Ang Kakristiyanuhan (Ingles: Christendom[1]), o ang Mundong Kristiyano (Ingles: Christian world[2]), ay mayroong ilang mga kahulugan. Sa diwang pangkultura, tumutukoy ito sa pamayanang pambuong mundo ng mga Kristiyano, mga tagasunod ng Kristiyanismo. Sa diwang pangkasaysayan o pangheopolitika, ang kataga ay karaniwang pangkatipunang tumutukoy sa mga bansa kung saan nangingibabaw ang Kristiyanismo[1] o isang penomenang pangteritoryo. Sa una, ang Kakristiyanuhan ay isang diwang midyebal na umunlad magmula noong pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Romano at ang dahan-dahang pagbangon pa ng Kapapahan na may kinahinatnang relihiyotemporal, praktikal na noong at pagkalipas ng pamumuno ni Charlemagne; at ang mismong diwa ay tumighaw sa mga isipan ng matatapat na mga mananalig upang maging isang arketipo ng isang banal na panrelihiyong puwan na pinaninirahan ng mga Kristiyano, binasbasan ng Diyos na Amang Makalangit, pinamumunuan ni Kristo sa pamamagitan ng Simbahan at pinupruteksiyunan ng Espiritung katawan ni Kristo; hindi katakataka, na ang diwang ito, bilang kinabibilangan ng kabuoan ng Europa at pagdaka ng lumalawak na mga teritoryong Kristiyano sa daigdig, ay nakapagpatibay sa mga ugat ng Romansa ng kadakilaan ng Kristiyanismo sa mundo.[3]

Terminolohiya at paggamit

baguhin

Ang salitang Ingles na Christendom para sa Kakristiyanuhan ay isang salitang umunlad magmula sa salitang Latin na Christianus. Ang "mundong Kristiyano" o "daigdig na Kristiyano" ay tinatawag din na Corpus Christianum, na isang katagang Latin, bilang isang kalipunan, at isinasalin bilang "ang katawang Kristiyano", na may kahulugang "pamayanan ng lahat ng mga Kristiyano". Ang Corpus Christianum ay maaaring tanawin bilang isang katumbas na salitang Kristiyano ng Muslim na Ummah. Ang "Kaharian ng Diyos" ay madalas ding ginagamit, na nagpapahiwatig na ang mundong Kristiyano ay nasa loob (o nasa piling) ng mga tao[4]

Ang Kakristiyanuhan, bilang katumbas ng Ingles na "Christendom", ay ginagamit sa artikulong ito upang magpahiwatig ng pamayanang pangglobo (pamayanang pandaigdigan) ng Kristiyanismong Pambibliya. Ang Kakristiyanuhan bilang ganito ay nakatakda sa pagpapangalan ng mga aspetong panrelihiyon. Subalit, ang salita ay ginagamit din ayon sa iba pa nitong mga kahulugang upang ibalangkas o ibanghay ang tunay na Kristiyanismo. Ang isang mas sekular na kahulugan ay maaaring magpahiwatig na ang katagang "Kakristiyanuhan" ay tumutukoy sa mga Kristiyano na itinuturing bilang isang pangkat, ang "Pampolitikang Mundong Kristiyano", bilang isang impormal na hegemoniyang pangkultura na pangtradisyong laganap sa Kanluraning Mundo. Sa pinakamalawak nitong kahulugan, tumutukoy ito sa mga bansa ng mundo na ang karamihan ng populasyon ay binubuo ng mga Kristiyano, na kakaunti lamang ang pagiging magkakaugnayan maliban na lamang sa pangingibabaw ng uri ng pananalig. Hindi katulad ng mundong Muslim, na mayroong isang kahulugang pangheopolitika at pangkultura na nagbibigay ng isang pangunahing pangkilala ng isang malaking bahagi ng mundo, ang Kakristiyanuhan ay mas masalimuot. Maaaring ito ay mayroong isang diwang pangkultura, subalit may napakaliit na bigat sa talakayang internasyunal; napaka kakaunting bilang ng mga tagapagmasid na pampolitika ang talagang tumatalakay ng Kakristiyanuhan, habang ang Mundong Muslim ay tila bumubuo ng isang pansarili nitong kabihasnan. Halimbawa na, ang Kaamerikahan at Europa ay itinuturing na isang bahagi ng Kakristiyahuhan, subalit ang rehiyong ito ay mas hinahati-hati pa bilang Kanluran (kumakatawan sa Hilagang Atlantiko) at sa Amerikang Latino. Hindi rin ito masyadong mayroong pagkakaisang pangheograpiya kaysa sa mundong Muslim, na halos lumalagos nang tuluyan magmula sa Hilagang Aprika hanggang sa Timog Asya.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 See Merriam-Webster.com : dictionary, "Christendom"
  2. Marty, Martin E. The Christian World: A Global History. Modern Library chronicles, 29. New York: Modern Library, 2007.
  3. Silen Debnath, Secularism:Western and Indian, ISBN 8126913665, 9788126913664, Atlantic Publishers, New Delhi
  4. Pagsipi na nasa wikang Ingles: Kingdom is within: "The kingdom of God does not come with observation; nor will they say, ‘See here!’ or ‘See there!’ For indeed, the kingdom of God is within [or among] you." Luke 17:20–21