Juan Diego
Si Juan Diego Cuauhtlatoatzin o Juan Diego (1474–Mayo 30, 1548) ay, ayon sa tradisyon ng Katolikong Mehikano, isang katutubong Mehikano na nag-ulat ng isang aparisyon ni Santa Mariang Ina ng Guadalupe, noong 1531. Ang pagpapakita o pangitain ay nagkaroon ng mahalagang epekto sa paglaganap ng pananampalatayang Katoliko sa loob ng Mehiko. Ikinanonisa siya ng Simbahang Katoliko Romano noong 2002, bilang unang santong katutubong Amerikano.
San Juan Diego | |
---|---|
Ipinanganak | c. 12 Hulyo 1474[1] Calpulli ng Tlayacac, Cuauhtitlan, Mehiko |
Namatay | 30 Mayo 1548 Tenochtitlan, Lungsod ng Mehiko, Mehiko | (edad 73)
Benerasyon sa | Simbahang Katoliko Romano |
Beatipikasyon | Abril 9, 1990, Lungsod ng Batikano, Roma ni Papa Juan Pablo II |
Kanonisasyon | Hulyo 31, 2002, Basilika ng Guadalupe, Lungsod ng Mehiko, Mehiko ni Papa Juan Pablo II |
Pangunahing dambana | Basilika ng Guadalupe, Lungsod ng Mehiko, Mehiko |
Kapistahan | Disyembre 9 |
Katangian | tilma |
Ang katotohanan ng pag-iral ni Juan Diego ay pinag-alinlanganan ng ilang mga dalubhasa sa maagang pampananampalatayang kasaysayan ng Bagong Espanya kabilang na sina Bernardino de Sahagun, Joaquin Garcia Icazbalceta, Stafford Poole, Louise Burkhart at David Brading, na nangatwirang buo ang kawalan ng mga mapagkukunan hinggil sa pag-iral ni Juan Deigo bago ang paglalathala ng Nican Mopohua makaraan ang isang daantaon noong 1649 (hindi nila tinatanggap ang pagkatotoo ng Codex Escalada bilang katibayang pangkasaysayan).[2] Sa kabila ng mga pagdududang ito, ang mga pagkakatuklas ng isang pag-aaral na interdisiplinaryo, ng halos dalawang dosenang mga dalubhasa na kinasasangkutan ng isang bantog na pamantasang Mehikano at ng isang dalubhasa mula sa Estados Unidos na malam sa lingguwistika at antropolohiyang Mesoamerikano bago ang kapanahunan ni Christopher Columbus sa Kaamerikahan, ang nagpapahimatong ng pagiging tunay ng dokumento at pinagmulang petsa na nasa ika-16 na daantaon.[3][4]
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Santo at Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.