Ang Kabwe ay ang kabisera ng Lalawigang Sentral (Central Province) ng Zambia sa katimugang Aprika, na may populasyon na 202,914 katao noong senso ng 2010. Ipinangalang Broken Hill hanggang sa taong 1966, itinatag ito noong natuklasan ang mga deposito ng tingga at sink noong 1902. May paggiit din ang Kabwe bilang lugar ng pagsilang ng politika ng Zambia sapagkat isa itong mahalagang sentrong pampolitika noong panahong kolonyal.[1] Isa itong mahalagang sentro ng transportasyon at pagmimina.

Kabwe
Ang cape fig tree ng Pambansang Bantayog ng Big Tree ay ang kapansin-pansing tampok sa kabayanan ng Kabwe.
Ang cape fig tree ng Pambansang Bantayog ng Big Tree ay ang kapansin-pansing tampok sa kabayanan ng Kabwe.
Kabwe is located in Zambia
Kabwe
Kabwe
Kinaroroonan sa Zambia
Mga koordinado: 14°26′S 28°27′E / 14.433°S 28.450°E / -14.433; 28.450
Bansa Zambia
LalawiganSentral
DistritoKabwe
Taas
1,182 m (3,879 tal)
Populasyon
 (Senso 2010)
 • Kabuuan202,914
Sona ng orasUTC+2 (CAT)
KlimaCwa

Maliban sa kinaroroonan nito sa pangunahing linyang daambakal mula Lusaka papuntang Copperbelt, ito ay nasa Great North Road.

Datos ng klima para sa Kabwe
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 32.4
(90.3)
31.5
(88.7)
32.6
(90.7)
33.0
(91.4)
31.5
(88.7)
30.4
(86.7)
29.6
(85.3)
33.4
(92.1)
36.3
(97.3)
38.6
(101.5)
37.5
(99.5)
34.1
(93.4)
38.6
(101.5)
Katamtamang taas °S (°P) 27.0
(80.6)
27.0
(80.6)
27.0
(80.6)
26.5
(79.7)
25.2
(77.4)
23.7
(74.7)
23.5
(74.3)
26.1
(79)
29.8
(85.6)
31.3
(88.3)
29.8
(85.6)
27.3
(81.1)
27.0
(80.6)
Arawang tamtaman °S (°P) 21.1
(70)
21.0
(69.8)
20.7
(69.3)
20.0
(68)
17.8
(64)
15.9
(60.6)
15.9
(60.6)
18.4
(65.1)
22.1
(71.8)
24.1
(75.4)
23.0
(73.4)
21.3
(70.3)
20.1
(68.2)
Katamtamang baba °S (°P) 17.3
(63.1)
17.4
(63.3)
16.5
(61.7)
14.4
(57.9)
11.4
(52.5)
13.1
(55.6)
8.7
(47.7)
10.9
(51.6)
14.5
(58.1)
17.1
(62.8)
17.6
(63.7)
17.5
(63.5)
14.7
(58.5)
Sukdulang baba °S (°P) 10.1
(50.2)
11.9
(53.4)
11.3
(52.3)
8.2
(46.8)
5.9
(42.6)
3.0
(37.4)
3.4
(38.1)
3.6
(38.5)
4.4
(39.9)
8.9
(48)
12.6
(54.7)
9.4
(48.9)
3.0
(37.4)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 234.4
(9.228)
179.4
(7.063)
100.6
(3.961)
27.5
(1.083)
4.4
(0.173)
0.1
(0.004)
0.0
(0)
0.1
(0.004)
0.7
(0.028)
18.1
(0.713)
91.2
(3.591)
251.2
(9.89)
907.8
(35.74)
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 1.0 mm) 20 16 11 3 0 0 0 0 0 2 10 19 81
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) 81.3 81.3 78.6 72.6 64.8 60.2 56.4 48.1 40.7 44.0 60.9 78.0 63.9
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 179.8 165.2 220.1 258.0 282.1 279.0 300.7 316.2 297.0 285.2 222.0 173.6 2,978.9
Sanggunian: NOAA[2]

Ekonomiya

baguhin

Ang pagpapasara sa minahan ay nagdulot ng ekonomikong paghina ng Kabwe.[3] Mayroon itong mga industriya ng paggawa tulad ng planta ng Zambia-China Mulungushi Textiles na itinatag kalakip ng pamumuhunang Tsino noong dekada-1980, ngunit pagkaraang nakaranas ito ng malaking kawalan isinara ang plantang ito (pansamantala ayon sa pamunuan) sa simula ng taong 2007.

Kabilang sa iba pang mga industriya ay mga gamot, paggawa ng at paghihiwalay ng mga bagay mula sa bulak, pagkukulay ng katad, at ang unang planta ng maiinom na tubig sa Kabwe (Aquador Purified Water).[3]

Sa silangan ng lungsod ay mga hidroelektrikong estasyon ng kuryente ng Saplad ng Mulungushi, Saplad ng Mita Hills at Talon ng Lunsemfwa na itinayo upang mabigyan ng kuryente ang minahan at lungsod.

Pumapaligid sa lungsod ang mga pangkomersiyo na lugar ng pagsasaka mga 10 kilometro mula sa sentro, at ang ugnayang daan at daambakal ay nagbibigay ng nakahandang puntahan sa mga pamilihan ng Copperbelt at Lusaka.

Mga sanggunian

baguhin
  1. The Times of Zambia online Naka-arkibo 2006-10-12 sa Wayback Machine., website accessed 8 March 2007: "Kabwe: the nucleus of national politics" by Kelvin Kachingwe.
  2. "Kabwe MET Climate Normals 1961–1990". National Oceanic and Atmospheric Administration. Nakuha noong Enero 22, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Zamnet Online News: Naka-arkibo 2007-10-23 sa Wayback Machine. "Kabwe: From discovery to recovery" (Daily Mail), website accessed 7 March 2007.

Mga kawing panlabas

baguhin
  •   Gabay panlakbay sa Kabwe mula sa Wikivoyage

14°26′S 28°27′E / 14.433°S 28.450°E / -14.433; 28.450


  1. http://citypopulation.de/Zambia-Cities.html