Jorge Isaacs
Jorge Isaacs
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Ang pangalang ito ay gumagamit ng Kastilang kaugalian sa pagbibigay ng pangalan: ang una o apelyido ng ama ay Isaacs at ang pangalawa o apeyido ng ina ay Ferrer.
Talambuhay[baguhin]
Ang kanyang ama ay si George Henry Isaacs, isang English Jew mula sa Jamaica, unang nanahan sa Chocó, Colombia, naging mapalad sa pagmimina ng ginto at pangangalakal sa Jamaica. Lumipat sa Cali at naging Kristiyano, bumili ng “Colombian citizenship” mula kay Simon Bolivar. Naging asawa niya si Manuela Ferrer Scarpetta, anak ng opisyal ng Spanish Navy. Nagkaroon siya ng 2 haciendas malapit sa Cali - ang "La Manuelita" (ipinangalan sa kanyang asawa) at "El Paraíso" (naging “setting” ng María, at naging museo).
Si Jorge Isaacs ay ipinanganak sa Quibdo noong 1837; nag-aral sa Cali, Popayán, at Bogotá sa pagitan ng 1848 at 1852. Siya ay bumalik sa Santiago de Cali noong 1852 na hindi natapos ang kanyang baccalaureate. Noong 1854, lumaban siya ng pitong buwan sa Cauca Campaign laban sa diktadura ni Heneral José María Melo. Noong 1856, inasawa niya si Felisa González Umaña, na labing-apat na taong gulang noon at nagkaroon sila ng maraming anak.
Noong panahon ng Digmaang Sibil, naghirap ang kanyang pamilya; naging mangangalakal tulad ng kanyang ama; bumalik sa panitikan at sumulat ng mga tula at dulang may makasaysayang tema sa pagitan ng 1859 at 1860. Lumaban ulit siya noong 1860 kay General Tomás Cipriano de Mosquera, at sa Battle of Manizales noong Colombian Civil War. Noong 1861, namatay ang kanyang ama; nang natapos ang digmaan bumalik siya sa Cali upang pamahalaan ang mga negosyo ng ama, subalit nakita niya ang pagkabaon nito sa utang na nagpuwersa sa kanyang i-auction ang "La Rita" at "La Manuelita", at nabili ng industriyalistang si Santiago Eder.
Ang kanyang paghihirap ay nagpabalik sa kanya sa Bogotá, kung saan nakita niyang tinatangkilik ang kanyang pampanitikang pagsisikap. Ang mga miyembro ng kapisanang mambabasa "El Mosaico" ay naghandog na ilimbag ang kanyang mga tula matapos basahin ni Isaacs ang mga ito sa isa sa mga pulong nila. Ang kalipunang ito ay nailimbag sa ilalim ng pangalang Poesías noong 1864. Sa taong ito, naging tagapamahala/tagasiyasat siya ng paggawa ng “horse-path” sa pagitan ng Buenaventura at Cali, at nagsimulang magsulat ng María. Sa ganitong panahon din siya nagkaroon ng malaria.
Nang nailimbag ang María noong 1867, ito ay naging agarang tagumpay sa Colombia at iba pang bansa sa Latin America. Dahil dito, naging kilalang personalidad si Isaacs sa Colombia at ang bago niyang kabantugan ang nagpahintulot sa kanya upang simulan ang karera bilang mamamahayag at politiko. Bilang mamamahayag, pinamatnugutan niya ang pahayagang La República nang may mahinahong konserbatibong tunguhin, at naglimbag din siya ng mga ilang artikulo. Bilang isang politiko, siya ay sumanib sa Partidong Conservative, subalit lumipat sa Partidong Radical. Noong 1870, ipinadala siya sa Chile bilang konsul heneral. Sa pagbalik niya sa Colombia, naging aktibo siya sa politika ng Valle del Cauca, at kumatawan sa Kongresong Colombia, at noong 1876, lumaban ulit siya sa digmaang sibil. Subalit nagwakas ang kanyang karerang politika noong 1879 pagkatapos ng insidenteng pagpahayag niyang lider siya ng politika at militar ng Antioquia sa tugon sa konserbatibong pag-aalsa/paghihimagsik.
Pagkatapos ng kanyang pagritero sa politika, inilimbag noong 1881 ang kanyang unang canto ng tulang Saulo, kahit na hindi niya ito nakompleto. Ginalugad din niya ang Kagawarang Magdalena, ang hilaga ng Colombia, kung saan niya natagpuan ang mahahalagang karbon at deposito ng langis. Ginugol ni Isaacs ang natitirang taon ng kanyang buhay sa lungsod ng Ibagué sa Tolima kung saan siya nagplanong isulat ang kanyang makasaysayang nobela. Namatay siya sa sakit na malaria noong Abril 17, 1895.
Akdang Pampanitikan[baguhin]
Ang akdang pampanitikan ni Isaacs ay binubuo ng kanyang aklat ng mga tula na nailimbag noong 1864 at ang kanyang tanging nobelang María (1867), ay winawaring isa sa mga pinaka-ulirang katha ng Hispano Amerikanong panitikan ng ika-19 na daang taon. Ang aklat, batay sa romantikong karanasan, ay may malungkot na tinig, at nagpapahayag ng kuwento ng kasindaksindak na pagmamahalan nina Maria at kanyang pinsang si Efrain sa Valle del Cauca. Gaya ng may-katha, kailangang lisanin ni Efrain ang Valle del Cauca (kung saan niya iniwan si Maria) upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa Bogota. Namuhay sila na magkasama ng mga ilang buwan, pagkatapos ay kinailangan ng magbiyahe ni Efrain sa London para tapusin ang pag-aaral. Nang bumalik siya pagkatapos ng anim na taon, nagkaroon siya ng relasyon kay Maria. Pinagtitibay ng ibang awtor na ang karakter ni Maria ay naging inspirasyon ni Maria Mercedes Cabal na nanahan sa "El Paraiso" or "Paradise" at naging asawa ni Pangulong Manuel Maria Mallarino.[1]
Ang akda ay ikinumpara sa Chateaubriand, subalit may hindi magandang damdamin ng pagtangkilik kawangis ng kay Edgar Allan Poe. Ang nobela ay kilala dahil sa damdamin ng tanawin gayundin sa masining na kalidad ng pagsulat. Ito ay mawawaring nangunguna sa mga criollist na aklat ng 1920s at 1930s.
Ang Maria ay inilimbag noong 1867 at nagkaroon kapagdaka ng tagumpay. Ito ay naisalin sa 31 lengguwahe. Sa Colombia at iba pang bansa sa Latin America, naging kilalang magaling na anyo si Isaacs. Ito ay humantong sa paglawak ng kanyang karera bilang mamamahayag at politiko.
Mga Sanggunian[baguhin]
1. Jump up^ Alvarez d'Orsonville,J M. Colombia literaria, reportajes, Volumen 1. Biblioteca de autores contemporáneos. Colombia literaria, reportajes, Editor Ministerio de Educación Nacional, División de Extensión Cultural, Colombia, 1956.
• Arciniegas, Germán. Genio y figura de Jorge Isaacs. Buenos Aires, 1967.
• Beane, Carol. "Black Character: Toward a Dialectical Presentation in three South American Novels". En Voices from Under: Black Narrative in Latin America and the Caribbean. Ed. William Luis. Westport: Greenwood Press, 1984: 181–198.
• Brown, Donald F. "Chateaubriand and the Story of Feliciana in Jorge Isaacs' María." MLN 62 (1947): 326–329.
• Carvajal, Mario. Vida y pasión de Jorge Isaacs. Manizales, 1937.
• Embeita, María J. "El tema del amor imposible en María de Jorge Isaacs". Revista Iberoamericana 32 (1966): 109–112.
• Lindstrom, Naomi. Early Spanish American Narrative. Austin: University of Texas Press, 2004; sobre Isaacs, 130–137.
• Magnarelli, Sharon. "María and History". Hispanic Review 49 (1981): 209–205.
• Magnarelli, Sharon. "The Diseases of Love and Discoure La tía Julia y el escribidor and María". Hispanic Review 54.2 (Spring 1986): 195–205.
• Magnarelli, Sharon. "The Love Story: Reading and Writing in Jorge Isaac's María". The Lost Rib: Female Characters in the Spanish American Novel. Lewisburg: Bucknell University Press, 1985: 19–37.
• Pupo-Walker, Enrique. "Jorge Issacs". Latin American Writers Vol. 1. Ed. Solé/Abreu. NY: Charles Scribner's Sons, 1989: pp. 247–251.
• Reyes, Alfonso. "Cartas de Jorge Isaacs". Obras completas de Alfonso Reyes. Vol. 4. México: Fondo de Cultura Mexicana, 1955: 327–34.
• Sánchez, Luis Alberto. "Jorge Isaacs". Escritores representativos de América. 3 vols. Segunda edición. Madrid: Gredos, 1963: II: 132–146.
• Sommer, Doris. "El Mal de María: (Con)fusión en un romance nacional". MLN 104.2 (1989): 439–474.
• ---. "María's Disease: A National Romance (Con)Founded". Foundational Fictions. The National Romances of Latin America. Berkeley: University of California Press, 1991.
• Trigo, Benigno. "Weaning the Virile Subject: Gender and Crisis in José María Samper y Jorge Isaacs". Subjects of Crisis: Race and Gender as Disease in Latin America. Hanover: Wesleyan University Press/University Press of New England, 2000: 47–68.
• Williams, Raymond Leslie. "The Problem of Unity in Fiction: Narrator and Self in María." MLN 101.2 (1986): 342–353.
• Williams, Raymond Leslie. "The Greater Cauca Tradition: From María (1867) to El bazar de los idiotas (1974)". The Colombian Novel, 1844–1987. Austin: University of Texas Press, 1991.
Mga Panlabas na Kawing [baguhin]
• Biography – in Spanish
• Online edition of María – in Spanish
• María as a free ebook (@Feedbooks) – in Spanish
• El Paraíso Museum photo gallery