Kabilisang radyal
Ang kabilisang radyal ay isang hagibis ng isang bagay sa direksiyon ng nakikitang linya (halimbawa, ang kanyang bilis na tuwid na papunta o papaalis mula sa tagatingin). Sa astronomiya, kadalasang tumutukoy sa espektroskopikong radyal na kabilisan. Ang espektroskopikong radyal na kabilisan ay isang nilalamang radyal ng kabilisan sa pinagkuhanan mula sa pinaglabasan at ang tagatingin sa obserbasyon, na nalalaman sa pamamagitan ng espektroskopiya. Ang astrometrikong radyal na kabilisan ay isang radyal na hagibis na nalalaman sa pamamagitan ng astrometrikong obserbasyon (halimbawa, isang sekular na pagbabagi sa isang taunang paralaks).[1]
Ang kabilisang radyal ng isang target na may kinalaman sa isang nagmamasid ay ang tulin ng pagbabago ng distansya o saklaw sa pagitan ng dalawang pook. Katumbas nito ang proyeksyon ng bektor ng target na nagmamasid na relatibong bilis sa relatibong direksyon na kumukonekta sa dalawang pook. Sa astronomiya, ang pook ay kadalasang sinasabi ang nagmamasid sa Daigdig, kaya pinapahiwatig ang kabilisang radyal ang tulin na lumalayo ang bagay mula sa Daigdig (o lumalapit ito, para sa isang negatibong kabilisang radyal).
Mga talaang paghahambing
baguhinBigat ng Planeta | Layo YA |
Kabilisang radyal (vradyal) |
Puna |
---|---|---|---|
Hupiter | 1 | 28.4 m/s | |
Hupiter | 5 | 12.7 m/s | |
Neptuno | 0.1 | 4.8 m/s | |
Neptuno | 1 | 1.5 m/s | |
Super Daigdig (5 M⊕) | 0.1 | 1.4 m/s | |
Alpha Centauri Bb (1.13 ± 0.09 M⊕) | 0.04 | 0.51 m/s | (1[2]) |
Super Daigdig (5 M⊕) | 1 | 0.45 m/s | |
Super Daigdig | 1 | 0.09 m/s |
Sanggunian:[3] Paunawa 1: Pinakatumpak na vradyal na pagsukat na naitala kailanman. Ginamit ang mga espektograpo ng HARPS ng ESO.[2]
Para sa mga bituing may uring MK na may planetang nasa sonang natitirhan
baguhinBigat ng Araw (M☉) |
Bigat ng Planeta (M⊕) |
Lum. (L0) |
Uri | RHAB (AU) |
vradial (m/s) |
Kapanahunan (araw) |
---|---|---|---|---|---|---|
0.10 | 1.0 | 8e-4 | M8 | 0.028 | 1.68 | 6 |
0.21 | 1.0 | 7.9e-3 | M5 | 0.089 | 0.65 | 21 |
0.47 | 1.0 | 6.3e-2 | M0 | 0.25 | 0.26 | 67 |
0.65 | 1.0 | 1.6e-1 | K5 | 0.40 | 0.18 | 115 |
0.78 | 2.0 | 4.0e-1 | K0 | 0.63 | 0.25 | 209 |
Sanggunian:[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ http://arxiv.org/abs/astro-ph/9907145 (sa Ingles)
- ↑ 2.0 2.1 "Planet Found in Nearest Star System to Earth" (sa wikang Ingles). European Southern Observatory. 16 Oktubre 2012. Nakuha noong 17 Oktubre 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ESPRESSO and CODEX the next generation of RV planet hunters at ESO" (sa wikang Ingles). Chinese Academy of Sciences. 2010-10-16. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-04. Nakuha noong 2010-10-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "An NIR laser frequency comb for high precision Doppler planet surveys" (sa wikang Ingles). Chinese Academy of Sciences. 2010-10-16. Nakuha noong 2010-10-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]