Ang Jijel (Arabe: جيجل‎, dating kilala bilang Ighil Gili[kailangan ang sanggunian] o Djidjelli) ay kabisera ng Lalawigan ng Jijel sa hilaga-silangang Alherya. Hinahangganan ito ng Dagat Mediteraneo sa rehiyon ng Corniche Jijelienne, at may populasyon ito na 131,513 sang-ayon sa senso noong 2008.

Jijel

جيجل
ⴶⵉⴶⴻⵍ
commune of Algeria
Map
Mga koordinado: 36°49′14″N 5°46′00″E / 36.8206°N 5.7667°E / 36.8206; 5.7667
Bansa Algeria
LokasyonJijel District, Lalawigan ng Jijel, Algeria
Itinatag1907
Lawak
 • Kabuuan62.38 km2 (24.09 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2008, Senso)
 • Kabuuan131,513
 • Kapal2,100/km2 (5,500/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00
Websaythttp://www.wilaya-jijel.dz/jijel/

Ang Jijel ay sentro ng administratibo at pangangalakal para sa rehiyong bihasa sa pagpo-proseso ng tapon (cork), pagta-tan ng katad, at paggawa ng asero. Kabilang sa mga lokal na pananim ay citrus at angkak. Mahalaga rin ang pangingisda. Naaakit ang mga turista (karamiha'y mga Alheryano) sa Jijel dahil sa tanawin at mga pinong buhangin na beach nito. Bilang isang bayang liwaliwan (resort town), may mga otel at restoran ang Jijel. Sa di-kalayuan matatagpuan ang mga puntod ng mga Phoenician.

Kasaysayan

baguhin

Unang tinirhan ang Jijel (Igilgili), ng mga tribong Berber. Isang trading post ng Phoenicia sa una,[1] sunud-sunod ipinasa kalaunan ang lungsod sa loob ng limang dantaon sa mga Romano (na may pangalang Igilgili), tapos ay sa mga Vandal, Bisantino, Arabo, sa Henobes at, sa ika-16 dantaon, kay Otomanong Almirante Hayreddin Barbarossa.

Noong Hulyo 1664, kinuha ng mga Pranses ang lungsod. Nabuo ang pagtutol sa ilalim ng direksyon ni Shaban Aga, at napalayas ang mga Pranses noong Oktubre ng taong iyon. Nanatiling kuta ng mga corsair ang Jijel hanggang sa bihagin ito ng mga Pranses noong 1839. Ang malakas na pambayang paglaban, na nilupig sa huli noong 1851, ay nagbunga sa pagtatayo ng tatlong kuta sa kahabaan ng katimugang hangganan nito gayundin kakaunting kolonisasyon. Winasak ito ng isang lindol noong 1856.

Tingnan din

baguhin

Mga pinagkunan

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Encyclopædia Britannica. 2002

Mga ugnay panlabas

baguhin