José Martí
Si José Julián Martí Perez o mas kilala bilang José Martí (Enero 28, 1853 - Mayo 19, 1895) ay kilalang Pambansang Bayani ng Cuba sa kanyang natatanging kabayanihan upang mapalaya ang Cuba sa kamay ng Kolonyal na Pamahalaan ng Espanya. Ang kabayanihang ito ang naging mitsa ng kanyang kamatayan. Kilala rin siyang Ama ng Modernismo sa Amerikang Latino sa kanyang mga natatanging mga gawang pampanitikan katulad ng Nuestra América (Ating Amerika) at Versos Sencillos (Mga Simpleng Berso). Ang Versos Sencillos ay ginawang kanta na pinangalanang Guantanamera.[1]
Talambuhay
baguhinKabataan (1853-1871)
baguhinSiya ay pinanganak noong Enero 28, 1853 sa Havana. Ang kanyang ama ay si Mariano Martí Navarro na nagmula sa Valencia, Espanya; si Leonor Pérez Cabrera na kanyang ina ay nanggaling sa Isla ng Canarias, Espanya. Si Martí ang panganay sa pamilya; sumunod sa kanya ang kanyang pitong kapatid na babae. Napakahirap ng pamilya niya kaya kailangan nilang magkakapatid na magtrabaho para makaraos sa buhay.[2]
Naimpluwensiyahan ni Rafael María Mendive, isang tagasuporta ng kasarinlan ng Cuba, ang utak ni Martí sa aspektong politikal. Dahil dito'y itinatag niya ang kanyang unang pahayagan, Patria Libre (Malayang Bansa) noong Enero 1869. Ngunit naakusahan ni Mendive na naroon siya sa isang protesta laban sa Espanya. Dahil doo'y naipatapon siya sa Espanya. Naaresto naman si Martí ng pagsusulat ng liham na kung saan ay umaakusa sa dating kaibigan na ito ay diumano'y tagasuporta ng Espanya. Dahil dito'y nasentensyahan siya ng limang taon sa kulungan. Ngunit siya ay pinatapon sa San Lázaro sa Havana. Makalipas ang ilang panahon, dahil na rin sa impluwensya ng kanyang ama, ipinadala na lamang siya sa Espanya noong 1871 sa kondisyon na hindi siya babalik sa Cuba.[3]
Paninirahan sa labas ng Cuba (1871-1878)
baguhinNanirahan si Martí sa Madrid. Natapos niya ang pag-aaral sa pag-aabogasya noong 1874. Lahat ng oras ay iginugol niya sa pagsusulat ng mga artikulo, mga tula, at mga dula. Noong mga taong 1875, nagpunta siya sa París kung saan naninirahan ang kanyang mga magulang. Doon nakapagsulat siya ng mga artikulo sa Revista Universal. Nakagawa din siya ng salin ng gawa ni Victor Hugo Mes Fils (Ang Aking Mga Anak na Lalaki). Nakasulat din siya ng sarili niyang dula na naaayon sa estilo ni Victor Hugo na ang pamagat ay Amor con amor se paga (Nababayaran ng pag-ibig ang pag-ibig).[4]
Bumalik siya sa Cuba gamit ang maling pangalan. Sandali lamang siya roon at nanirahan siya sa Guatemala kung saan siya naging guro ng wika at pilosopiya. Doon din niya nakilala ang mapapangasawa niya, si Carmen Zayas Bazán. [5]
Pagbabalik sa Cuba (1878-1879)
baguhinNoong taong 1878, nakabalik si Martí sa Cuba sa pamamagitan ng amnestiya. Nagtrabaho siya bilang tagasulat sa isang kumpanya na ang may-ari ay si Nicolás Ascárate, isang tagasuporta ng kasarinlan sa Cuba. Dahil sa impluwensiya ni Ascárate, gumawa na naman siya ng mga hakbang tungo sa kasarinlan. Ang bunga ay pagpapabalik muli sa Espanya. Iniwan niya ang kanyang asawa noong 1879. [6]
Ikalawang paninirahan sa labas ng Cuba (1879-1895)
baguhinSandali lamang siya sa Espanya. Sa pamamagitan ng París, nakapunta siya sa Bagong Mundo. Nakarating siya sa New York. Naging pangulo siya ng komiteng panghimagsikan ng Cuba sa New York. Naging manunulat din siya doon upang maipaabot sa mga Kubano ang adhikaing kasarinlan. Dahil dito ay naging sikat siya sa Estados Unidos at Timog Amerika. [7]
Noong Enero 1890, itinatag niya ang La Liga de Instrucción (Ang Liga ng Edukasyon) upang magsilbing paaralan sa mga rebolusyonaryo. Itinatag din niya ang partido ng Rebolusyonaryong Kubano noong 1892. Kasabay ng pagtatatag ng partido ay itinatag din niya ang pahayagang Patria (Bansa). Nagpunta siya sa Santo Domingo para maging kumander. Nagpunta rin siya sa mga iba pang lugar sa Karibe at Timog Amerika. Sinabi niya na magsisimula ang himagsikan sa taong 1895.[8]
Digmaan para sa kasarinlan at kamatayan (1895)
baguhinNapasok niya ang isla ng Cuba noong Mayo taong 1895. Ngunit namatay siya sa isang digmaan noong Mayo 19, 1895.[9]
Mga sulat
baguhinVersos Sencillos
baguhinAng Versos Sencillos (Mga Simpleng Berso) ay may 46 na [[tula]. Bawat saknong ay may apat na linya. Bawat linya ay may 8 pantig. Ang mga tula ay punum-puno ng aliterasyon at tugma. Ang mga linya ng tulang ito ang naging batayan ng linya ng kantang Guantanamera. [10]
Marami itong temang nauukol sa politika tulad ng mga sumusunod na saknong: [11]
Oculto en mi pecho bravo
La pena que me lo hiere:
El hijo de un pueblo esclavo
Vive por él, calla y muere. [12]
Salin sa Tagalog:
Nakatago sa aking dibdib
Kalungkutang sumusugat rini:
Ang anak ng bayang alipin
Mabuhay para sa kanya, mamatay at manahimik
Marami pang ibang tula ang nagpapakita ng pagkamalikhain ni Martí sa paggamit ng mga iba pang mga tayutay at simbolismo: [13]
Todo es hermoso y constante,
Todo es música y razón,
Y todo, como el diamante,
Antes que luz es carbón.[14]
Salin sa Tagalog:
Ang lahat ay maganda at permanente,
Ang lahat ay musika at dahilan,
At ang lahat, katulad ng diyamante,
Ay karbon bago magliwanag.
Ang huli ay nagpapakita ito ng konseptong Parnasyanismo sa saknong na ito: [15]
Y antes de morirme quiero
Echar mis versos del alma.[16]
Salin sa Tagalog:
Nais ko bago mamatay
Magsulat ng berso ng aking kaluluwa
Nuestra América
baguhinAng sanaysay na Nuestra América (Ating Amerika) ay isinulat ni Jose Martí.[17] Maraming mga tema ang nakasaad sa sanaysay na ito sa mga sumusunod na pangungusap.
Ang unang tema ay ang paglaban sa mapang-abusong Kolonyal na Pamahalaan ng Espanya. Narito ang mga ilang pahayag ni Martí. Sumusunod sa mga tema ni Martí sa sanaysay na ito ay ang pag-iingat sa posibleng pangingialam ng Estados Unidos, o posibleng pananakop, sa mga bansa sa Amerikang Latino. Mayroon din siyang mga pahayag ukol sa pagtuturo ng kasaysayan. Nararapat daw na mas ituro ang kasaysayan ng mga kabihasnan sa Amerikang Latino, hindi ang mga sinaunang kabihasnan ng Europa. Sa huling bahagi ng kanyang sanaysay ay ipinahayag niya ang kanyang pangarap ng pagsibol ng isang bagong Amerika. Narito ang kanyang pahayag.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ http://web.newworldencyclopedia.org/entry/Jose_Marti[patay na link]
- ↑ Alborch Bataller, Carmen, ed. (1995), José Martí: obra y vida, Madrid: Ministerio de Cultura, Ediciones Siruela, ISBN 978-84-7844-300-0.
- ↑ Thomas, Hugh. 1971. Cuba: The Pursuit of Freedom. New York: Harper & Row Publishers.
- ↑ Thomas, Hugh.
- ↑ Thomas, Hugh.
- ↑ Thomas, Hugh.
- ↑ Thomas, Hugh.
- ↑ Thomas, Hugh.
- ↑ Thomas, Hugh.
- ↑ https://en.wikipedia.org/wiki/Simple_Verses
- ↑ http://groupsixjosemarti.blogspot.com/
- ↑ http://www.literatura.us/marti/sencillos.html
- ↑ http://groupsixjosemarti.blogspot.com/
- ↑ http://www.literatura.us/marti/sencillos.html
- ↑ http://groupsixjosemarti.blogspot.com/
- ↑ http://www.literatura.us/marti/sencillos.html
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-05-24. Nakuha noong 2018-05-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)