foundation na tumutulong sa mga batang biktima ng pang-aabuso.

Karera sa pag-arte at pag-awit

baguhin

Pagkatapos manalo sa StarStruck, lumabas siya sa iba't ibang palabas sa telebisyon, pelikula, at nagkaroon din ng album. Isa sa mga natatangi niyang pagganap ang karakter na Milagros/Lira sa programang Encantadia.

Nitala sa #9 (2004), #10 (2005) #6 (2006) at #8 (2007) si Mercado sa FHM Philippines 100 Sexiest Women in the World.

Telebisyon

baguhin

Pelikula

baguhin

Mga Parangal

baguhin
  • 2004 Breakthrough Artist sa SOP Music Awards at CandyMag Awards.
  • Binoto bilang Most Popular Female Young Star and Most Popular Loveteam (kasama si Mark Herras) sa 2004 YesMag Reader's Choice Awards.
  • Pinangaralan sa 2004 Guillermo para sa Most Popular Loveteam of RP Movies
  • 2005 Awit Awards winner para sa Best Performance by a Duet, para sa awiting, "If I'm Not In Love With You" kasama si Janno Gibbs na mula sa kanyang unang album na Living the Dream.

Kawing panlabas

baguhin