Kabinda
6°07′48″S 24°28′48″E / 6.13000°S 24.48000°E Ang Kabinda ay isang teritoryo, gayundin isang lungsod, sa Demokratikong Republika ng Congo. Ito ay ang kabiserang lungsod ng lalawigan ng Lomami. Tinatayang may 192,364 na katao ito noong 2010.[1]
Kabinda | |
---|---|
Mga koordinado: 6°07′48″S 24°28′48″E / 6.13000°S 24.48000°E | |
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo |
Lalawigan | Lalawigan ng Lomami |
Taas | 845 m (2,772 tal) |
Populasyon (2012) | |
• Kabuuan | 219,154 |
Sona ng oras | UTC+2 (Oras ng Lubumbashi) |
Pinaglilingkuran ito ng Paliparan ng Tunta. Bahagi ito ng Katolikong Romanong Diyosesis ng Kabinda.
Kasaysayan
baguhinMula 1966 hanggang 2015 bahagi ang Kabinda ng dating lalawigan ng Kasai-Oriental. Sa ilalim ng Artikulo Blg. 2 ng saligang-batas ng bansa,[2] inihati ito sa tatlong bagong lalawigan: ang bago at mas-maliit na Kasai-Oriental, ang Lalawigan ng Sankuru, at ang Lalawigan ng Lomami. Bunga nito, napaloob ang lungsod sa lalawigan ng Lomami at naging kabisera nito.
Ikalawang Digmaang Congo
baguhinNoong Ikalawang Digmaang Congo, lubhang napinsala ang Kabinda ng labanan sa pagitan ng mga puwersang Konggoles at rebeldeng Ruwandano, na pasulong sa kanluran patungo sa pook ng gumagawa ng mga diyamante sa paligid ng Mbuji-Mayi.[3] Pinaligiran at nilusob ng mga rebelde ang bayan sa loob ng dalawang taon, ngunit nanatili ito sa ilalim ng pamamahala ng pamahalan[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ World Gazetteer: Congo (Dem. Rep.): largest cities and towns and statistics of their population Naka-arkibo 2011-05-22 sa Wayback Machine. Mars 2011
- ↑ "Constitution de la République démocratique du Congo: Article 2". Wikisource.
- ↑ Gough, David (8 Setyembre 2010). "Congo war blamed for 2½ million deaths / Starvation, deprivation kill most -- fighting claims fraction of toll, study says". The San Francisco Chronicle.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ First reaching front-line hospital tell of starvation in Congo's interior Naka-arkibo 2012-04-01 sa Wayback Machine. Lubbock Online, May 6, 2001