Johnny Alegre Affinity

malikhaing pangkat ng jazz

Ang Johnny Alegre AFFINITY ay isang pangkat na jazz na nagmumula sa Pilipinas. Pinangungunahan ito ng gitarista at kompositor na si Johnny Alegre, kasama ang bahista na si Colby de la Calzada, tambulero na si Koko Bermejo, pianista na si Elhmir Saison at saxoponista na si Tots Tolentino. Ang grupo ay unang nagtipon noong Mayo 2002 sa Pink Noise Studios sa Maynila para sa isang komposisyon ni Alegre, "Stones of Intramuros", upang isama ito sa Adobo Jazz: A Portrait of the Filipino as a Jazz Artist (Vol. 1), isang jazz anthology CD. Magmula noon ay nagpatuloy na ang grupo bilang isang namumuhay na pangkat. Ang unang pagpapakilala nila sa publiko ay noong Oktubre ng parehong taon na iyon, para sa paglulunsad ng Adobo Jazz sa Monk's Dream Jazz Bar sa Makati. Ang kanilang pagpapakilala ay taos na tinanggap ng mga aficionado, na inihayag sila bilang "Jazz Superband ng Kamaynilaan", na kinalolooban ng isang katangi-tanging "power trio".

Johnny Alegre AFFINITY
Johnny Alegre AFFINITY
Mga kauna-unahang miembro, L-R: (nakaupo) Tots Tolentino, (nakatayo) Johnny Alegre at Colby de la Calzada, (nasa harapan) Elhmir Saison & Koko Bermejo
Kabatiran
PinagmulanPilipinas
GenreJazz
Taong aktibo2002 - kasalukuyan
Label
Miyembro
  • Johnny Alegre (gitara)
  • Colby dela Calzada (bajo)
  • Elhmir Saison (piano)
Dating miyembro
  • Tots Tolentino (sax)
  • Ria Osorio (orchestration)
  • Simon Tan (bajo)
  • Koko Bermejo (tambol)
Websitejohnnyalegre.com

Sa mga madaling takbo ng panahon, ang pangkat ay nabalatkayo sa samu't-saring mga anyo na sinaniban ng mga dalubhasa at bantog na musiko sa larangan ng jazz sa Pilipinas. Noong 2003, ang orihinal na quintet na nagtala ng "Stones of Intramuros" ay bumalik muli sa studio upang maglapat ng mga karagdagang komposisyon ni Alegre; at nasundan pa ng mga sunud-sunod pang mga recording hanggang humantong sa pagbubuo ng kanilang "eponymous album", Johnny Alegre AFFINITY, na sa mabuting-palad ay itinaguyod ng record label na Candid Records hindi lang sa Maynila kundi rin sa Londres, Inglatera at pinangalanang Jazzhound.[1]

Nasimulan silang itambal sa mga sikat na taunang jazz festival, umpisa sa Fête de la Musique at ang Korg Music Festival, at mula noon ay nagtuloy-tuloy na. Noong Nobyembre ng 2003, ipinamalas ng Johnny Alegre AFFINITY ang kanilang kakayahan sa harap ng isang masigasig na madla sa U.P. Theater (ang tanghalan ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman); kasunod ng isang malawakang pagsisimpapawid nito sa pambansang telebisyon. Ang buong palatuntunan na ito ay sunod na inilimbag bilang isang DVD ng sponsor na Upsilon Sigma Phi fraternity – at naisama din sa isang makasaysayang dokumentaryo ng Jazz Society of the Philippines.

Noong 2004, ang Johnny Alegre AFFINITY ay muling naging pangunahing tampok sa dalawang konsiyerto, ang Makati Jazz Festival sa pagdiriwang ng kanilang Foundation Day, at ang 2nd Manila Jazz Festival, na katulad ding nagbigay-pugay sa lungsod.

Noong 2005, sa dahilan ng kamangha-manghang mga benta ng kanilang album, isinaayos ng Candid Records ang "jazz superband" maglunsad ng isang pormal pagtatanghal na Ayala Museum sa Makati. Ito ay sinundan pa ng isang katumbas na pagtatanghal sa PizzaExpress Jazz Club ng London.

Ang grupo ay naging tapok na panauhin sa 3rd Manila Jazz Festival ng Jewelmer Corporation[2] na nagbigay-bunga din sa kanilang pagkakalahok sa DVD nito, na naipamahagi nang malawakan. Noong Disyembre 2007, ang kasunod na album ng Johnny Alegre Affinity, pinamagatang "Eastern Skies", ay inilunsad muli ng Candid Records, tampok ang mga panibagong katha ni Alegre, na pinangasiwaan ng arranger na si Ria Villena-Osorio para sa isang orchestra sa ilalim ng baton ng konduktor na si Gerard Salonga.

Mga Nominasyon

baguhin
Taon PARI Pinagtanghalan Kategorya Nominasyon Resulta
2005 18th Awit Awards AFP Theater Best Jazz Album Johnny Alegre AFFINITY Nominado
2008 21st Awit Awards Eastwood Central Plaza Best Jazz Recording Beacon Call Nominado

Mga Gantimpala

baguhin
Taon Tagapagbigay Pinagtanghalan Gantimpala
2006 WWF Philippines Ayala Tower One Award Of Excellence for Exemplary Musicianship of "For A Living Planet"
2013 8th Philippine International Jazz and Arts Festival Sofitel Philippine Plaza Manila Icon Award
2014 Aliw Awards Newport Performing Arts Theater Best Instrumentalist[3][4][5]

Diskograpiya

baguhin
Album Katalogo/UPC Label Taon
Stones of Intramuros (single) Track 9

Adobo Jazz: A Portrait of the Filipino as a Jazz Artist, Vol. 1

IndiRa Records 2002
Johnny Alegre AFFINITY[6] CAN-KC-5001 Candid 2005
Jazzhound (UK release)[7] CCD-79842 Candid 2005
Jazzhound (radio edit, single) Track 4

ENVIRONMENTALLY SOUND: A Select Anthology of Songs Inspired by the Earth[8]

WWF 2006
Eastern Skies[9] CAN-KC-5006 Candid 2007
Stories[10] UPC:00602537694600 MCA 2014

Videograpiya

baguhin
Pamagat Mga Musiko Direktor Producer Genre Taon Bansa
Jazz in Time: Commemorative Concert XII[11] Johnny Alegre, guitar ♦ Colby dela Calzada, contrabass ♦ Koko Bermejo, drums ♦ Elhmir Saison, piano ♦ Tots Tolentino, alto sax Fritz Ynfante Upsilon Sigma Phi jazz concert 2003 Philippines
Jazzhound official music video[12] Johnny Alegre, guitar ♦ Colby dela Calzada, contrabass ♦ Koko Bermejo, drums ♦ Elhmir Saison, piano ♦ Tots Tolentino, alto sax Fritz Ynfante (concert footage)
Wilfred Galila (video montage)
Mowelfund
PH AFFINITY Productions
music video 2005 Philippines
3rd Manila Jazz Festival[13] Johnny Alegre, guitar ♦ Simon Tan, contrabass ♦ Koko Bermejo, drums ♦ Elhmir Saison, piano ♦ Tots Tolentino, alto sax Angela Poblador Jewelmer International Corporation jazz concert 2005 Philippines
Pinoy Jazz: The Story of Jazz in the Philippines[14] Johnny Alegre, guitar ♦ Colby dela Calzada, contrabass ♦ Koko Bermejo, drums ♦ Elhmir Saison, piano ♦ Tots Tolentino, alto sax Collis Davis Richie Quirino,[15] Collis Davis documentary 2006 Philippines
Fête de la Musique 2011[16] Johnny Alegre, guitar ♦ Colby dela Calzada, electric bass ♦ Mar Dizon, drums Franz Lawrence Tan Fête de la Musique[17] jazz concert 2011 Philippines
Tiendesitas Super Jazz Weekend[18] Johnny Alegre, guitar ♦ Yuna Reguerra, electric bass ♦ Wendell Garcia, drums ♦ Elhmir Saison, keyboards Dondi Santos Tiendesitas jazz concert 2014 Philippines
Beacon Call[19] Johnny Alegre, guitar ♦ Colby dela Calzada, contrabass ♦ Koko Bermejo, drums ♦ Joey Quirino, piano ♦ Ria Villena-Osorio, orchestration ♦ Gerard Salonga, conductor MCA Music Philippines PH AFFINITY Productions sampler 2014 Philippines

Batayan

baguhin
  1. "Johnny Alegre - Jazzhound". store.candidrecords.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Jewelmer Hosts 3rd Manila Jazz Festival". JCK The Industry Authority. 2005-11-01. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "2014 Aliw Awards". The Philippine Star. 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Jed Madela wins top honor at 27th Aliw Awards". Philippine Entertainment Portal. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-03-06. Nakuha noong 2021-04-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Full List of Winners of 27th Aliw Awards". lionheartv.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Johnny Alegre – Affinity (2005, CD) (sa wikang Ingles)
  7. Johnny Alegre Affinity - Jazzhound | daddykool (sa wikang Ingles)
  8. "The Harmonics of being Environmentally Sound". en:World Wildlife Fund - Philippines. 18 Agosto 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Hulyo 2011. Nakuha noong 30 Hunyo 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Johnny Alegre – Eastern Skies (2007, CD) (sa wikang Ingles)
  10. "Album Review: Stories by Johnny Alegre Affinity". Adobo Magazine. Hunyo 2, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Torrevillas, Domini M. "Upsilon mystique". Philstar.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Johnny Alegre AFFINITY: "Jazzhound" (Music Video) (sa wikang Ingles)
  13. "Jewelmer Hosts 3rd Manila Jazz Festival" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Pinoy Jazz: The Story of Jazz in the Philippines". www.cultureunplugged.com.
  15. Carol (2015-09-08). "A Filipino Jazz Musician and Jazz Journalist". Turning East (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Affinity - Fete Dela Musique 2011 - Jazzhound (sa wikang Ingles)
  17. "Fete De La Musique 2011". Philippine Concerts (sa wikang Ingles). 2011-06-24. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Johnny Alegre Affinity at Tiendesitas Super Jazz Weekend (sa wikang Ingles)
  19. Beacon Call, Johnny Alegre "Stories" sampler (sa wikang Ingles)

Mga kapaki-pakinabang na URL

baguhin