Kabaligtarang pamparami
Sa matematika, ang kabaligtarang pamparami (Ingles: multiplicative inverse), multiplikatibong inberso, o kabaligtaran (Ingles: reciprocal) ng isang bilang na x, sa anyong 1/x o x-1, ay ang bilang na kapag pinarami nang x na beses ay magreresulta sa 1. Ang kabaligtarang pamparami ng hatimbilang na a/b ay b/a. Para naman sa kabaligtarang pamparami ng isang tunay na bilang na x, hahatiin sa x ang 1. Halimbawa, ang kabaligtaran ng 5 ay 1/5 (o 0.2), at ang kabaligtaran naman ng 0.25 ay 1/0.25 (o 4).
Parehas lang ang pagpaparami sa isang bilang sa paghahati sa kabaligtaran nito. Ganon din ang kaso kung hahatiin naman ang bilang at paparamihin naman ang kabaligtaran nito. Halimbawa, ang sagot sa pagpaparami ng x nang 4/5 (o 0.8) na beses ay parehas lang sa paghahati sa x gamit 5/4 (o 1.25). Kaya naman, magreresulta sa orihinal na bilang ang pagpaparami sa isang bilang na sinundan ng pagpaparami sa sagot nito sa kabaligtaran nito (dahil ang produkto nila ay 1): .
Tingnan din
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.