Bugtong na Anak (Juan 3:16)

(Idinirekta mula sa John 3:16)

Ang Bugtong na Anak ay isang katawagan at pamagat kay Hesus na nabanggit sa Juan 3:16 ng Ebanghelyo ni Juan, na nasa Bagong Tipan ng Bibliya. Nilalarawan ng titulong itong para kay Hesukristo na, ayon kay Juan ang Ebanghelista, ang monogenes o "monohenes", isang Griyegong salita na nangangahulugang "nag-iisa at walang katulad na iba". Ayon pa kay San Juan na Ebanghelista, natatangi si Hesus at siya lamang ang iisa at wala nang iba pang anak ng Diyos. Bukod dito, kaiba si Hesus mula sa lahat ng tao at nilalang, bagaman nilikha ng Diyos ang tao na kahawig o kahubog niya. Tumutugma ang paglalarawang ito ni San Juan Ebangelista sa kahulugan ng bugtong na nasa mga talahuluganan nina Leo James English at Charles Nigg, bilang nag-iisa, kaisa-isa, tangi, tanging-tangi, bukod-tangi, at solo.[1][2] Subalit idinugtong ni San Juan Ebanghelista na iisang supling na lalaki ng Diyos si Hesus na hindi "ginawa" bagkus ay nilikha na kapuwa kasama ng mga anghel at ng tao.[3]

Si Hesus bilang Bugtong na Anak at Salita ng Diyos. Iginuhit ng Rusong pintor na si Viktor Vasnetsov.

Juan 3:16

baguhin

Matatagpuan sa Juan 3:16 o Kabanata 3, taludtod bilang 16 ng Ebanghelyo ni Juan ng Bibliyang Kristiyano ang pariralang bugtong na Anak.[4] Ito ang taludturan o bersong tinawag na ang "Mabuting Balita sa loob ng isang balat ng mani"[5] dahil naglalaman ito ng kabuuran ng isa sa pinakamahalagang mga panuntunan o doktrina ng Kristiyanismo, na nilalahad ng paganito batay sa Bibliyang Tagalog na salin ni Jose C. Abriol:

Oo, gayon na lamang ang pagmamahal ng Diyos sa daigdig kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang ang lahat ng mga sumasampalataya sa kanya ay huwag mapahamak kundi bagkus magkamit ng buhay na walang hanggan.[6]

— Juan 3:16 (Abriol)

Kaugnay ng diwang ipinapahatid ng nasa itaas na sipi mula Juan 3:16 ang naunang mga taludtod na nagsasalaysay hinggil sa pakikipag-usap ni Nicodemo (o Nicodemus) kay Hesus sa Herusalem. Dumating at nakipag-usap kay Hesus si Nicodemo, na isang kasapi sa namumunong konseho ng mga Hudyo. Tinawag niyang rabino o rabbi si Hesus. Napaniwala ng mga himala ni Hesus si Nicodemo na ipinadala buhat sa Diyos si Hesus. Bilang tugon, nagpahayag si Hesus ng: "Tunay na tunay na sinasabi ko sa inyo na ang hindi isilang sa tubig at sa Espiritu ay hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos. Ang isisilang sa laman ay laman din; ang isinisilang sa Espiritu ay espiritu din (Juan 3:5-6). Binubuod ng Juan 3:16 ang mga turo o aral ni Hesus kay Nicodemo: na ang pananalig kay Hesus ang tanging daan patungo sa buhay na walang hanggan.[1]

Mga bersiyon sa Tagalog

baguhin

Bukod sa sipi mula sa Bibliyang salin ni Jose C. Abriol sa itaas, naririto ang ilan pang mga kinatawang halimbawa ng taludturang Juan 3:16 na naglalaman ng pariralang bugtong na Anak o kadiwang parirala, at nasa wikang Tagalog:

Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.[7][8][9]

— Juan 3:16 (BG/KS/ET)

Lubos na iniibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.[10]

— Juan 3:16 (JH/HB)

Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.[11]

— Juan 3:16 (TBW/Biblista)

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.[12]

— Juan 3:16 (BMBB/AngBiblia.net)

Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.[13]

— Juan 3:16 (Ang Dating Biblia, 1905)

Mga bersiyon sa ibang wikang Pilipino

baguhin

Narito ang ilang halimbawa ng bersiyon ng Juan 3:16 sa iba pang mga wika sa Pilipinas. Naglalaman ang mga ito ng kahawig na mga parirala ng bugtong na Anak:

Kay gihigugma gayud sa Dios ang kalibutan nga tungod niana gihatag niya ang iyang bugtong Anak, aron ang tanan nga mosalig kaniya dili malaglag, kondili may kinabuhing dayon.[14][15][16][17]

— Juan 3:16 (BK/SW77/CCEL/JA)

Kay ginahigugma gid sang Dios ang kalibutan sa bagay nga ginhatag niya ang iya bugtong nga Anak, agod nga ang bisan sin-o nga magtuo sa iya indi mawala kundi hatagan sing kabuhi nga wala sing katapusan.[18]

— Juan 3:16 (BG)

Uling king lugud ning Dios king yate, binye ne ing Anak nang bugtung, bang ing ninu mang maniwala keya, e ya mate nung e mirinan yang bye alang angga.[19]

— Juan 3:16

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Bugtong, bugtong (nilang) anak". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), lone, the only one, sole, pahina 227-228.
  2. Nigg, Charles. Bugtong na anak, only begotten child; bugtong, only, single, single, particular, individual, unique, rare, singular, alone, A Tagalog English and English Tagalog Dictionary, Imprenta de Fajardo y compañeros, 1904, orihinal mula sa Pamantasan ng Michigan, isinadihital noong 17 Pebrero 2006, nasa pahina 15, may 360 mga pahina.
  3. Pagels, Elaine. Jesus Christ is: unique, monogenes, only begotten, one of a kind, begotten, not made, God's only begotten offspring, Beyond Belief, The Secret Gospel of Thomas, pahina 67 at 173.
  4. Bugtong na Anak, katumbas ng only begotten Son, TopVerses.com
  5. "Gospel in a nutshell" Naka-arkibo 2008-02-11 sa Wayback Machine., Max Lucado Launches John 3:16 Movement, Christian Post, 8 Enero 2008
  6. Abriol, Jose C. (2000). "Juan 3:16, Juan 3:5-6, Si Nicodemus, Ang Huling Patotoo ni Hesus". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1562.
  7. Juan 3:16, BibleGateway.com
  8. Pugh, Bobbie Lee. Tagalog, Juan 3:16-18, John 3:16, 15 English-Language Versions, 18 Foreign-Language Versions, Kingdom Servants, KingdomServants.org, 15 Pebrero 2009.
  9. Juan 3:16, EveryTongue.com
  10. Juan 3:16 (John 3:16), Tagalog (John and James) Bible, Tennessee, HtmlBible.com, JohnHurt.com
  11. AngFrayle. Ang Pagtataas ng Anak ng Tao (Juan 3:14-21); Ang Sinabi ni Hesus kay Nicodemo, The Bible Workshop, Biblista.net, 9 Marso 2009
  12. "[http://angbiblia.net/juan3.aspx Juan 3:16]". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008. {{cite ensiklopedya}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Long, Dolores; Long, Richard (1905). "Juan 3:16". Ang Dating Biblia (Ang Biblia/Ang Biblia Tagalog), wika: Tagalog/Pambansang Wika ng Pilipinas, nasa dominyong publiko. Online Bible, Byblos.com.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Juan 3:16, sa Cebuano, BibleKeeper.com
  15. Juan 3:16, sa Cebuano, Software77.com
  16. Juan 3:16, sa Cebuano, CCEL.org
  17. Juan 3:16, sa Cebuano, Jesus Army, Jesus.org.uk
  18. Juan 3:16, sa Hiligaynon, BibleGateway.com
  19. [1], king Kapampangan, biblesupport.com