Si Jonas (Ingles:Jonah) ayon sa Bibliya ang pangunahing tauhan sa Aklat ni Jonas na inutusan ni Yahweh na humula laban sa kasamaan ng mga mamamayan ng Nineveh na kabisera ng Imperyong Neo-Asirya na wumasak sa Kaharian ng Israel (Samaria) at nagpatapon ng mamamayan nito sa Asirya noong ca. 722 BCE. Ayon sa 2 Hari 14:25, ang isang Jonas ay humula sa pamumuno ni Jeroboam II ca 785 BCE. Gayunpaman, pinaniniwalaan ng mga iskolar na ang Aklat ni Jonas ay isinulat pagkapatapos ng Pagpapatapon sa Babilonya ng mga mamamayan ng Kaharian ng Juda ng Imperyong Neo-Babilonya noong ika-6 siglo BCE o maaari pang noong ika-4 siglo BCE[1]

Sa Aklat ni Jonas

baguhin

Ayon sa Aklat ni Jonas na isinulat pagkatapos ng pagpapatapon sa Babilonya, inutusan ni Yahweh si Jonas na tumungo sa Nineveh upang humula laban sa kasamaan ng mga mamamayan ng lungsod ng Nineveh. Gayunpaman, siya ay tumakas kay Yahweh at tumungo sa Jaffa at naglayag sa Tarshish. Nang magkaroon ng malakas na bagyo, ang mga tao sa barko ay nagpalabunutan at nalamang si Jonas ang sanhi ng bagyo. Siya ay itinapon sa dagat at ang bagyo ay huminto. Pagkatapos siya ay milagrosong kinain ng malaking isda at nasa loob ng tiyan nito sa loob ng 3 araw at 3 gabi. Nanalangin si Jonas kay Yahweh at inutusan ni Yahwen ang isda na isuka si Jonas. Muling inutusan ni Yahweh si Jonas na tumungo sa Nineveh at humula na ang Nineveh ay wawasakin ni Yahweh sa 40 araw. Ang hari ng Asirya at mga mamamayan ay nag-ayuno, nagsuot ng sako, at nagsisi sa kanilang kasalanan at hindi na itinuloy ni Yahweh ang pagwasak sa Nineveh.

Mga sanggunian

baguhin