Yakitate!! Japan

(Idinirekta mula sa Kai Suwabara)

Ang Yakitate!! Japan (焼きたて!! ジャぱん nangangahulugang "Bagong Luto sa Hurno!! Hapon") ay isang seryeng manga sa Shonen Sunday ng Shogakukan, na nilikha ni Takashi Hashiguchi (橋口たかし). 21 grapikong nobela ang naipalabas hanggang Enero 2006. Para sa anime, 69 mga kabanata ang nalikha ng Sunrise, at pinalabas TV Tokyo at ibang mga lokal na estasyon mula Oktubre 2004 hanggang Marso 2006. Nakalisensiya ang seryeng manga ng VIZ Media.[1]

Yakitate!! Japan
Freshly Baked!! Ja-Pan
Ang pabalat ng unang tomo ng manga
焼きたて!! ジャぱん
DyanraComedy, Culinary
Manga
KuwentoTakashi Hashiguchi
NaglathalaShougakukan
MagasinShonen Sunday
Takbo20022007
Bolyum22 (patuloy pa)
Teleseryeng anime
DirektorYasunao Aoki
EstudyoSunrise
Inere saTV Tokyo, ibang rehiyonal na estasyon
 Portada ng Anime at Manga

Ang ABS-CBN ang siyang naghatid ng bersyon ng anime sa Pilipinas, una itong ipinalabas sa Hero TV noong 1 Enero 2006 at nagtatapos noong 2 Hunyo 2006 kasalukuyang ipinalalabas ito tuwing Lunes hanggang Biyernes. Ipinalabas na rin ito sa ABS-CBN noong 22 Abril 2006 hanggan sa kasalukuyan. Muli itong ipapalabas sa ABS-CBN simula sa 30 Hulyo 2007 sa ganap na ika-sampu ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes.

Buod ng kuwento

baguhin

Hindi gaanong matalino si Azuma ngunit mayroong mabuting puso at masidhing damdamin sa pagluluto sa hurno. Mula noong pagkabata, lagi siyang gumagawa ng mga masasarap na mga tinapay para ikatawan ang bansang Hapon sa buong mundo. Pumasok siya sa tindahan ng Pantasia para simula ang inaasam na tagumpay.

Mga nagboses at mga katulong sa produksiyon

baguhin

Mga nagboses sa wikang Hapon

baguhin

Mga nagboses sa wikang Tagalog, Cebuano, at Iba't Ibang Wika sa Pilipinas

baguhin

Mga katulong sa produsyon sa Pilipinas

baguhin

Pangbungad na sawikain sa Tagalog

baguhin

May English Bread, German Bread, at French Bread, pero bakit walang Japanese Bread? Kung ganoon, wala nang ibang paraan kundi ang likhain ito. Ang kuwentong ito'y seryoso, talambuhay ng isang batang nagtataglay ng Solar Hands, si Kazuma Azuma. Siya ang lilikha ng Japanese bread, o ng "Japan", para sa Japan at para sa mga Hapones na maipagmamalaki sa buong mundo. Magagawa niya kaya ito?.

Mga tribyal na impormasyon

baguhin
  • Sa Kabanata 7, sa reakyon ng tatlong judge sa Kabuyake Japan ni Kazuma. Ang kurtina sa eksena ay nangaling sa Mister Ajikko.
  • Sa Kabanata 7, sa bersyon animasyon ni Dr. Yukio Hattori, nasa judging panel at sinabi na siya ang pangulo ng Hattori College of Nutrition at siya ang hurado sa Iron Chef.
  • Sa Kabanata 29, may mga eksena si Yukino na gumanap bilang si Char Aznablesa ng Mobile Suit Gundam.
  • Sa Kabanata 44, may bahaging spoof ng Initial D at pinag-uusapan si Mikhail Schukapper tungkol sa kanyang nakaraan.
  • Sa Kabanata 47, may mga eksena si Kawachi Kyosuke na naging inpirasyon para sa tinapay na si Kakuei Tanaka (田中 角栄)Na namayapa noong Disyembre 16, 1993
  • Sa Kabanata 48, may mga eksena si Pierrot na nagpanggap bilang si Conan Edogawa ng Detective Conan.
  • Sa Kabanata 55, may mga eksena si Ryou Kuroyanagi na nagpanggap bilang si Son Goku ng Dragon Ball Z
  • Sa Kabanata 57, may mga eksena si Ryou Kuroyanagi na nagpanggap bilang si Monkey D. Luffy ng One Piece.
  • Sa Kabanata 59, may mga eksena si Kawachi Kyosuke na nagpanggap bilang si Uzumaki Naruto ng Naruto.
  • Sa Kabanata 59, may mga eksena si Kai Suwabara na nagpanggap bilang si Uchiha Sasuke pati ang kakayahan ni Sasuke at Naruto sa anime na Naruto.
  • Sa Kabanata 62, may mga eksena si Ryou Kuroyanagi na nagpanggap bilang si Anpanman ng Soreike! Anpanman.
  • Sa Kabanata 63, may mga eksena si Kawachi Kyosuke na nagpanggap sa playstation game bilang si ng Pepsi Man.
  • Sa Kabanata 63, sa bersyon animasyon ni Norihei Miki (三木 のり平), kalaban ni Kazuma at namayapa noong 1999.
  • Sa Kabanata 63, nagpakita ang anime tauhan na si Keroro.
  • sa Kabanata 68, Ang Isang Buong Kabanata Ay Naging Lord of the Rings.
  • Sa Kabanata 69, nagpakita ang anime tauhan na si Ash mula sa Pokemon