Ang Kakabakaba Ka Ba? ay isang nakakahimanting, nakakauyam at nakakatawang pelikulang pangmusika na nilikha sa ilalim ng direksiyon ni Mike De Leon. Ito ay pagbabalik na produksiyon para sa LVN Pictures na naging di-aktibo sa loob ng mga mararaming taon at para kay De Leon na gumawa ng pelikulang ito pagkatapos ng isang tatlong-taong hakdaw.[1]

Kakabakaba Ka Ba?
Ang paskil ng Kakabakaba Ka Ba?
DirektorMike De Leon
PrinodyusManuel De Leon
Encarnacion De Leon
SumulatClodualdo Del Mundo
Raquel Villavicencio
Mike De Leon
Itinatampok sinaChristopher De Leon
Charo Santos
Jay Ilagan
Sandy Andolong
MusikaLorrie Ilustre
SinematograpiyaRody Lacap
In-edit niIke Jarlego, Jr.
TagapamahagiLVN Pictures
Inilabas noong
8 Agosto 1980 (1980-08-08)
Haba
104 minuto
BansaPilipinas
WikaFilipino

Ito ay tungkol sa mga riwara ng dalawang tambal na talisuyo na naipit sa salimbayan ng putok sa pagitan ng mga nagbabakang ahenteng Hapones at Tsinong mangangalakal ng droga.[1]

Mga tauhan

baguhin

Ang mga nagsiganap sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:

Mga nagsiganap Ginampanan bilang
Christopher De Leon Johnny
Charo Santos Melanie
Jay Ilagan Nonong
Sandy Andolong Nancy
Boboy Garovillo Onota
Johnny Delgado Father Master
Armida Siguion-Reyna Madame Lily
Leo Martinez Padre Blanco
Nanette Inventor Madreng Superyora
Joe Jardi Goon
Moody Diaz Melody / Virgie
Danny Javier Sampagita
George Javier Grand Master
UP Concert Chorus mga pekeng pari at madre

Buod ng pelikula

baguhin
 
Ang pagdiriwang ng tagumpay ng sindikatong Hapones

Nagpuslit ng Hapones na si Onota (Garovillo) sa bansa ang isang kargamento ng opyo na matalinong nakabalumbon sa isang kahita. Di-napansin, ang kahita ay inilagay sa bulsa ng dyaket ni Johnny (De Leon), isang binatang Pilipino na bumalik mula sa bansang Hapon. Ang binata, ang kanyang babae na si Melanie (Santos), at ang kanilang mga kaibigan, na sila ay talisuyo din (Ilagan, Andolong), ay tinutugaygayan ng Hapones na hinahanap upang mabawi ang kalakal na puslit. Ang mga ahenteng Tsino ay sumisilakbo rin sa kanilang pagsusubaybay. Kumakabig para sa kanilang mga buhay, ang mga talisuyo ay nakarating sa Baguio.

Umaasang mahanap ang kanlungan, ang mga nag-iibigan ay pumasok sa isang simbahan upang alamin lamang na ito ay ang himpilan ng sindikatong Hapones. Inihantad nila ang isang sabwatan ng sindikato na gagamit ng mga pekeng pari at madre para sa malawakang pagpapalaganap ng opyo sa bansa. Ang pamamaraan ay isinasapantaha na ilagay ang bansa sa ilalim ng kontrol ng mga Hapones. Sa huli, ang mga ahenteng Tsino ay pumasok sa himpilang Hapones at ang isang magulo at nakakatawang labanan ay sumunod: Ang mga Tsino laban sa mga Hapones at kapwa laban sa mga Pilipino. Nanalo ang mga Pilipino at nagpakasal ang mga talisuyo.[1]

 
Ang patalastas ng Kakabakaba Ka Ba? sa pahayagan

Pagsusuri ng pelikula

baguhin

Ang pelikula ay itinuturing ng mga tagapuna bilang isa sa mga patutong pelikula ng dekadang 80 dahil sa balintuna, makomiko, at walang-pitagang pakikitungo ng isang kaibang masidhing tikha tungkol sa pagtaban ng dayuhan sa ekonomiya ng Pilipinas. Ito ay kinakailangan na lumampas sa mga tagapuna, na likas na nagsumikap na ipagbawalan ang pelikula ukol sa mga ipinaratang pagdaluhong na panrasismo laban sa mga Hapones at mga Tsino.[1]

Mga gawad

baguhin

Gawad FAMAS

baguhin
Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1981
Nanomina
Pinakamahusay na Direktor
Mike De Leon

Pinakamahusay na Pangalawang Aktor
Johnny Delgado

Pinakamahusay na Pelikula

Gawad Urian

baguhin
Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1981
Nanalo
Pinakamahusay na Direksiyon
Mike De Leon

Pinakamahusay na Editing
Ike Jarlego, Jr.

Pinakamahusay na Musika
Lorrie Ilustre

Pinakamahusay na Tunog
Ramon Reyes

Pinakamahusay na Pangalawang Aktor
Johnny Delgado
Nanomina
Pinakamahusay na Pangalawang Aktor
Boboy Garovillo

Pinakamahusay na Pangalawang Aktres
Nanette Inventor

Pinakamahusay na Pangalawang Aktres
Armida Siguion-Reyna

Pinakamahusay na Dulang Pampelikula
Clodualdo Del Mundo Jr.
Mike De Leon
Raquel Villavicencio

Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon
Raquel Villavicencio

Pinakamahusay na Sinematograpiya
Rody Lacap

Pinakamahusay na Pelikula

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 M. Tajan, CCP Encyclopedia of Phil. Art, Vol. VIII (Phil. Film), p. 170

Mga panlabas na kawing

baguhin