Johannes Stark
Si Johannes Stark (15 Abril 1874 – 21 Hunyo 1957) ay isang pisikong Aleman na nagwagi ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1919, para sa kanyang pagkakatuklas ng epektong Dopper sa mga canal ray at paghihiwalay ng mga linyang spektral sa mga elektrikong field. Siya ay malapit na nasangkot sa kilusang Deutsche Physik o Pisikang Aleman sa ilalim ng rehimeng Nazi. Mula 1933 hanggang sa kanyang pagreretiro noong 1939, si Stark ang nahalal na Pangulo ng Physikalisch-Technische Bundesanstalt habang pangulo rin ng Deutsche Forschungsgemeinschaft. Si Stark bilang editor ng Jahrbuch der Radioaktivität und Elektronik ay humiling sa hindi pa kilalang si Albert Einstein noong 1907 na ireview ang prinsipyo ng relatibidad. Tila napahanga si Stark kay Einstein at mas maagang akda ni Einstein na kanyang sinipi sa kanyang 1907 papel sa Physikalische Zeitschrift kung saan niya ginamit ang ekwasyong e0=m0c2 upang kwentahin ang elementaryong quantum ng enerhiya. Si Stark ay kalaunang naging anti-Einstein at propagandistang anti-relatibidad sa Kilusang Deutsche Physik.
Johannes Stark | |
---|---|
Kapanganakan | 15 Abril 1874 |
Kamatayan | 21 Hunyo 1957 | (edad 83)
Nasyonalidad | Germany |
Nagtapos | University of Munich |
Kilala sa | Stark effect |
Parangal | Nobel Prize in Physics (1919) |
Karera sa agham | |
Larangan | Physics |
Institusyon | University of Göttingen Technische Hochschule, Hannover Technische Hochschule, Aachen University of Greifswald University of Würzburg |
Doctoral advisor | Eugen von Lommel |
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.