Pakikiapid
Ang pakikiapid o pangangalunya[1] ay ang pagsira sa kasunduan o pagsuway sa pangakong binitawan sa pagkakakasal sa isang tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ugnayang seksuwal o pakikipagtalik sa iba pang tao, bukod sa sariling asawa.[2] Isa itong pagtataksil sa tunay at sariling asawa.[3]
Tinataguriang mga adultero (lalaki), adultera (babae), kalunyero (lalaki), at kalunyera (babae) ang mga taong nakikiapid o sumisiping sa ibang taong hindi naman nila legal na asawa, babae man o lalaki. Ang mga kaapid naman taong may-asawa ay tinatawag na mga kaagulo, kalunya[4], kulasisi (babae), kabit, mayang (mula sa wikang Ilokano), "number two" (pariralang Ingles na may diwang "pangalawang babae" o "pangalawang lalaking" pinipilingan), at patiki[3].
Sa Aklat ng Pahayag (nasa Pahayag 17:2) ng Bagong Tipan ng Bibliya, tumutukoy ang salitang pakikiapid bilang pakahulugan para sa "pagsamba sa mga diyus-diyosan", na may kaugnayan sa pagpapasamba sa mga "diyos ng Imperyo" ng Imperyo ng Roma sa kanilang mga nasasakupang mga mamamayan .[5]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "apid" sa diskyonaryo.ph
- ↑ The Committee on Bible Translation (1984). "Adultery". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.
- ↑ 3.0 3.1 Gaboy, Luciano L. Adultery, nakikiapid; concubine - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Blake, Matthew (2008). "Concubine". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org., nasa Concubine[patay na link].
- ↑ Abriol, Jose C. (2000). "pakikiapid". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 1808.